Nagising si Mira dahil sa tunog ng kanyang cellpone. Kinuha niya agad ito at sinagot ang tawag.
"Hello?",
"Hi Mira? Good morning! This is Suzy", bungad sa kanya ng babae.
"What do you want?", saad niya at sinilip ang orasan niya.
Nang makita niya kung anong oras na mahina siyang napamura. Its already 10 am na. Late na siyang nagising.
"Mira are you okay? May problema ba?",
"A-ah wala! So what do you want? Saka paano mo nakuha ang cellphone number ko?", tanong niya.
"It's a secret! Anyway free ka ba later?", tanong nito.
"Why?",
"Gusto ko kasi magsimba", saad nito.
"Then why don't you ask your friends?", tanong niya.
"Eeh lahat sila may date ei", sagot nito.
"Sorry but I'm busy also", sagot niya.
"Eeh why? Sunday naman ngayon",
"So?",
"Sige na please! Friends naman tayo diba?", pagmamakaawa nito.
"Tsk we're not friends",
"Please! Ikaw rin, kapag di mo ako sinamahan pupuntahan kita jan sa bahay niyo", pagbabanta nito.
"Bakit? Alam mo ba?", tanong niya.
"Hehe hindi!',
"Tss!",
"Sige na please Mira! Please! Pretty please? Gusto ko talagang pumunta ng church. Ikaw ayaw mo ba magsimba?", tugon nito.
Napabuntong hininga siya.
"Ui sasama na yan", paguudyok nito.
"What time ba?", wala na siyang nagawa.
"Yeheey! You're the best Mira uhm 5:30 at 7/11. Dun na lang tayo magkita", masayang sabi nito.
"Okay!",
"Okay! See you later", saad nito.
Ibinaba na niya ang kanyang phone. Lumabas na siya ng silid at dumiretso sa kusina.
"Ma'am may gusto po ba kayong kainin? Ipaghahanda ko po kayo", saad ng katulong nila.
"Manang wag na po! Natatakam po kasi ako sa pizza, padeliver na lang po kayo then paghanda niyo na lang ako ng milk", saad niya.
"Okay po ma'am",
"Thank you!",
Habang hinihintay ang pagdating ng pizza, naglibot-libot siya sa bahay. Simula ng dumating siya sa bahay na ito ay hindi pa niya natitingnan ang kabuuan nito. Nang malibot niya lahat ay namangha siya kung gaano kalaki ang bahay ngunit nakaramdam siya ng kalungkutan. Tatlo lang sila na naninirahan sa bahay. Siya, ang kanilang katulong, at ang kanyang ama na bibihira lang umuwi. Masyadong malaki ang bahay nila para sa tatlo.
Tiningnan niya ang kanilang family picture. Kumpleto pa at masaya silang lahat.
"Ma, sis, miss na miss ko na kayo! Sana nandito kayo ngayon. Nahihirapan na kasi ako ei haha pero tama lang naman siguro sakin to kasi ang laki ng kasalanan ko sa inyo. Sorry huh pasaway ang anak niyo. Kung hindi sana matigas ang ulo ko sana buhay pa kayo. Sorry! Sorry! Sorry po ma, sorry sis. Hehe sorry kasi wala ng magagawa ang sorry ko. Sorry kasi hindi na maibabalik ng sorry ko ang buhay niyo. Sana ako na lang pala ang namatay nuh? Siguro yun din ang iniisip ni Papa na sana ako na lang ang nawala. Hayy ma/sis kung pwede lang", nakangiting sabi niya ngunit kasabay din ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionMira became a loner after she blame herself for the death of her mother and sister. She chose to put a wall to everyone rather than to interact. She broke up with her boyfriend and also puts a distance on her father. Not until she meets Suzy, the so...