"I said umalis ka na!!",
Ngunit imbes na umalis ay niyakap siya nito ng mahigpit.
"P-please umalis ka na",pagmamakaawa niya.
"Sshh hindi ako aalis. Hindi kita iiwan ng ganito", masuyong sabi nito.
"But ..",
Ngumiti ito. Muli ay niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi na niya napigilan, gumanti na siya ng yakap sa babae. Pakiramdaa niya'y unti-unting naiibsan ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y unti-unti siyang nakakaalis sa hawla na ginawa niya ore than six months ago.
"Mas gagaan ang pakiramdam mo kung pakakawalan mo lahat ng sakit. C'mon I've said this before na kahit hindi ako good listener ay handa akong makinig sa mga sasabihin mo",
Tinitigan niya ng mga mata nito. Punong-puno ng simpatya. Bagamat kakikilala pa lamang ay hindi nya namalayan kinekweto na pala niya ang buong pangyayari.
"Back then I was so immature at tanging alam ko lang ay hindi ko kayang mabuhay ng wala si Art. Kaya naman nung niyaya niya ako magtanan ay pumayag agad ako. Nasa out of town trip nun si papa ...
FLASHBACK
"Yup! Inaayos ko na ang gamit ko. Mamaya ka na lang tumawag baka magising ang kapatid ko. Oo I love you too", saad niya at ibinaba ang phone.
Nagmadali na siyang iempake lahat ng damit niya.
"A-ate anong ginagawa mo?",
"Kara? Bakit ka nagising? I mean maaga pa matulog ka muna", kinabahan niyang sabi.
"Ehh anong ginagawa mo? Bakit nasa bag lahat ng damit mo?",
Lumapit siya rito ay niyakap ang kapatid.
"K-kara wag mong pababayaan ang sarili mo huh. Ikaw na ang bahala kay mama't papa. Lagi mo silang susundin. Lagi kang magpapakabait huh at wag na wag mong gagayahin si Ate",
"Ate bakit? Saan ka pupunta?",
"Aalis na si Ate. Pero lagi mong tandaan na love na love ka ni Ate. Love na love rin ni Ate, si Mama at Papa", saad niya at hinalikan sa noo ang kapatid.
"Be a good girl huh. I love you",
Pagkasabi niya ng mga salitang yun ay lumabas agad siya. Nakita niya ang sasakyan ni Art kaya nagmadali siyang tumakbo.
"Mira! Anak!",
Napahinto siya sa pagtakbo. Paglingon niya ay ang mama niya kasama ang kapatid niya na umiiyak.
"Mira lets go", saad ni Art.
"Mira Iha please wag! Bumalik ka na rito please", saad ng kanyang mama.
"Mira I said lets go",
"Mira no!",
Muli niyang nilingon ang kanyang mama at kapatid.
"I'm sorry", saad niya at sumakay na ng kotse ni Art.
Pinasibad naman agad nito ang kotse.
"Its okay baby! Don't worry hindi ka magsisisi", saad nito at hinalikan nito ang kamay niya.
Tumango na lamang siya. Pagtingin niya sa side mirror ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan. Hindi siya maaring magkamali ang sasakyan na nasa likod nila ay kotse nila.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionMira became a loner after she blame herself for the death of her mother and sister. She chose to put a wall to everyone rather than to interact. She broke up with her boyfriend and also puts a distance on her father. Not until she meets Suzy, the so...