Chapter 4: The Beginning?

18 1 0
                                    

"Miraaaaaaaaaaaa",

Napasimangot si Mira ng marinig ang pamilyar na boses. Pagtingin niya rito at tumatakbo ito papalapit sa kanya.

"S-Sabay na tayo",nakangiting sabi nito.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumabay naman ang babae sa kanya. Habang naglalakad ay palihim niyang tinitingnan ito. Hindi niya mainitindihan ang babae kung bakit gusto nitong makipagkaibigan sa kanya. Marami naman itong kaibigan at higit sa lahat kilala ito sa kanilang University na pinapasukan.

"Alam kong maganda ako but don't stare to me too much baka malusaw ako", sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.

Agad niyang binawi ang tingin. Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha.

"Hahahaha Mira look at your face namumula ka", natatawang sabi nito.

"Ofcourse not!", saad niya at binilisan ang paglalakad.

"Hey Mira wait! Ang bilis mo naman maglakad",

Napahinto siya sa paglalakad.

"Whats wrong?",

"Look! Don't be too close! Hindi pa ako pumapayag sa condition mo", saad niya.

"Its okay! But let me do what I want", saad nito at inilapit na naman sa kanya ang mukha nito.

"Shit! You're starting again", naiinis niyang sabi.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya ito magawang itulak.

"Am I?",

"Yeah! So please lumayo ka. Pinagtitinginan na tayo",

"Well I don't care", bulong nito.

"Please stop teasing me",

"Say it again?",

"Suzy?!!!",

"What?",

"Damn! Stop teasing me",

"I won't",

"One .. Two ..", pagbabanta niya.

"Haha okay okay sorry! Its just that you're too cute when you get teased", nakangiting sabi nito.

"Ewan ko sayo", saad niya at dumiretso na sa paglalakad.

Pagpasok nila sa room ay agad nilang naagaw ang atensyon ng mga classmates nila. Tulad ng nakagawian ay hindi niya pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Dumiretso na siya sa kaniyang upuan. Maya-maya pa'y dumating na ang kanilang prof. Nakakaantok ang klase nila pero pinilit pa rin niyang making.

"Class dismissed",

Pagtingin ni Mira sa kanyang relo ay 11:38 na. Inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Pagkatapos ay nagmadali na siyang lumabas. Nagugutom na siya.

"Mira going to canteen?", tanong ni Suzy.

Tumango siya.

"Sabay na tayo? Nagugutom na ako", yaya nito.

"Akala ko kakain tayo sa McDo", saad ng kaibigan nitong nakasalamin.

"Next time na lang", sagot ni Suzy sa kaibigan.

"No! You can go with your friends. Mukhang may usapan na kayo and mas gusto kong kumain ng mag-isa", sali niya sa usapan ng magkaibigan.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon