Chapter 8: Suzy and My Father

12 1 0
                                    

"Sir sorry I'm late",

"Its been a week Miss Ballesteros. Did you enjoy your vacation with your father", nakangiting tanong nito.

"Yes Sir Paul", nakangiting sagot niya dito.

Halos isang lingo rin siyang hindi pumasok dahil nagbakasyon silang mag-ama. After nilang magkaayos ay nagyaya itong magbakasyon. Agad naman siyang pumayag. Ipinaalam siya nito sa Dean kaya wala silang naging problema. Kailangan lang niyang gawin ay humabol sa lessons.

"Ehemmmm! Ehemm! Kung tumitig naman kayo sa isa't isa para kayong wala sa classroom", sabat ni Suzy.

Tiningnan niya ito. Hindi niya alam kung maniniwala ang babae ngunit namiss niya ang makulit na presence nito. Isang linggo na rin niya itong hindi nakikita. Gusto niyang ikwento lahat ng nangyari sa kanila ng kayang papa. At higit sa lahat gusto niyang magpasalamat sa babae.

Nginitian niya ito ngunit hindi ito gumanti.

"Miss Ballesteros please have a seat",

Tiningnan niya muli si Suzy ngunit nakasimangot pa rin ito. Hinayaan na lamang niya dahil baka wala ito sa mood. Tinuon na lang niya ang atensyon sa pakikinig.

Hanggang sa sumapit ang uwian ay hindi pa rin siya kinikibo ni Suzy. Hindi niya alam kung bakit.

"Mira pinapatawag ka ni Sir Paul sa faculty", saad ng classmate niya.

Tumango siya. Iniwan niya ang kaniyang gamit sa kaniyang upuan at pumunta na sa faculty. Pagpasok niya'y may mga sinabi ito na dapat niyang gawin na paperworks. Ito ang kapalit ng pagliban niya ng isang linggo. Pumayag naman siya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya.

"Miss Ballesteros you look different today! You look so happy and I'm happy because of that", sabi nito.

"Thank you Sir!", paalam niya.

Naalala ni Mira na iniwan pala niya ang gamit niya sa classroom. Bumalik siya. Pagpasok niya'y nagulat siya ng makitang nakaupo si Suzy.

"Suzy?",

Sumimangot naman ito.

"May problema ba?",

"Bakit di mo man lang sinabi sakin na aabsent ka pala ng isang linggo?",

"Sorry biglaan kasi",

"Eh bakit si Sir alam niya?",

"Kasi kinausap ni Papa yun dean natin so siguro nabanggit ng dean kay Sir kaya nalaman niya", paliwanag niya.

"Are you sure?",

"Yes! Yan ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako pinapansin simula kaninang umaga?",

Umiwas naman ito ng tingin.

"Tsk! Anyway gusto sanang kitang imbitahan..",

"Saan?", putol nito sa sasabihin niya.

"Sa bahay! For a dinner", sagot niya.

"Sure!",

"At gusto ka rin makita ni papa",

"Hala baka may gusto na sakin ang papa mo huh. Pakisabi di ako pumapatol sa matanda at may anak pa", sabi nito.

Binatukan niya nga ito.

"Aray! Joke lang! Di ka naman mabiro. Oo nga pala saan kayo nagbakasyon at wala ka bang pasalubong?",

"Kwento ko sayo lahat pagdating natin sa bahay",

"Eeh yung pasalubong??",

Nahihiya siyang ilabas ang bracelet na gawa yata sa stem ng puno at may nakaukit na lugar na pinanggalingan nila.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon