CHAPTER 13: The truth hurts

111 5 1
                                    

CHAPTER 13

The truth hurts

A/N: I'm back :DD Yah ako muna magkukwento ah sa chapter na ito. *bow* :))

Nagsisimula ng kumain si Cassie. Ibinuhos na lang niya ang inis niya sa pagkain. Hindi niya kasi matanggap na baka hindi sila makapag-movie mararthon ni Angelo bukas dahil sa may sasamahan itong girl sa isang event.

Habang kumakain siya hindi niya namalayan na nandun na pala si Angelo sa bahay nila. Nagulat naman si Cassie ng bigla itong magsalita.

Uy best. Dahan-dahan sa pagkain. Taggutom ba? Natatawang sabi ni Angelo.

Wag mo nga ko pakelaman kung hindi ako dahan-dahan kumain best, eh sa gutom ako eh. Kalmadong sabi ni Cassie na ayaw ipahalata sa bestfriend niyang naiinis siya.

Lagi ka naman gutom eh. HAHAHAHAJ :DD Tawa ng tawang sabi ni Angelo.

Tsee. Nga pala sino ba yung girl na sasamahan mo bukas ah? Tsaka anong event ba yan? Tanong ni Cassie.

Si Catleya best. Siya yung sasamahan ko. Hindi ko pa alam kung anong event yun best eh. Abot tenga ang ngiti ni Angelo habang sinasabi niya ito, napansin naman ni Cassie ang ngiting yun ng bestfriend niya.

Sows! Yung Catleyang malanding maldita pala ang sasamahan mo. Bulong ni Cassie.

Ano yun best? may sinasabi ka ba? Ang hina kasi ng boses mo eh.

Ah wala. ang sabi ko lang best ang sarap ng kinakain ko gusto mo? Palusot na sabi ni Cassie. laking pasalamat niya na hindi siya narinig nito.

Ah. Nga pala best yun nga baka hindi tayo makapag movie marathon. Pwede bang sa susunod na lang natin gawin yun?

Ganun? KDOT. :) Nakangiting sabi ni Cassie pero ang totoo hindi naman talaga siya natutuwa lalo na't nalaman niyang si Catleya pala ang makakasama ni Angelo bukas.

Sorry best ah. Ang totoo niyan best 8:00 pa naman simula nun kaya nga lang alam mo mag-papapogi pa ko ng todo para naman magmukhang prisentable ako.

Okay lang best. Naiintindihan ko. Mahinang sabi ni Cassie.

Tsaka nga pala best. May sasabihin ako sayo. Naalala mo ba dati yung sinabi kong may gusto akong ligawan dati kaso di ko maligaw-ligawan kasi malayo siya.

Oo naaalala ko pa. Bakit may bago ka na bang gustong ligawan best?

Wala best, siya pa din yung gusto kong ligawan. Actually yung girl na yun best ay si Catleya. Nahihiyang sabi pa ni Angelo sa best niya.

Laking gulat ni Cassie sa rebelasyong sinabi sa kanyang ni Angelo. Hindi siya makapaniwala na si Catleya pala ang tinutukoy na girl dati sa kanya ni Angelo.

HUH? Si CATLEYA? DI NGA BEST? Di ka ba nagbibiro. O_O --gulat niyang pang tanong kay Angelo.

Parang biglang dinukot ang puso niya sa nalaman niya. Yung bestfriend niyang mahal na mahal niya, in love na dun pa sa taong kinaiinisan niya.

Oo best. I'm not joking i'm serious. Ngayon ko lang sayo sinabi kasi nahihiya ako magkwento sayo eh. Alam mo best iba talaga dating niya sa akin. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Nung una ko pa lang talaga siya nakita sa California humanga na ko talaga sa kanya kahit na masungit siya mabait naman siya. *_*

Nagniningning ang mata ni Angelo habang nagkukwento siya kay Cassie.

Si Cassie naman pinipigilan ang luha niyang namumuo at nagbabadya ng kumawala sa kanyang mga mata.

A-Ayos lang yun best. Hmm. Mukha nga naman talaga siyang mabait eh. Pagsang-ayon na lang ni Cassie kahit ang totoo eh naakademonyita ng babaeng yun para sa kanya.

So anong plano mo? Liligawan mo na ba siya? --Pinipilit ni Cassie na wag ipahalata sa best niya yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

Oo best. Aaminin na ko sa true feelings ko sa kanya and I'll ask her tomorrow pagkatapos ng event na pupuntahin namin if i can court her. :)) Nakangiting sabi ni Angelo sa kanya.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Cassie sa mga sinasabi ni Angelo sa kanya. Ang sakit sa kanya ng mga nalalaman niya. Parang unti-unting dinudurog ng parang pamintang pino yung puso niya.

Ngayon pa nga lang na nalaman niyang manliligaw si Angelo kay Catleya. Sobrang sakit na ng puso niya. What more pa kung magiging magkasintahan na yung dalawa.

Ganun ba best? Goodluck sa pagtatapat mo sa kanya bukas ah. Sana pumayag siya na manligaw ka.

Habang sinasabi niya ito tumulo ang luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan para hindi makita ni Angelo.

Sana nga best. At sana magkaroon ako ng ripleng kapal ng mukha para umamin bukas. Ayoko na kasing sayangin yung chance baka mamaya maunahan pa ko ng iba saklap nun. Nga pala tara samahan mo naman ako bumili ng damit para sa gagamitin ko bukas. Please ..

Kaya mo yan best. AJA. Ikaw pa super kapal ng mukha mo. Oh sige best. Wait mo lang ako dyan. Maliligo muna ko.

Di na hinintay ni Cassie ang sagot ni Angelo agad na siyang umakyat ng kwarto. Paano ba naman gusto na talagang kumawala ng mga luha niya. Hindi na niya ito kaya pang pigilan.

Nang nasa loob na siya ng kwarto niya dun na nagsimulang umagos tuloy-tuloy ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan habang kausap niya si Angelo.

Sobrang nasasaktan kasi siya. Halata niya kasi sa bestfriend niya na masaya ito. Nakikita niya ito sa mga mata ni Angelo kanina na nagniningning habang nagkukwento ito ng tungkol kay Catleya.

Hindi naman siya pwedeng humadlang sa gustong gawin ni Angelo kasi BESTFRIEND lang naman siya nito at wala siyang karapatan para magselos din.

Pero hindi niya maiwasang magselos kay Catleya lalo na't ang mahal niya ay may gusto dito.

Humagulgol na si Cassie ng sobra. Buti na lang at hindi ito maririnig ni Angelo soundproof kasi ang kwarto niya hindi naririnig sa labas ang ingay na ginagawa niya sa loob. Mas lalo tuloy siyang mahihirapan ngayon na itago ang tunay na nararamdaman niya sa bestfriend niya.

A/N: NANGANGAILANGAN AKO NG MGA COMMENTS! UTANG NA LOOB XDD GUSTO KONG MARINIG ANG MGA SUHESTIYON NIYO :))

I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon