Bago sumikat ang araw nakarating na si Mira sa bago nilang tirahan. Wala na roon ang kanyang ama. Siguro'y nasa trabaho na, naisip niya. Simula ng mawala ang nanay at kapatid niya ibinaling ng kanyang ama ang atensyon sa pagpapalago ng negosyo nila. At naging malamig na rin ang trato nito sa kanya. Hindi niya masisi ang kanyang ama.
Nang sumapit ang alas-diyes naghanda na sa pagpasok si Mira. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong business management. Ang ama niya ang pumili kung anong kurso ang kukunin niya. At ayon dito kapag ito ang kinuha niya'y makakatulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. Nagmadali na siyang magbihis at pagkatapos ay agad pumunta sa unibersidad.
Habang umaakyat ng hagdan may nakasalubong si Mari na tumatakbong babae. At dahil sa pagmamadali nito ay hindi siya napansin at nabangga siya.
"Miss I'm sorry ! Are you okay?", saad ng matinis na boses.
Tumango lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Are you sure you're okay ? Walang masakit sayo", tanong nito
Napahinto si Mira at humarap sa babae. Umiling siya.
"Suzy nga pala! Sorry ulit", sigaw nito at ngumiti.
Hindi na niya ito nilingon. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hinanap niya ang kanyang room at pumasok sa loob.
Lumarawan sa mukha ng mga kaklase ni Mira ang pagkagulat ng makita siya. Ngunit hinayaan niya na lamang ang mga ito. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ng bintana. May mga nagtangkang kausapin siya ngunit hindi niya pinag-uukulan ng pansin. Nang matapos ang klase'y agad na umalis si Mira. Bumili muna siya ng pagkain sa canteen at dumiretso sa tuktok ng unibersidad. Maaliwalas ang panahon kaya kahit katanghalian ay hindi niya ramdam ang init.
Pinagmasdan niya ang paligid, walang estudyante kahit isa. Naghanap siya ng magandang pwesto at nagsimulang kumain. Ilang sandali pa ang itinagal ni Mira bago niya nilisan ang kanyang bagong kuta.
Pagpasok niya'y dumiretso agad siya sa kanyang upuan. Narinig niyang nag-uusap ang kanyang mga classmates.
"Steffi alam mo ba kung nasaan si Suzy ? Hindi siya pumasok ng 1st sub", tanong ni girl salamin. Bagay rito ang salitang cute since ang liit ng mukha pati height nito.
Suzy ? Parang pamilyar ? Inisip ni Mira kung saan niya narinig ang pangalan na yun.
"Nope ! But I guess she's somewhere playing around", saad ni girl tangkad. Ito ang pinakamaganda sa kanila at bagay rito ang maging model.
"Haha umuwi siya sa kanila. Due to her stomachache", natatawang sabi ni girl 3. Ito naman ang pinaka attractive sa kanila. She's oozing with sex appeal.
Naramdmana yata ng tatlo na nakatingin siya kaya lumingon ito sa pwesto niya. Ngumiti ang tatlo at may narinig pa siya "Hi". Tumango lamang siya at iniwas ang tingin sa tatlo. Kinuha nya ang kanyang earphone at napagpasyahan makinig na lamang ng music.
Nang dumating ang professor nila ay agad tinago ni Mari ang kanyang earphone at umayos ng pagkakaupo.
"I've heard we have a transfer student here. Can you please introduce yourself ", saad ng prof nila.
Tumayo si Mira. Nagtinginan naman lahat ng classmate niya sa kanya.
"OMG ikaw nga !", bulalas ng pamilyar na boses.
Tiningnan niya ang pinaggalingan ng boses at nakita niya ang babaeng nakabangga sa kanya kanina.
"Kilala mo siya ?", tanong ni girl salamin na katabi nito.
"Yup!", sagot ng nakabangga sa kanya.
"Oh my that's our friend", saad ni girl tangkad.
"Whats new ? Lahat naman kilala niyang babaeng yan", dagdag ni girl attractive.
Napuno naman ng tawanan sa loob ng classroom nila. Anong nakakatawa ? Sa loob-loob ni Mari.
"Youre the girl before ! What a coincidence haha akalain mo classmate tayo. Anyway I'm sorry kanina nagmamadali ako kaya di kita nakita. And I've said this kanina pero di mo ako pinansin kaya uulitin ko na lang my name is Suzy but you can call me Suzy hehe.
Tumango siya bilang pagtugon.
" Its nice to meet you and I hope we can get along together well. Anyway after this I'll intro...",
"Stop it Miss Chan ! ", putol ng kanilang prof sa sasabihin pa nito.
Napasimangot naman si Suzy dahilan para magtawanan muli ang kanyang mga classmates.
"I'm sorry Miss but you can continue now", baling sa kanya ng prof.
Tumango naman siya at nagsimulang magpakialla.
"Good morninng everyone! I'm Mira Ballesteros", maikling pagpapakilala niya.
"Where are you from ? How old are you ? Please add a little info about you, Miss Ballesteros", saad ng prof.
Tumayo muli siya.
"I'm already 19 years old. I'm from Batangas Province but because of my dad's work we have to move here. Is that enough sir ?". tanong niya.
Tumangon naman ito at nagsimulang magturo. Hindi man siya mahilig makihalubilo sa iba ngunit pagdating sa pag-aaral ay mahilig siya.
Nang matapos ang klase ay inayos ni Mira ang kanyang gamit.
"Hi Mira ? Ang galing mo kanina?", saad nito ng makalapit sa pwesto niya.
Tiningnan niya lamang ito. At pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Mahilig ka ba magbasa kaya alam mo lahat ng sagot kanina?", tanong nito.
Hindi siya nagsalita.
"Pwede mo ba akong pahiramin ng books ? Well my grades are not bad but not good also", sabi nito at alanganing ngumiti..
Tumingin siya rito at tumango.
"Thank you ! Anyway Mira nagugutom ka na ba ? May bagong bukas na cake shop jan and pupunta kami. Wanna come with us?", tanong nito.
Umiling siya.
"Eh coffee shop ?", pangungulit nito.
Muli siyang umiling.
"Milk tea shop ?",
Umiling ulit siya. Ang kulit ng babae. Nagsisimula na siyang makaramdam ng inis.
"Then what about sa ice cream parlor ? My treat", nakangiting sabi nito.
"No thankz', malamig na sagot niya.
Nagtitimpi na siya sa babae. Mahirap bang intindihan ang salitang "Ayaw".
"Then ikaw ang magsuggest kung san mo gusto?', giit nito.
"Don't mind me! You can go with someone", naiinis niyang sabi.
"Then lets go to MCdo, my favorite fast food", sabi nito na hindi ata siya pinakinggan.
"Can you please stop fooling around? You're asking me too much as if we're close. And as far as I know we're not friends and never be. If you want to eat then go ask your friends. If you don't have friends then ask someone but not me. You're wasting my time. You're such a pain", saad niya.
Nagulat naman si Suzy sa reaksyon niya. Kitang-kita sa mga mata nito na nasaktan ito sa sinabi niya.
"Miss you went too far! Suzy just want to be friends with you so she doesn't deserve those words. You need to apologize to her", saad ni girl tangkad at hinila papalayo si Suzy kasama ng iba pang kaibigan.
Napahawak siya sa kanyang batok. At nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ano ba ang nagawa niya? Unang klase pa lang ay nagkagulo na dahil sa kanya. Tulad ng dati nakasakit na naman siya. Nasaktan niya ang babae at ang babaw pa ng dahilan. Nasaktan niya ang feelings ni Suzy. Wala na siyang ibang nagagawa kundi saktan ang mga taong nakapaligid sa kanya. She's a nuisance to others. Pinunasan niya ang namumuong luha sa mata. Gumawa siya ng desisyon. Mas kailangan niyang maglagay ng matibay na harang pader upang hindi na muli makasakit ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionMira became a loner after she blame herself for the death of her mother and sister. She chose to put a wall to everyone rather than to interact. She broke up with her boyfriend and also puts a distance on her father. Not until she meets Suzy, the so...