Atom
Pauwi na sana ako ng makita ko si Lid at Keni na parang madaming bitbit na gamit hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kaya sinundan ko sila kanina pa kami nag babyahe wala na nga kami sa manila
sinubukan ko tawagan si Ella pero out of coverage area lalo lumakas yung kaba ko baka mamaya ilalayo nila sa akin si Ella alam ko kaya nilang gawin at hindi ako papayag mag kakapatayan muna bago nila malayo si Ella sa akin!
sa isang bahay kami humanton pag baba nila nakita ko din sila Lee at Ella na palabas ng bahay kaya nag init yung ulo at hindi ako nakapag timpi bumaba ako ng sasakyan at hinarap sila para kunin si Ella
"Mga hayop kayo anong karapatan nyong ilayo sa akin ang asawa ko!" galit na sinugod ko sila sinuntok ko si Lid tinulak ko Lee at kinuha ko si Ella sa braso para isama paalis pero humarang si Keni
"Wag mo akong pilitin na labanan ka bitawan mo na si Ella.." madiin na sabi ni Keni pero wala akong pakialam
"Umalis ka sa harap ko Keni kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo!" sigaw ko sa kanya akmang lalakad ako paalis pero hinatak nya ako sa kwelyo ng uniform ko at sinuntok bumagsak ako sa lupa na rinig ko na tumili si Ella tumayo ako para suntukin din si Keni pero nagulat ako ng hawakan ako ni Lid at Lee sa mag kabilang braso ko kaya hindi ako makagalaw
"Tama na! please wag kayong mag away away tigilan nyo na to! parang awa nyo na tumigil na kayo.." iyak ng iyak si Ella bigla akong nanlambot ayoko syang nakikitang umiiyak kaya kinalma ko yung sarili ko
"Bitawan nyo ako.."
"Bibitawan ka namin kung sasabihin mo na aalis kana.." Lid
"Hindi ako aalis ng hindi ko kasama ang asawa ko!"
"Edi kakaladkarin ka namin paalis dito.." Lee
"Bakit ba ginagawa nyo to bakit nyo kami pinag hihiwalay!" mga kapatid ko sila kaya hindi ko akalain na gagawin nila sa akin yung ganito hindi ko kasi matanggap na sila bakit sila pa! pucha!
"Umalis kana Atom.." Keni
BINABASA MO ANG
My lover
Ficción GeneralMariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex appeal, and because of that every body thinks that Ella is the dream girl that any man would wish for...
