Chapter 36: Picture perfect

79.9K 605 58
                                        

Atom 

wala akong naintindihan sa mga sinasabi ni Lid habang nag sasalita sya tungkol sa reports nya siguro kasi dahil sa babaeng katabi nya hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Lid na girlfriend nya si Mariella at yung sinabi ng anak ko na mommy nya naguguluhan na talaga ako.. 

habang tinitingnan ko yung body language nila napapataas yung kilay ko lalo na kapag tumutingin si Lid kay mariella at ngingiti lang ang huli. 

Sila na sweet dammit! 

"Atom are you okay?" tanong ng kapatid ko kaya umayos ako ng upo 

"OO okay lang ako ahh Lid balik muna ako office ko.." gusto ko nang umalis dito para mawala yung inis na nararamdaman ko di ko nga alam kung saan nag mumula ito.

"Sige mag usap nalang ulit tayong dalawa mamaya." sabi nya kaya tumayo na ako at nag paalam sa kanila at agad umalis sa office nya habang nag lalakad ako hindi pa rin mawala sas isip ko ang gandahan ni Mariella sobrang ganda nya sya ang pinaka magandang babaeng nakita ko sya lang ang babaeng naapektuhan ako ng sobra kahit ngayon ko palang sya nakita,,. 

Sya nga kaya ang mommy ni Tammy? 

pero girlfriend sya ni Lid paanong nangyari yun? 

naguguluhan ako.. 

-----------------------------

ilang araw yung lumipas kaya naging busy na ako sa trabaho kahit wala akong maalala hindi naman nawala yung pagiging business minded ko kaya wala akong masyadong problema siguro ang pinaka problema ko nalang ay si Tammy lagi pa rin kasi syang naka buntot sa akin nung nsa amerika pa kami maiintindihan ko dahil halos wala kaming kamag anak doon at hindi ako nag tatrabaho  nag papagaling lang pero ngayon nandito na kami sa pilipinas  kailangan  na kausapin ko na ang anak ko.

nag lalakad ako sa building ng company papunta ako sa isang photoshoot para sa magazine nag papatulong kasi si Lee sa akin na ako muna ang mag manage ng publishing company namin dahil nasa isang business trip sya ngayon sya kasi ang CEO ng ValenMag isang publishing company ako naman ang CEO  ng clothing line company namin si Lid naman ang sa Auto cars at si Keni ang sa shipping company marami kaming kumpanya kaya lahat kami sa pamilya busy talaga. 

pag dating ko sa photoshoot agad akong inasikaso ng mga tao may lumapit pang lalaki sa akin na may hawak ng camera 

My loverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon