Chapter 39: We are not done yet

82.5K 711 98
                                    

Ella 

Pag pasok ko ng kwarto ko agad akong humiga sa  kama at walang humpay na umiyak. 

hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil nangyari sa amin ni Atom kanina sa office nya.  nagagalit ako sa sarili ko kasi nag patangay ako sa nararamdaman kong init para sa kanya.

kanina nung halikan nya ako hindi ko napigilan yung sarili ko na tumugon. His kisses makes me forget what the real score between us..

We're just strangers. But still, what I feel for him is too strong to stay away from him. 

Ang tanga tanga mo Ella! Bakit sa may asawa pa! ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?

Nawala yung pag iisip ko ng bumukas yung pinto ng kwarto ko at nabungaran ko ang mommy ko.

“Ella, Are you okay?” lumapit sya at umupo sa tabi ko

“Okay lang po ako.” Ayoko na mag alala sya sa akin. Simula ng mawalan ako ng alaala laging nandyan ang parent’s ko na laging nakaalalay sa akin na para akong batang mawawala kapag hinayaan nila mag isa.

“You look pale. What happened?”

“I’m just tired. My, can I ask you something?”  hinimas nya yung buhok ko na para akong batang paslit

“What is it?”

“Did I ever have a boyfriend?”  naguguluhan kasi ako dahil hindi na ako berhin ng makuha ni Atom. Ibig sabihin may nagging karelasyon ako dati at sya ang unang lalaki na nakakuha sa katawan ko.

“Anong klaseng tanong yan? Teka, nakakalala ka na ba?” may nakita akong pag aalala sa mukha ng mommy ko pero ngumiti lang ako para hindi sya lalong mag alala

“No, I’m just curious.”

“If you remember something, tell me. Okay?” She hugged me tight and kissed my forehead

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon