"What is it?",
"Suzy what is it?", ulit niya.
Hindi ito nagsalita.
"Hey ano bang gusto mong sabihin? At bakit ka nagsosorry?", nagtatakang tanong niya.
Hindi pa rin ito nagsasalita. Wari'y nagiisip ng malalim.
"Suzy?",
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"M-Mira I promise di kita iiwan. Kahit ilang beses mo akong pagsungitan at hindi pansinin okay lang basta nandito lang ako. I will be your friend forever", madamdaming sabi nito.
Ramdam ni Mira ang sincerity sa boses ni Suzy pero pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung ano o bakit ngunit mas pinili na lang niya na hindi pansinin.
"Okay! I understand but please bumalik ka na sa upuan mo pinagtitinginan na tayo eh saka pwede bang punasan mo na ang luha mo. Nabasa tuloy ang damit ko.", saad niya.
"Hehe sorry!", nakangiting sabi nito.
"Tss sige na ubusin mo na ang kinakain mo. Its getting late kailangan ko ng umuwi",
Tumango naman ito.
"Uhm Mira?",
"Yes?",
"Thankz for today. I'm happy dahil nakasama kita ngayon. It was rally fun to be with you", sabi nito.
"Thank you also! So paano goodbye!", paalam niya.
"Yeah! Ingat and see you tomorrow sa school", paalam nito.
Sumakay na siya ng taxi pauwi. Pagdating niya ay napansin niya ang kotse ng kanyang papa. Nakaramdam siya ng panandaliang kasiyahan.
"Ma'am buti andito na kayo. Hinahanap po kayo ng ama niyo kanina", saad ng katulong nila.
"Bakit daw po?",
"Hindi ko po alam ma'am. Wala siyang nabanggit", sabi nito.
"Ah sige Manang salamat!",
"Maam ipaghahanda ko po ba kayo ng hapunan?",
"Hindi na Manang kumain na ko sa labas. Nasaan nga pala si Papa?",
"Maam nasa silid po niya",
Agad niyang pinuntahan ang ama sa silid nito. Ngunit napahinto siya ng makita ang ginagawa nito. Nakatunghay ito sa malaking larawan. Malungkot amg mga mata nito.
Tumalikod na siya. Hindi niya kayang panuooring nasasaktan ang kanyang ama. Mas nahihirapan siya sa ganung kalagayan.
Kinabukasan ay maagang nagising si Mira. Naghanda na siya para pumasok. Pgalabas niya'y nakita niya ang ama. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito o iiwasan na lang tulad ng ginawa niya sa loob ng mahigit anim na buwan. Sa huli'y napagpasyahan na lang niya na hindi ito pansinin tulad ng dati. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang hindi tumitingin sa ama.
"Papasok ka na ba?", tanong nito.
Napahinto siya sa paglalakad. Nagulat siya sa biglang pagapproach ng ama. Tila yata nagbago ang ihip ng hangin.
"Papasok ka na ba? Gusto mo bang ipahatid kita sa driver?",
Umiling siya.
"Okay! Anyway how's your school?",
"O-okay naman po!",
"I see!",
"S-sige po pa! I have to go baka malate pa ako", pagsisinungaling niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionMira became a loner after she blame herself for the death of her mother and sister. She chose to put a wall to everyone rather than to interact. She broke up with her boyfriend and also puts a distance on her father. Not until she meets Suzy, the so...