Chapter 10: After the Kiss

15 1 0
                                    

"Mira wait?",

"Mira?",

Napahinto siya sa paglalakad.

"What the heck is your problem?",

"P-problema? Wala", saad niya at umiwas ng tingin sa babae.

"Wala? Then why are you avoiding me?",

"What are you talking about? Hindi kita iniiwasan nuh", sagot niya.

"Hindi iniiwasan? Eh anong tawag mo sa ginagawa mo? Tuwing nakikita mo ako ay umiiiwas ka. Tuwing lalapit ako sayo lumalayo ka. Tuwing uwian nauuna ka. Tuwing niyaya kitang lumabas o mamasyal lagi mong sinasabi na may gagawin ka. Okay lang sana sakin pero isang linggo na. Isang linggo mo na akong pinagtatabuyan. Isang linggo mo na akong nilalayuan nang hindi ko alam ang dahilan. C'mon may nagawa ba ako?",

"Suzy you're just over thinking", saad niya.

"I'm not stupid Mira! Ano bang problema mo? Kung hindi ako nagkakamali nagsimula to after that night!",

"That night?", kinakabahan niyang sabi.

"Yes that night na niyaya kitang uminom! May nangyari ba? May ginawa ba ako? Cmon tell me! Alam kong madali akong malasing so sabihin mo sakin kung may ginawa ako na ikinagalit mo", sabi nito.

"Suzy wala kang ginawa at lalong hindi ako galit", sabi niya.

"Then why?",

Hindi siya makatingin sa babae. Hindi niya alam kung paanong sasabihin dito ang totoong nangyari. Kahit sarili niya ay hindi niya maunawaan kung bakit niya nagawa yun. Hindi niya alam kung bakit niya nahalikan ang babae. Alam niyang nakainom siya pero hindi valid reason yun para manghalik ng kapwa babae. Okay sana kung lalaki siya but damn it she's a girl.

"I'm so...",

"Miss Ballesteros I need you right now in Faculty. I have something to discussed with you", saad ng strict prof nila ng madaanan sila sa hallway.

"Yes ma'am", sagot niya at sumunod na dito.

Naiwan naman mag-isa si Suzy.

Paglabas niya ng Facult ay wala na si Suzy. Napagpasyahan na lang niya na pumunta sa rooftop. Tumingin siya sa baba. Kitang-kita niya ang mga pumapasok, lumalabas at ginagawa ng mga estudyante. Napaisip siya. Halos kalahating taon na rin siya sa Univeristy na pinapasukan. Marami ng nagbago lalo na sa sarili niya. At dahil yun kay Suzy. Napabuntong hininga siya.

"So you're here",

Nagulat siya ng paglingon niya ay bumungad sa kaniya si Suzy.

"Mira lets talk please", saad nito sabay hawak sa kanya.

"No!", saad niya at inalis ang kamay ng babae.

"Whats wrong? Kahit ba paghawak sayo din na rin pwede?",

May bahid na pagtatampo sa boses niito.

"Mira c'mon ano bang problema?",

Naglakas siya ng loob na tingnan ang babae. Ngunit ng mapadako ang mata niya sa labi nito ay bigla niyang naalala ang ginawa nya. Napahawak siya sa batok.

"Mira c'mon tell me! Mapagkakatiwalaan mo ako. Friends tayo diba?",

"Suzy I'm sorry",

"Sorry because you avoided me? Its okay but I want to hear the reason behind that",

Pinilit niyang tumingin sa babae.

"Remember that night na niyaya mo akong uminom?", nahihirapan niyang tanong.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon