Chapter13: Suzy's side

10 1 0
                                    

(Suzy POV)


"Mira?",

Lumingon naman ito.

"Gusto mong kumain or maybe mall?",

"Sorry", saad nito.

"May lakad ulit kayo ni Art?", tanong ko.

Tumango naman ito.

"Nagkabalikan na ba kayo?",

"Hindi pa!",

"Ah", tanging nasambit ko.

"Suzy I have to go", paalam nito at tumayo.

Naiwan naman akong mag-isa. Halos dalawang linggo ng laging ganito ang nagyayari. Araw-araw ay laging sinusundo ng lalaki si Mira kaya naman hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na mamasyal o kumain man lang sa labas. Namimiss ko na siya.

"Suzy?", saad ni Sab.

"Ooh?",

"Bakit ang haba ng nguso mo?",

"Nothing!", saad niya.

"Nothing? Si Mira na naman ba?", tanong nito.

Tumango siya.

"Haha sabi na nga ba eh", saad nito.

"I missed her! Simula nung dumating yung Art na yun lagi na silang magkasama. Lagi niya akong tinatanggihan kapag niyaya ko siya. Hindi ako sanay. Dati kapag niyaya ko siya pumapayag agad siya. Dati lagi ko siyang kasama. Tss mas gusto ko pang sinusungitan niya ako kaysa sa ganito", naiinis kong sabi.

"Haha lets go mag McDo na lang  tayo", yaya nito.

"Wala akong gana",

"Tara na its been a while nung lumabas tayo!", dagdag ni Sareh.

"Eeeh?",

"Suzy lets go", saad ni Steffie at bigla akong hinila.

Okay!", saad ko.

"Mabilis ka palang kausap eh", nakangiting sabi ni Sab.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Sir Paul.

"Hindi niyo ba kasama si Mira?", tanong nito.

"Tss obvious naman Sir dba?", sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y hindi siya mapagkakatiwalaan. Parang may lihim ito.

"Ah sayang!", malungkot na sabi nito.

"Bakit mo naitanong Sir?', tanong ni Sab.

"I want to invite her for a dinner",

"How unlucky kasama niya ang ex niya. And Sir its obvious na wala ka ng pag-asa", sabat ko.

"I know! Dahil meron na siyang mahal at dahil sa pagmamahal na yun ay gumawa siya ng maling desisyon. Haay sana habang maaga pa ay matauhan na siya", makahulugang sabi nito.

"What do you mean?", nagtatakang tanong ko.

Nagkibit balikat ito.

"See you around girls", paalam nito ngunit bigla itong lumapit sakin.

"Be more aware Miss Chan", bulong nito.

Nakaalis na ito ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Suzy something wrong?",

"U-uh nohing! Tara na", yaya ko.

Pagdating namin ng Mcdo ay agad akong umupo. Nakapwesto kami sa 2nd floor kaya naman pinagmasdan ko ang tanawin sa ibaba. Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniisip ang sinabi ni Sir.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon