Chapter 50: Ang katotohanan

65.7K 887 63
                                        

Atom

Kanina pa ako tawag ng tawag sa cellphone ni Ella pero walang nasagot. Nag uumpisa na akong kabahan, dahil pag tawag ko sa bahay kanina, wala sya at sabi ng katulong ay umalis at hindi sinabi kung saan pupunta. Palakad-lakad ako sa opisina habang panay ang dial sa cellphone number ng asawa ko, pero panay ring lang ang naririnig ko. Sinipa ko ang trash can sa inis. Hindi sinasagot ni Ella ang mga tawag ko at sobrang nag-aalala ako sa kalagayan nya, lalo pa’t buntis sya.

“Nag wawala na naman ang lion?” Tanong ni Lid pag pasok nya ng opisina ko. Tumingin ako sa kanya habang prente syang nakatayo sa harap ko. Umupo ako sa swivel chair at sinabunutan ang buhok ko.

“Hindi sinasagot ni Ella ang mga tawag ko, nag aalala ako.” Sagot ko. Tumawa lang ang gago kong kapatid sa harap ko.

“OA mo naman, baka nag shower lang kaya hindi ka sinasagot.”

“Wala sya sa bahay at hindi ko alam kung saan sya pumunta!” Singhal ko. Taena, Gusto kong mag wala sa sobrang pag aalala ko sa asawa ko. Nalukot ang mukha nya.

“Anong sabi ng mga katulong sa bahay nyo?” Tanong nya.

“Umalis daw ang asawa ko at hindi sinabi kung saan pupunta, Dammit! I’m so fuking worried and she’s not answering my phone calls!” Sigaw ko saka tumayo ng upuan.

“Let’s track her phone instead, just calm down, okay?”

“Do it! Now!” Sigaw ko.

“Opo! Master!” Sarcastic nyang bato sa akin. Nag katinginan pa kami ng tumunog ang phone ko. Patakbo kong sinagot ang tawag. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang pangalan ng asawa ko.

“Hello? Misis? Asan ka? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? nag aalala ako sayo!” Sunod-sunod kong tanong.

“Atom, help us. nasa panganib si Ella.” Sagot ng kabilang linya. Bigla ang pasok ng kaba sa puso ko.

“Sino ka? Asan ang asawa ko! anong ginawa nyo sa kanya? Kailangan nyo ng pera? I’ll give it to you, just don’t hurt my wife.” Lahat ibibigay ko para lang sa asawa ko.

“Si Mara to, Atom, kailangan mong iligtas si Ella, nasa panganib sya.” Bigla akong nalito kung bakit na kay Mara ang cellphone ng asawa ko. Alam kong hindi nya pa matanggap na iniwan ko sya para kay Ella, pero sobra naman ata na sasaktan nya ang asawa ko dahil lang sa pag mamahal nya sa akin.

“Mara! Anong ginawa mo sa asawa ko? sumagot ka!” Sigaw ko. Nakita ako ang pag kagulat sa mukha ni Lid, pag karinig nya ng pangalan ni Mara.

“Atom, Bakit kausap mo si Mara?” Tanong nya. Hindi ko sya sinagot at hinintay na muling mag salita si Mara sa kabilang linya.

“Mahabang kwento, I-tetext ko ang lugar para madali nyong mahanap. Please, atom, save my best friend.” Wika ni Mara saka binaba ang telepono.  

My loverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon