Chapter 32: Be strong

91.1K 658 82
                                        

Ella 

Nagising ako sa na naririnig ko pag mulat ko nasa isang kwarto ako at nasa tabi ko ang anak ko pero iyak sya ng iyak kaya agad akong bumangon para patahanin sya hinawakan ko sya sa mukha at pinunasan ang mga luha nya 

"Baby, whay are you crying? shhhh stop crying na.." naawa ako sa anak ko dahil namumula na ang mukha nya kakaiyak kaya hinalikan ko nalang sya para tumigil na sya 

"M-mommy i'm scared of h-him huhuhu!"  halos hindi sya makapag salita ng maayos kakaiyak para naman akong pinapatay habang nakikita kong umiiyak ang anak ko kaya agad ko syang niyakap 

huli kong naalala nasa bahay kami ng biglang may nag takim sa bibig ko at bigla akong nawalan ng malay pero sino naman kayang gagawa nun bigla akong kinabahan sa pwede nyang gawin sa amin ng anak ko

hindi ko alam kung nasan kami pero sana hinahanap kami ni Atom dahil hindi ako mapapanatag hanggang hindi ko nakikita si Atom baka mamaya kung anong ginawa nila sa asawa ko baka mamaya.. ayoko ng isipin baka mabaliw lang ako,

"Gising ka napala dear Ella..." bigla akong nanlamig sa kinauupuan ako ng pag lingon ko sa pintuan ng kwarto nakita ko si kuya Jim... 

Nasa harap ko si Jim....

nakangiti na parang demonyo..

natatakot ako para sa buhay ng anak ko....

"Did you miss me?" tanong nya habang palapit sya sa akin kaya lumayo ako habang buhat ko ang anak ko na halatang natatakot din 

"Kuya Jim please wag mong sasaktan ang anak ko parang awa mo na.." takot na takot ako pero kailangan kong mag pakatapang para sa anak ko gagawin ko lahat makaligtas lang sya sa kamay demonyong nasa harapan ko

"Ohh don't worry wala akong gagawin masama sa anak natin.." para syang baliw na nakangiti sa amin ni Tammy kaya lalong kong hinigpitan ang yakap ko sa anak ko na iyak ng iyak pa rin

nababaliw na talaga si Kuya Jim para isipin na anak nya si Tammy dahil si Atom lang ang ama ng anak ko! wala ng iba si Atom lang!

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon