Chapter 44: He's mine

81K 958 136
                                        

Ella  

Kanina pa ako nag iisip kung saan ko dadalin ang anak ko pero wala akong maisip na puntahan. Hindi ko pwedeng tawagan sila Lid dahil siguradong sasabihin nila kay Atom kung saan kami pupunta. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa nakaraan ko. Bakit nagawang ilihim sa akin ng mga magulang ako na may anak at asawa ako, masakit pa rin sa damdamin  na isipin na sila pa ang dahilan kung bakit hindi ko naalagaan ang anak ko sa loob ng isang taon.

Natutulog si Tammy habang nag mamaneho ako ng bigla syang nagising at tinanong ako.

“Mommy, where are we going?”

“Ahmmm..” Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa anak ko. Wala akong maisip na puntahan namin. Kapag sinabi ko na pupunta kami sa malayo, imposible na hindi sya mag tanong ng kung ano-ano dahil matalino syang bata.

“Mommy, can we call daddy cuz I miss him so much.” Hiling ni Tammy sa akin. Para naman akong nabuhusan ng malamig ng tubig dahil sa sinabi nya. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng ilayo ang anak ko sa ama nya dahil kahit anong mangyari parte pa rin ito ng buhay nya.

“Baby, nasa Thailand si daddy pero pag balik nya makikita mo na ulit sya.” Sagot ko. Gusto ko munang makasama ang anak ko kahit ngayon lang, dahil sa loob ng isang taon na hindi ko sya nakasama, alam ko na marami akong na miss sa buhay nya.

“Okay po pero saan tayo pupunta mommy?”

“Where do you want to go?”

Nag isip sya sandali saka sinabi sa akin kung saan nya gustong pumunta. Natawa ako dahil hindi ko akalain na sa isang mall nya gustong pumunta kaya agad kong pinaadar ang sasakyan para dalin sya sa isang mall.

Lahat ng pwedeng gawin sa mall ginawa na namin ng anak ko. Nag shopping kami, nag laro sa arcade at kumain, isang araw kong nakasama ang anak ko na kaming dalawa lang at isang araw ko naramdaman na maging isang ina sa kanya at sana kahit isang taon ko syang hindi nakasama sapat na ang isang araw para maiparamdaman ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

“Mommy, let’s go home. I’m tired.”

“Okay, we will go home.”

My loverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon