CHAPTER 5
The cute guy at mall :)
Christelle's P.O.V
Andito na kami sa mall ni bhe Cassie at medyo di na siya nakabusangot ng bonggang-bongga. We're here at karaoke room. Kakanta daw si bhe Cassie kung di niyo naitatanong kapag badtrip siya eto ang pampakalma niya ang pagkanta. Nagsimula na siyang kumanta at ang song na kinakanta niya ......
BAKIT NGA BA MAHAL KITA ! Grabe ang lakas nga talaga ng tama niya sa bestfriend niya. Minsan naaawa na ko sa kanya. Feeling ko kasi ang hirap hirap ng pinagdadaanan niya. Pano ba naman kasi sa mismong bestfriend pa niya siya na-inlove. Pero bilib din ako sa kanya kasi naitatago niya yung totoong feelings niya for Angelo.
Bakit nga ba mahal kita?
kahit di pinapansin ang damdamin ko.
Di mo man ako mahal,
Eto pa din ako nagmamahal ng tapat sayo.
(Cassie's still singing)
Di mo mahahalata sa hitsura niya na ganun kalaki ang problema niya. Pano ba naman kasi napaka-palangiti niyang babae. Di siya nagpapakita ng kahinaan. Pero kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya malamang mabubuang na ko.
Natapos na siyang kumanta at ngayon nag-aaya naman siyang kumain. Nagutom daw kasi siya kakakanta. Hindi na siya nakasimangot ngayon. Mabuti naman at medyo okay na siya.
Habang naglalakad kami papuntang kainan may cute guy na nag-approach sa amin. At naka-school uniform din ito. At kung di ako nagkakamali dun din siya nag-aaral sa school namin kasi kaparehas namin siya ng school uniform. :))
Hi ! Two gorgeous ladies :) Can i know your name? Tanong ni kuya cute.
Nakikipagkilala ito sa amin, at dahil mukhang mabait naman siya hindi kami nag-alinlangan na makipagkilala kay kuya cute. :P
Oh ! I'm Cristelle. sagot ko.
I'm Cassie. sagot din naman ni bhe.
Oh btw I'm nathaniel. Nice to know you both. Same school ang pinapasukan natin. :) nakangiting sabi niya sa amin. (A/N: Nasa multimeadia yung picture niya.)
Ou nga noh. sabay na sabi namin ni bhe Cassie. Anong year ka na? Tanong ko naman.
Ah 4th year na ko. kayo ba? tanong niya.
We're also 4th year. sabi naman ni bhe Cassie
Ah. Parehas pala tayo. Eh bakit kayo nandito ngayon. Di ba may klase pa? tanong na naman ni kuya cute sa amin. This time ako naman na ang sumagot sa tanong niya.
Well, napagalitan kasi kami ng teacher namin at dahil dun pinalabas kami. Kaya heto gumala na lang kami. Tinamad na din kasi kaming pasukan yung natitira naming subject. Nahihiya kong sabi. Eh ikaw ba bakit nasa mall ka.
Ah. ganun ba? Actually, nasaraduhan kasi ako ng gate kanina pano ba naman na-late ako. Pakamot ulo na sabi ni kuya cute. So san pala punta niyo?
Ahm. Kakain sana kami nung inapproach mo kami ni bhe Cristelle. Hehe. Natatawang sagot naman ni bhe Cassie.
Ah ganun ba? Pasensya na kung naistorbo ko kayo. Well, para naman makabawi ako sa pang-iistorbo ko sa inyo. Tara treat ko kayo kumain. :) Magiliw na sabi ni kuya cute sa amin.
Sure ka? Nakakahiya naman sayo. Sabi naman ni bhe Cassie sa kanya.
Oo noh. Ako nga dapat mahiya sa inyo eh. Tsaka okay lang talaga sa akin. Tutal medyo gutom na din ako. Shall we two gorgeous ladies? Pag-aaya niya sa amin.
At dahil willing naman talaga siyag ilibre kami. Sumama na kami sa kanya. Andito na kami sa isang restaurant. Umorder na si kuya cute ng mga kakainin namin. Nung naka-serve na, sabay na kaming kumaen at nagkwentuhan lang ng kung anu-ano. nang biglang nag ring ang cp ni kuya cute.
Excuse me for a while ladies. Tumango kami at agad muna siyang umalis sa may pwesto namin. Nang mga ilang minuto bumalik na siya. At humingi siya ng pasensya. Aalis na daw siya dahil may emergency daw siya na aasikasuhin. Binayaran niya na ang mga kinain namin. After nun, nagpaalam na siya at umalis.
Nang nakaalis na si kuya cute. Nagpasya na din kami ni bhe Cassie umuwi dahil pagabi na din nang mga oras na iyon. Habang nasa taxi kami ni bhe Cassie nagkukwentuhan lang kami about kay kuya cute. Di namin mapigilang makilig dahil bukod sa cute si kuya mabait din ito at gentleman.
Alam mo bhe Cassie ang cute niya sobra lalo na pag ngumiti. Kinikilig kong sabi.
Oo nga ang cute niya bhe. Hihi :3 Infairness ah. May napala tayo sa pagka-cutting naten. HAHAHAJ :DD Bukod sa nawala ang pagka-badtrip ko, may nakilala pa tayong cute guy.
Tama bhe. Hihi. Kinikilig ko namang sabi. Nag-apir kami ni bhe Cassie sa sobrang pagka-enjoy namin sa araw na ito. :)
A/N: Hanggang dito muna ang aking update. bibitinin ko muna kayo. HAHAHAJ :DD Wag kayong magtampo dahil 5Chapter naman ang iniwan ko sa inyo noh. Mahiya naman kayo sa akin. Napapagod din ang utak ko mag-isip NYAHAHAJ XDD (May utak pala ko XD) Well, papahinga muna ko ng mga ilang linggo. Wag kayong mag-alala dahil pagbalik ko pipilitin ko mag-UD ng 5 Chapters ulit. Pangako yan. Cross my heart mamatay man sila. Ahahahaj XD :)) Itago niyo muna yang kilig niyo ah. Hahaj :DD
FEEL FREE TO COMMENT IN EVERY CHAPTER :)
![](https://img.wattpad.com/cover/5511469-288-k316214.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIEND
Dla nastolatkówPwede kayang mangyari? Oo, di naman imposibleng na mahulog ka sa bestfriend mo, lalo na kung lahat ng traits ng isang lalake na pwedeng ika-inlove na babae eh nasa kanya. Pero mahirap umamin di ba? mahirap kasi bestfriend mo yung tao .. What if in-l...