Sa Baryo Linawin, hindi maitatago na ang mga nakatira doon ay pawang mga hikahos sa buhay. Nagkalat ang mga bata sa kalsada na animo’y mga walang magulang dahil sa mga hitsura nitong hubo’t hubad, tumutulo ang sipon, marungis, na hindi man lang matuunan ng pansin ng mga magulang nilang kadalasan ay nasa binguhan ang ina, at nasa inuman naman sa may kanto ang ama.
Hindi na bago iyon sa paningin ni Kreng-Kreng. Sanay na siya sa tanawing mahigit labing-walong taon na niyang kinamulatan. Ang tangi niyang pag-uukulan ng panahon ngayong araw ay ang paghahanap ng panibagong trabaho.
Natanggal kasi siya sa dati niyang pinapasukan dahil pinagbintangan siyang nagnakaw ng alahas ng babaeng amo matapos niyang hindi mapagbigyan ang asawa nitong may mangyari sa kanila. Hindi na rin naman niya pinaliwanag pa ang sarili. Para sa kanya, sapat na ang nangyari para umalis na siya doon at baka maulit pa ang pananamantala sa kanya ng lalaking amo.
“Kreng, naghahanap ka raw ng trabaho?” tanong sa kanya ni Lorena, kapitbahay niyang nagtatrabaho sa bahay-aliwan. Mas matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon, bale dalawampung taon na ito.
“Oo e. Natanggal ako kina Mrs. Arciaga. Bakit bukod ba sa dati mo nang kinukulit sa’kin, may iba ka pang maireretong trabaho?” balik tanong ni Kreng-Kreng kay Lorena. Alam naman niya na kasi ang inilalapit nito sa kanya. Simula yata ng mag-labingwalong taong gulang siya, inaaya na siya nito magtrabaho sa bahay-aliwan. Doon daw ay kikita siya ng malaki at madalian. Pero hindi niya gustong dungisan ang pagkatao niya. Literal na sa putik na nga siya nakatira, ilulubog pa ba niya pati kaluluwa niya sa putikan?
“Kreng, ‘yon pa din. Mag-isip-isip ka kasing bata ka. Aba, birhen ka, maganda, makinis, morena, balingkinitan. Naku, pagkakaguluhan ka doon ng mga parokyano.” Sabi ni Lorena sabay sindi ng sigarilyong hawak niya.
“Di na, Lorena. Salamat na lang.” Umalis na siya sa harap ng kausap. Magbabaka-sakali na lang siya sa may plasa. Marami rin kasing mga tindahan doon kaya susubukan niyang makahanap ng trabaho kahit tindera lang ng maliit na pwesto roon.
Sumakay na siya ng dyip para magtungo sa plasa. May kalayuan din kasi kung lalakarin niya. Habang nasa loob ng dyip, may isang baklang kanina pa siya tinitignan. Hindi sa anupaman pero naaasiwa kasi siyang tinititigan ng ganoon. Kaya naman tinanong na niya ang bakla na nasa harap lang niya nakaupo.
“Paumanhin po, pero kanina niyo pa po kasi ako tinitignan. May problema po ba?” magalang na tanong niya.
Ngumiti naman ang bakla at imbes sumagot ay nagtanong rin ito, “Ineng, may trabaho ka ba ngayon?”
Umiling naman si Kreng-Kreng bilang tugon dito. Kaya napangiti ng mas maluwag ang bakla at sinabi nito ang dahilan kung bakit kanina pa siya tinititigan.
“Isa akong manedyer. At mayroon kasing ahensiya ang kaibigan ko na nangangailangan ng modelo. Huwag kang mag-alala, hindi naman kabastus-bastos ang mga isusuot mo. At malaki pa ang kikitain mo. Gusto mo bang puntahan na natin ngayon?”
Nag-aalinlangan humindi si Kreng-Kreng. Kung tatanggihan niya kasi ito, mahihirapan pa siyang maghanap ng ibang trabaho na hindi naman niya alam kung mayroon pa nga siyang mahahanap. At isa pa, malaki daw ang kikitain. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko ang iniaalok niya, ani sa isip ng dalaga.
Sumama siya sa sinasabi ng estranghero na nagngangalan palang Japoy. Sa plasa rin ang baba nila at ilang bloke mula sa binabaan ng dyip ay narating na nila ang gusali ng ahensyang sinasabi ni Japoy. Sa ikatlong gusali pa daw ang opisina at studio nila kaya sumakay na sila ng elavator.
“Magandang umaga! Hala heto na ang bago nating modelo! Si Kreng! Kreng, ito nga pala ang litratista natin, si Lysa. At ang boss natin, halika sa opisina ipapakilala kita.” Hinila na siya ni Japoy matapos niyang ngitian si Lysa na ngumiti rin naman sa kanya.

BINABASA MO ANG
ENGKWENTRO (One-Shot)
Gizem / GerilimFirst short story ko 'tong ilalagay sa Mystery/Thriller category. :3 O BASA!