Chapter 1: Mira in Part 1

53 2 0
                                    

Pumanhik si Mira sa paborito niyang bahagi ng kanilang bahay, ang rooftop. Nang makarating ay walang pag-aalinlangan na humiga at pinagmasdan ang malawak na kalangitan. Punong-puno ito ng mga bituin na nagkikislapan. Para kay Mira, ito ang pinakamagandang tanawin sa lahat mula sa kanilang bahay. Ang pagmasdan ang kalangitan tuwing gabi ay nagdudulot ng saya at init sa kanyang puso. Sa ganitong pagkakataon hindi niya maiwasan na humiling na sana'y wala ng bukas. Na sana'y wala ng umaga at laging gabi na lang. Na sana'y madilim ang buong paligid at tanging mga bituin lamang ang nagbibigay ng liwanag.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kalangitan at umagaw sa kanyang pansin ang dalawang magkatabing bituin. Naalala niya ang kanyang ina at nakababatang kapatid. At bago pa mamalayan, naramdaman ni Mira ang mainit na likido sa kanyang mukha at pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat. Napapikit siya. Ilang oras pa'y lilisanin niya na ang naturang lugar.

"Mira ?",

Napalingon siya sa may-ari ng baritonong boses. Ang ex-boyfriend niya.

"Anong ginagawa mo rito ?", malamig na tanong niya.

"I came here to see you", malungkot nitong sabi.

Hindi siya nagsalita.

"And I miss you too", dagdag nito.

"After six months ngayon ka lang magpapakita then sasabihin mo namiss mo ako. Ano to lokohan?", ito ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki ngunit mas pinili niya ang manahimik dahil sa una pa lang wala siyang karapatang manumbat dahil siya ang unang nakipaghiwalay. Iniwas niya ang tingin sa lalaki.

"Bakit ? Bakit hindi mo sinabi sakin na aalis ka na pala", may himig na tampo sa boses nito.

Hindi siya nagsalita.

"Bakit nga pala kayo aalis ?", panibagong tanong nito.

Hindi ulit siya nagsalita. Wala siyang balak kausapin ang ex niya at ayaw rin niya makita ito.

"Mira kausapin mo naman ako", saad nito.

Hindi siya nagsalita bagkus ay tumingala siya sa kalangitan.

"Pwede bang tumigil ka na sa pagmumukmok mo diyan. My God ! Mira you're already nineteen so stop acting like a kid", naiinis na sabi nito.

"I'm not acting like a kid", giit niya.

"Then tell me kung bakit ka aalis at kung bakit hindi mo sinabi sakin", saad nito.

"Why should I ? It has nothing to do with you anyway", diretsahan niyang sagot.

"It is ! because I'm your boyfriend", sigaw nito.

"Ex-boyfriend, Arthur. Nakipaghiwalay na ako sayo at pumayag ka", giit ni Mira.

"But I was drunk nung sinabi mo yun and I really regret it. C'mon Mira I still love you", pangungulit nito.

"Kung mahal mo ako bakit nagyon ka na lang ulit nagpakita?", matapat niyang tanong.

"Dahil nahihiya ako", giit nito.

"Nahihiya ? C'mon Art stop messing around", saad niya.

"Okay I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita. Sa loob ng six months na hindi kita kasama I've realized na mahal pa rin kita Mira", masuyong sabi nito.

"I'm sorry but I don't feel the same, Art. Our relationship is over so please move on. Umalis ka na bago pa dumating si Dad", pagsisinungaling niya.

From the very start hindi na gusto ng kanyang ama si Arthur pero dahil mahal niya ang lalaki ay sinuway niya ang kanyang ama. At nadagdagan pa ang galit nito kay Art nang maganap ang isang aksidente.

"Please Mira", nakikiusap na sabi nito.

"No! Please Art listen to me, umalis ka na", sagot niya.

"But Mira I still love you", pagsusumamo nito.

"Look I know masakit sayo ang nangyari pero hindi sapat na dahilan yun para hiwalayan mo ako. I know may puwang pa rin ako jan sa puso mo so please come back to me. Lets start again",

"Please Art umalis ka na", naiiyak niyang sabi.

"But Mira I ..",

"I said umalis ka na! Umalis ka na Art dahil tuwing nakikita kita bumabalik lahat ng sakit. Tuwing nakikita kita hindi ko maiwasang sisihin lalo ang sarili ko sa pagkamatay nila. Tuwing nakikita kita nadudurog ang buo kong pagkatao. Hirap na hirap na ako kaya please wag mo ng dagdagan. Kung mahal mo ako ay susundin mo ang gusto ko at yun ay ang wag ka na magpakita pang muli", umiiyak na sabi ni Mira.

Walang nagawa si Arthur kundi umalis. Nang mawala ito sa paningin niya ay hindi niya mapigilan humagulhol. No doubts na may nararamdaman pa rin siya kay Arthur pero tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang malaking kasalanan niya sa pamilya. Tuwing nakikita niya si Arthur ay nakakaramdam siya ng guilty. Pumikit siya at hinayaan dalhin ng hangin lahat ng kanyang nararamdaman.


Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon