HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted CHAPTER ONE

19.1K 321 5
                                    

ANG NAKARAAN...

"Please promise me, na ang anak natin ang pipiliin mo kahit anong mangyari. She is an angel and I want her to see how beautiful the world is,"sabi ni Cleo habang mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ni Niel.

"She?,"gagad ni Niel kahit halatang pinipigilan lang ang huwag maiyak sa harapan ng kanyang girlfriend.

Napangiti si Cleo habang may luha parin ang mga mata.

"Yeah she, because I can feel it that she is a girl, so please promise me, alagaan mo siya, mahalin mo siya, tratuhin mo siya ng maayos, kahit mawala man ako, Niel."

"Stop it Cleo, I don't want to hear that from you, 'cause its hurt me. Mabuhay ka'yo pareho ng anak natin, just hold on and have faith in Him."

"I do, I do really, pero nararamdaman kong isa lang sa amin ang puwede mong pipiliin, so please choose our angel, please choose our daughter Niel, please."

Napailing-iling si Niel at hindi malaman kung anong klaseng desisyon ang kanyang gagawin.

Mahal niya si Cleo at ang magiging anak nilang dalawa at kahit anong mangyari, hindi siya pipili alin man sa dalawa. Magmamakaawa siya sa doktor na isalba ang buhay ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.

"Sir del Tierro, kailangan ho kayo kay Dok Sebastian sa loob ng opisina niya,"sabi ng nurse.

"Okay, susunod ho ako."

Tinanguan siya ng nurse at lumabas na ito.

Binalingan niya si Cleo na alam niyang nanghihina na.

"Hold on, walang mawawala sa inyo ni baby, Cleo. Dapat kang mabuhay, alang-alang sa magiging anak natin, please?"

Napangiti si Cleo at napailing-iling.

"If i have a choice, why not? Gusto ko rin namang makita,mahawakan, maalagaan at masubaybayan ang paglaki niya."

Nang mula sa pintuan ay muling sumungaw ang nurse.

"Excuse me ho Sir del Tierro, but Dok Sebastian is in hurry to see you in his office."

"Coming,"sabi ni Niel at hinalikan sa noo ang dalaga bago lumabas sa silid nito.

"CAN I choose them both, Doc?"

"I'm sorry Niel, pero iisa lang ang dapat mong piliin, either ang wife mo o ang baby. Kailangan na ang desisyon mo dahil baka kapag matagalan ay parehong walang maisalba sa kanila,"mahinahong sabi ng doktor.

Napisil ni Niel ang kanyang ulo at wala sa sariling napaupo sa silyang naroon.

Hindi niya alam kung sino ang pipiliin niya.

Nang biglang pumasok sa isipan niya ang pakiusap ni Cleo.

"She is an angel, so please choose her over me. I want her to see how beautiful the world is, please."

Pipirma na sana si Niel sa papeles ng biglang pumasok ang humihingal na nurse na nakatuka sa loob ng silid ni Cleo.

"Doc Sebastian, 'yong pasyente ho, nanganak na, pero after she delivered the baby, wala na siyang pulso!"

"What?! No!,"sabi ni Niel at mabilis itong lumabas at tinakbo ang silid ni Cleo.

Nagkagulo sa loob ng delivery room dahil sa nangyari.

And Cleo was dead.

The baby, their baby is alive.

Hindi napigilan ni Niel ang hindi mapaiyak dahil sa nangyari.

HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon