Chapter 47: Atom's Decision

63.7K 873 84
                                        

Ella  

 

 

Mabigat ang pakiramdam ko pag gising ko palang kaya hindi ako halos makabangon sinabi ko na din kay Atom na hindi ako papasok dahil hindi ko kaya. Bakit ba kasi ngayon pa ako nag kasakit. Kagabi naman okay pa ako pero kaninang umaga pag gising ko sobrang nahihilo ako at mabigat ang pakiramdam ko.

Ayaw rin pumasok ni Atom kanina dahil gusto nya ako alagaan pero pinilit ko sya umalis dahil alam kong marami syang dapat asikasuhin. Masyado syang busy para alagaan pa ako at kaya ko naman ang sarili ko, kailangan ko lang talagang mag pahinga.

“Mommy, are okay now?” napabangon ako ng bahagya para hawakan ang maliit na mukha ni Tammy. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko sya.

“Yes, baby. Mommy’s kind okay now.” Gusto ko syang halikan pero baka mahawa sya kaya binuhat ko sya paupo sa kama at niyakap.

“Mommy, do you want to eat or do you want me to massage you or anything?”  Sunod-sunod na pahayag ni Tammy. Napangiti ako. napaka sweet ng anak ko. Maswerte ako dahil bukod sa napakaganda nya napaka bait pa nyang bata. Minsan nga lang napapansin ko na mabilis syang takasan ng patience parang si Atom. Isa yun sa mga namana nya bilang isang Valencia.

“No need baby, just hug me tight and I’ll be alright.” Sagot ko. Niyakap nya ako ng mahigpit at pinag hahalikan sa mukha.

“I love you mommy.”

“I love you too baby.” I kissed her head. Humiga ako at pumikit ulit. Kailangan ko talagang mag pahinga, para bumalik agad ang lakas ko. Ayoko naka pending ng ganito.  Gusto ko ng mag trabaho.  

Bigla kong naisip yung mga narinig ko kabagi. Ano nga kaya yung nakaraan ko na pilit na tinatago  ng mag kakapatid na Valencia. Kailangan kong malaman kung ano yun. Gusto ko malaman kung sino talaga ako.

Napatayo  ako ng kama at tumakbo papuntang banyo dahil nakaramdam ako ng pag susuka. Lugaw lang kinain ko kanina kaya bakit ako nag susuka.

 

 

 

 

Atom

Halos hindi ko namalayan na lunch time na dahil sa dami ng dapat kong gawin sa opisina. Hindi dapat ako papasok dahil may sakit si Ella pero pinilit nya ako dahil marami daw akong gagawin at tama naman sya pero kayang kong isantabi yun para lang sa kanya. Kanina ng sabihin nya na masama daw ang pakiramdam nya nag alala ako ng sobra. Gusto ko syang dalin sa ospital pero ayaw nya. OA daw ako masyado dahil  hindi naman daw kailangan yun. Siguro nga nag alala lang ako ng sobra. Silang dalawa ni Tammy pinaka mahalaga sa buhay ko ngayon at ayoko na may mangyaring masama sa kanilang dalawa. Hindi ko kakayanin kapag nawala sila sa akin.

My loverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon