CHAPTER 6: She looks like an angel

134 5 0
                                    

CHAPTER 6

She looks like an angel

Angelo's P.O.V

Andito na ko sa bahay namin. Hinatid ko pa kasi si Catleya sa condo niya. Syempre gentleman ata to. Nagtataka lang ako kanina nung nasa klase kami bakit pinalabas sina best Cassie at Cristelle. Nung oras ng recess bumaba ako kasama si Catleya para hanapin silang dalawa pero hindi din namin sila nakita. Tinawagan ko din si best Cassie pero out of coverage ang phone niya hanggang matapos ang recess at pumasok na kami ni Catleya sa mga natitirang subject pa namin pero silang dalawa wala. Kinakabahan tuloy ako.

It's already 8:00pm at hindi ko pa din ma-contact si best kaya heto ako ngayon papunta sa kanila para lang makasigurado na nasa bahay na nila siya. Pagdating ko doon napanatag na ang loob ko dahil nakita ko si best Cassie na nasa bahay na nila. Buti na lang. Pero ang pinagtataka ko kahit nakita na niya ako hindi man lang niya ko pinansin umakyat lang siya papunta sa kwarto niya kahit ang Mommy niya nagtaka din.

Kaya nagpaalam ako kay tita na kung pwede umakyat ako sa kwarto ni best Cassie at pumayag naman ito. Nasa pintuan na ko ng kwarto ngayon ni best at akma ng kakatok ng bigla niyang buksan ang pinto.

Oh bakit ka nandito? Anong kailangan mo? pagsusungit niya sa akin.

Papasok ah. Tumango lang siya senyales na pumapayag siya pumasok ako ng kwarto niya.

Bakit ang sungit mo best? Tsaka nga pala san kayo pumunta ni Cristelle at di na kayo bumalik ng room.

Pakelam mo ba kung masungit ako. Malamang nag-cutting kami. Nakakawalang gana kasi. Sabat niya ng naka-kalong baba.

Best naman. Di ba sabi ko sayo. Bawal ka mag-cutting unless na lang kung ako kasama mo. At bakit ka naman nawalan ng gana kanina?

Nakakainis kasi. Pano ba naman pinaalis ako sa upuan kung saan katabi kita para lang sa Catleya chuchu na yun. Kakabwisit ang dami-dami namang vacant seat dun pa naisipan ni ma'am na paupuin siya alam na mang may nakaupo na dun. Pagsasaad niya.

Syempre best kaya dun siya inilagay kasi para masubaybayan ko siya. Alam mo naman na bago siya di ba? At ako pa lang ang kilala niya talaga dun. Sabi ko naman.

Pssssssssssssh. Ay naku. Nakakainis ka na din eh. Ilang araw ka ng busy tsaka ilang araw na din tayong di nakakapag-bonding. Kainis ka :( Naka-sad face pa siya habang sinasabi niya ito.

Sows kaya naman pala nagtatampo ang best ko sakin. Halika nga dito. Yinakap ko siya ng mahigpit pero inaalis niya ang kamay ko.

Galit ako sayo. Tsee. pagsusungit niya pa din sa akin.

Sorry na best Cassie. Naging busy lang ako this past few days. pero promise bukas hindi na ko busy. Susunduin na kita. Sabay na ulit tayo papasok and this coming saturday mag-movie marathon tayo dito sa bahay niyo.

Talaga best Angelo? *.* Nagniningning ang mata habang sinasabi ito.

Oo best Cassie. Sorry din kung naging busy ako ah. Wag ka na magtampo. Tutupad ako sa promise ko. Tsaka wag din masyadong mainit ulo kay Catleya. Mabait naman siya di ba?

Yung Catleya na yun mabait? talaga langg ah. Hmpp ..

Okay lang best. Di na ko galit sayo :) Nakangiti niyang sabi. Oh best gabi na oh baka hinahanap ka na sa inyo. Uwi ka na may pasok pa tayo bukas eh. Pero teka lang bago ka umuwi. Can you do me a favor? tanong niya sa akin.

Oo mabait talaga yun. Buti naman di ka na galit sa akin. Oh sure. What is it best Cassie? Sagot ko naman.

Can you sing for me? and tsaka ka na umalis pag nakatulog na ko. Pretty please best ^_^

Ayan na naman yung pretty please niya na hindi ko matanggihan. Cute niya kasi pag nagpi-please. At dahil nga may atraso ako at ayoko uit siya magalit kinantahan ko na nga siya para makatulog na siya. Oo ganyan si best pagkatapos niya magtampo parang bata kung maglambing.

"I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad

All I wanna do is grow old with you"

Etong kinakanta ko favorite niya to. Grow old with you daw kasi ang gusto niya dahil cute daw ng song at gusto niya eto raw ang kakantahin sa kanya ng boyfriend niya pag makikipagbati ito after siyang awayin at dahil nga daw wala pa siyang boyfriend ako daw muna ang kumanta for her. Ayos din tong si best eh. 

"I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you"

Tuloy pa din ako sa pagkanta habang siya nakapikit na. Pinagmamasdan ko siya at hinahaplos ko ang buhok niya habang kinakantahan ko siya.

"I'll miss you, Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you, Feed you

Even let ya hold the remote control"

Ang swerte ko na naging bestfriend ko si Cassie. Napaka-caring niya kasing friend. Di niya ko basta iniiwan sa ere. At malamang swerte din yung taong mamahalin ni Cassie sa future kasi lahat ng traits na pwedeng magustuhan ng lalake sa isang babae taglay na lahat ni best Cassie. Siguro nga kung di ko lang siguro to bestfriend baka niligawan ko na to eh. HAHAHA :DD lambing niya kasi and ang ganda niya pa lalo na kapag nakangiti siya. She looks like an angel. Napakaamo talaga ng mukha niya. :)

Sana yung taong mamahalin niya hindi siya saktan. Ayokong nakikitang umiiyak siya dahil sa taong mahal niya dahil pag nangyari yun panigurado gegerahin ko yung lalakeng yun. Napakahalaga sa akin ni Cassie di ko makakaya na nakikita siyang nasasaktan.

"So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed if you've had too much to drink

I could be the man who grows old with you"

I wanna grow old with you ..

Mahimbing na natutulog si best Cassie. Bago ko bumaba I kiss her sa noo as a sign ng goodnight. Ganyan ako palagi sa kanya tuwing tulog na siya. :) Wag kayo maingay ah baka bugbugin ako nun pag nalaman niya XD Baka kasi isipin niya nagnanakaw ako ng halik. Hahahaj :D

After that nagpaalam na ako kay tita at umuwi na sa bahay.

I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon