Chapter 24 BESTFRIEND FOREVER!? MAHAL KITA BESTFRIEND!

93 2 0
                                    

Chapter 24

BESTFRIEND FOREVER!?

Angelo's P.O.V

Galit ka ba bhest? -Tanong ko habang palabas si Cassie sa room.

HINDI BHEST BYEEE -Pasigaw naman niyang sabi

Tinangka ko namang habulin siya pero agad naman pumulupot sa braso ko si Catleya.

Baby G hayaan mo na siya. Mukhang nagmamadali ang bestfriend mo baka may pupuntahan pa siya. -malambing na sabi naman ni Catleya. 

Oo nga pala kami na ni Catleya. Ilang linggo na ang nakakaraan kaya sobrang saya ko dahil sa wakas kami na ng pinakamamahal kong babae. Hindi ko pa nga lang nasasabi kay bhest Catleya eto kasing girlfriend gusto lagi kaming magkasama kaya hindi na ko nakakapunta kina bhest.

Wala na din ako ganung balita sa kanya. Hindi ko na din kasi siya madalas makatext. Inamin kasi sa kin ni Catleya na nagseselos siya sa bestfriend kong si Cassie. Eh kung tutuusin naman wala naman siyang dapat ikaselos dahil sa kanya naman na ako at bestfriend lang talaga ang turing ko kay Cassie.

Medyo na-curious tuloy ako kung sino yung sinasabi ni Cristelle na secret admirer ni Cassie. yung "EN" daw. I wonder kung anong hitsura ng taong yun baka nga mas gwapo pa ko dun eh.

(A/N: Ayy nako si Angelo nagbubuhat ng sarili niyang bangko. Kaloka)

Hey Baby G. Hello naririnig mo ba ko? -Pakaway kaway na sabi ni Catleya sakin.

Agad naman magising ang diwa ko sa ginawa niyang pagkaway-kaway.

Ano nga ulit yun baby K? -tanong ko naman sa kanya hindi ko naman kasi siya naririnig kanina eh -____-

Sabi ko uwi na tayo. Ihatid mo na ko. Tayo na lang kaya ang tao dito sa room.Look oh!

Ano ba naman yan kasi Baby G. Lumilipad na naman yang utak mo. Ano baang iniisip mo ahh? Hmmmp >.< -pagsusungit niya.

Ah wala naman. Sorry! Halika na baby K. Uwi na tayo. Ihahatid na kita. =) -sabi ko naman

Lumabas na kami ng room at naglakad hanggang palabas ng gate. Pagkalabas naman ng gate saktong may jeep na dumaan kaya agad na kaming sumakay ni Catleya.

Baby G. Gusto mo ba dun ka na lang mag-dinner sa bahay? -suhestiyon naman niya.

Ah hindi na Baby K. Pinapauwi kasi agad ako ni Mommy eh. -sabi ko naman.

Ganun ba? Ah sige. -sabi naman ni Catleya.

Para po manong -Pasigaw kong sabi. Ang lakas kasi ng sound system ni manong sa jeep baka hindi ako marinig.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako pinapauwi agad ni Mommy sinabi ko lang para pagkahatid ko kay Catleya makapunta kaagad ako kina bhest. ewan ko ba? Curious na curious kasi talaga ako sa EN na secret admirer niya. At isa pa para kasing galit siya kanina nung nakausap ko siya. May pagkatampuhin kasi iyon.

Inalalayan ko naman pababa si Catleya ng jeep.

Thank you baby :) Umuwi ka kaagad at kumain ka ng madami. -paalala niya

I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon