Epilogue

104K 1K 62
                                    

Atom

After one year…

Simula ng mailigtas namin si Ella sa kamay ni Fred at malaman ko ang buong katotohanan, mas naging open pa kami ni Ella sa isa’t-isa. Lahat tinggap ko kahit na sa una ay nagulat ako dahil, wala nga akong maalala pero dahil sa therapy ko ay unti-unti na rin na bumalik ang alalaa ko, kaya ngayon, masasabi ko na buo na ulit ang pag katao ko. kasama ang asawa ko at dalawang prinsesa ko. Tama, babae ang pangalawang anak namin ni Ella.

“Mister ko, hawakan mo nga muna si Yanna. Umiiyak kasi si Tammy papatahanin ko lang.:” Wika ni Ella saka pinasa sa akin ang bunso namin. Si Yanna. Naaalala ko pa ng sabihin sa akin ni Ella na gusto nyang ipangalan sa anak namin ang pangalan ng namayapa nyang kakambal dahil hindi kung hindi daw dahil sa kakambal nya ay baka hindi kami nag kakilala, kaya pumayag na rin ako, tutal ay malaki rin naman ang naging parte ni Yanna sa buhay ko.

Kinuha ni Ella si Tammy at binuhat para patigilin sa pag iyak. Nakatingin lang ako sa kanila habang hawak ko naman ang bunso namin na tahimik lang at panay ang subo ng kamay.

“Baby, dirty yan, ang cuteeeee…” Pinigilan kong diinan ang pag kurot ko sa pisngi ng bunso ko, kahit na kanina ko pa sya gustong lamugin dahil sa taba ng pisngi at lambot ng maliit nyang katawan. Pinag halik-halikan ko ang buong mukha nya na ikinatawa naman nya. Ang sarap lang sa pakiramdam na naririnig ko ang cute nyang hagikgik.

“Daddy! Bakit mo kinakagat si Baby Yanna? Baka masaktan sya!” Saway sa akin ng panganay kong anak na si Tammy. Inalis nya ang mukha ko at pilit na kinuha si Yanna sa kamay ko.

“Tammy, baka masaktan si baby Yanna. Mamaya mo na sya laruin kapag nasa kama nalang tayo.” Wika ni Ella saka inalis ang kamay ni Tammy. Sa totoo lang, mas malala pa sa akin si Tammy dahil hindi sya makatulog kapag hindi katabi si Baby Yanna, nakikita ko na na magiging mabuting ate talaga sya.

“Baby, I know you’re jealous pero ikaw pa rin ang original princess ko okay?” Wika ko saka hinalikan si Tammy sa pisngi. Nakita ko ang pag simangot nya.  Lately ay kaaway ang tingin nya sa akin, dahil inaagaw ko daw si Yanna sa kanya, samantalang noon ay umiiyak kapag hindi ako nakikita.

“Okay, you can have Yanna for now but I’ll get her later okay?” Sagot nya sa akin na akala mo ay ako ang bata ay sya ang matanda. Tumango lang ako at muli syang hinalikan sa pisngi. Ang ganda ng anak ko, kamukhang-kamukha ng nanay. Tumingin ako kay Ella at sinunggaban sya ng halik sa labi.

“Daddy! You’re so gross!  You kissed mommy in front of me!” Singhal ni Tammy. Tumawa nalang ako dahil sa kaartehan ng prinsesa ko.

“Princess, it’s natural that I kissed mommy because I love her, just like how much I love you.” Wika ko.

“I know, but please don’t be cheesy, it’s so corny.”

“Hay nako, Atom, tigilan mo na ang pakikipag talo sa anak mo. Asan na sila?” Singit ni Ella sa kulitan namin ni Tammy. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang mga kapatid ko, dahil may family dinner kami ngayon kasama ang mga magulang ko at mga magulang ni Ella.

“Tinext ko na sila. Nag reply si Lee, papunta na daw sya.” Sagot ko saka muling hinalikan sa pisngi ang bunso ko na tahimik lang sa bisig ko. Isa yun sa pinaka-gusto ko sa kanya, dahil hindi sya iyakin.

Dito sa bahay ang venue ng dinner kaya abala rin si Ella sa pag luluto at pag aayos ng dinner table namin. Binaba nya si Tammy at muling inayos sa ikatlong pag kakataon ang maayos na dinner table. Sa loob ng isang taon na mag kasama kami. Nasaksikan ko ang pagiging maalaga ni Ella mula sa akin hanggang sa mga anak namin. Napaka hands on wife at mommy nya kaya wala na akong ma-irereklamo pa.

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon