Part XIII

42 4 0
                                    

Alley o Kzyeinne POV

Goodmorning Philippines and Hello world. Ang saya saya talaga! Simula ng naging kami ni Baby Sean ko di na mapaglagyan ang saya ng nadarama ko. Dati galit na galit ang mga student sa amin pero turing nila sa amin ay "BEST COUPLE" Patalon talon ako habang naglalakad sa may hallway.

Lalalalala~~

"Hi Kzyeinne ang saya mo ata?"

"Hi Andrew ^_^ Maganda lang gising ko"

"Oh talaga! Good to hear that"

Nag-uusap ako ng makita ko ang baby ko. May kausap sa phone nya. Ay btw malapit na matapos ang taon. 3rd year na kami next year. Ang bilis ng panahon noh. Nagpaalam na ako kay Andrew sabi ko pupuntahan ko lang si Sean. Sabi nya ay may gagawin din sya kaya okay lang. Malapit na ako ng makita nya ako. Kumaway na ako sa kanya at nilagay nya phone nya sa bulsa nya. Ang hot ng boyfie ko noh?

"Goodmorning Baby"

"Goodmorning"

"Ihatid na kita sa room mo?"

"Agad Sean? Tara muna sa garden. Maaga pa naman eh please "

"NO! Wag na makulit. May gagawin pa ako"

Nagulat ako. Sinagawan ba nya ako? Sumikip bigla ang dibdib ko. Literal na sumakit.

"S-sorry S-sean. Sige tara na sa r-room"

"Sorry baby. May problema lang sa bahay eh."

"Ano ba problema?"

"Wala."

Nalungkot ako. Bago pa lang kami pero nagkaganito agad kami. 2 months pa lang kami. Never nya ako nasigawan at gamitan ng flat tone ng boses nya. Pagkahatid nya sa akin ay umalis na agad sya.

"Well! Well! May garabage na pakalat-kalat"

"Tigilan mo ko Ash. Wala ako sa mood"

"Oh! Nauntog na ba si Sean at na-realize nya na mali pala sya ng taong minahal"

Di ko sya pinansin. Uupo na sana ako. Nang kinabahan ako sa sinabi nya.

"Di kaya naging cold sya dahil narealize nya na mas mahal nya ako Alley. Nauna ako sa kanya. Inagaw mo lang sya sa akin. Kaya babawiin ko lang ang akin. You'll see. Darating ang araw na yung meron ka ngayon ay unti-unti ng maglalaho"

Andrew POV

Wala na ako pag-asa kay Kzyeinne. Mahal ko sya pero mat mahal syang iba. Ang sakit sakit!
Bakla kung tawagin ang pag-iyak ko pero wala akong pakialam. Naglalakad ako papuntang parking lot. Napapansin ko na di lagi magkasama si Sean at Kzyeinne. May problema kaya sila. Minsan matamlay at namamayat si Kzyeinne. Naglalakad lang sya mag-isa. Nang--------

"KZYEINNE!!!"

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon