I'M INLOVE WITH A NANNY(Hacienda del Tierro Book2)By: Ms. UndauntedCHAPTER 13

9.5K 221 9
                                    

  "SAAN ka naman pupunta?,"tanong ni Niel kay Zyline ng makita siya nitong palabas ng pintuan ng silid ng binata.

Si Niel nakatayo sa may pintuan at nakapamulsa.

Napakurap-kurap ang dalaga habang nakatingin sa binata.

Wala talaga!

Sobrang guwapo talaga ni Niel, iwan ba niya.

"Lalabas at maghahanap ng bakanteng kuwarto."

"Di ba you are my wife?,"nakakalokong tanong ni Niel.

"Yaya puwede pa, huwag na 'yong wife."

"Akala ko ba type mo ako?"

"Wala naman sa usapan natin ang magsama sa iisang kuwarto, ah!,"angal ni Zyline.

"Akala ko ba type mo ako?,"ulit ng binata sabay lapit kay Zyline.

"Teka, diyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin! Andiyan si Charie sa likuran mo!"

"Zyline, hindi tayo naglolokohan dito, kaya huwag kang praning! Pasok sa loob, pasok,"mariing utos ni Niel dito.

Atubili si Zyline at nag-pout sabay padyak ng kanyang mga paa.

"Kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa pa. Napasubo na tayo pareho kaya tatapusin nalang natin ang dramang 'to."

"May Charie, samantalang ako wala! Napaka-unfair naman ng buhay."

"Andito na ako, hindi ka pa ba kuntento?"

"Aba Mister del Tierro, di ko alam kung bakit nagustuhan kita, ano?"

"Shut up and let's stop this nonsense."

"What if darating si Charie at bubulabugin ako no'n?"

"Matapang ka naman, kaya mo na siya."

"So ayos lang sayo kung mag-aaway kaming dalawa? Anong klaseng nobyo ka? Wala man lang pakialam?"

"Eh sa wala akong pakialam, anong magagawa ko."

"Tama nga ako, wala kang silbing tao at ama ni Clyne."

"Isa pa at makakatikim ka na sa akin,"banta ni Niel.

"Bakit? Sasampalin mo na talaga ako ngayon?"

"Hindi! Hahalikan kita!"

"Aba! Tatahimik na po, dito na ako matutulog sa silid mo!"

Ibig matawa ni Niel dahil sa nakikita niyang reaksiyon ng dalaga.

Akala niya ay hindi ito matatakot sa kanya.

Iyon pala'y takot din.

Ngayon, alam na niya.

Maging masaya ang araw niya kasama ang dalaga.

At balak niyang dadalhin ito pabalik sa hacienda.

Kinagabihan.....

Papasok si Niel sa kusina ng marinig niya ang tawa nina Clyne at Zyline.

Iwan ni Niel kung bakit gano'n nalang ang tuwa ng kanyang anak.

Nang silipin niya ang dalawa ay namangha siya sa kanyang nakita.

Napuno ng flour ang mukha ni Zyline at ng kanyang anak.

"Mommy, you know what? Daddy Niel doesn't want messy place, kaya baka po kapag makita niya tayo rito, magagalit po 'yon,"sabi ng bata habang tumatawa pa rin.

"Gano'n ba baby? Eh di hayaan mo siyang magalit. Saka bakit ba ang guwapo ng Daddy mo?,"pabirong tanong ni Zyline.

Si Niel ay lihim lang na nakikinig sa usapan ng dalawa.

Laking pasalamat niya at matuwid ang dila ng kanyang anak kahit bata pa ito.

"Type n'yo po si Daddy, ano po?"

"Oo naman! Sinasabi ko na 'yon sa Daddy mo, kaso parang ayaw sa akin ng Daddy mo."

Napahagikhik ang bata at tinapunan siya nito uli ng flour sa mukha.

"Pero Mommy, mas maganda ho kayo kumpara kay Tita Charie at kay Mommy Cleo ko na nasa heaven po."

"Bakit mo naman nasabi 'yon, princess? Nakita mo ba Mommy Cleo mo?"

"Opo, sa picture po."

"Hindi ka naman malungkot na hindi mo nakasama ang Mommy mo, di ba?"

"Hindi po, kasi sabi ni Dad, nasa heaven na po siya, saka andiyan ka naman na bago kong Mommy na sobrang bait po. Tapos may Lolo na rin po ako."

"Clyne, enough na sa daldalan,"sabi ni Niel na nakatayo na sa may pinto.

"Daddy!,"tuwang sabi ng bata at nagtatakbo ito palapit kay Niel.

"Maligo ka muna princess, ang dungis mo. Ano bang ginawa ninyong dalawa rito sa kitchen,"tanong ni Niel pero kay Zyline nakatingin.

Nag-iwas ng tingin ang dalaga at kunwari, walang pakialam kay Niel.

Tumayo si Niel at nilapitan niya ang dalaga.

"Hindi ka na bata kaya huwag kang umakto na parang bata dito sa bahay."

"Gagawa lang sana kami ng pizza at nagkatuwaan kami ng anak mo."

"Enough! Fix yourself both at mag-o-order nalang ako ng para sa hapunan natin."

Nagtaas ng kilay si Zyline and she mouthed "sungit" to Clyne na nakangiti parin.

Mas lalong napahagikhik ang bata habang nakatingin sa dalaga.

Samantalang si Niel ay nagsalubong ang dalawang kilay.

HABANG naghihintay sa in-order nilang pizza ay nagkatuwaan sina Zyline at Clyne sa may sala.

"Gusto ko 'yong Frozen, Mom,"ungot ng bata.

"Hindi, The Notebook nalang, kasi maganda 'yon."

"Mommy naman, sige na po."

"Bukas, 'yong Frozen ang panonoorin natin. Pero sa ngayon, the notebook na muna, okay?"

Napasimangot ang bata pero ng pisilin ni Zyline ang pisngi nito ay napangiti na rin ang bata.

Habang si Niel naman ay nakatingin lang sa dalawa at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi mapangiti.

Hindi maalis-alis ang tingin niya sa dalaga.

Mala-anghel ang kagandahan nito lalo na't kung ngumingiti.

"Zy?"

Napatingin si Zyline sa binatang matamang nakatitig sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at para siyang malulusaw.

Hindi niya alam kung bakit ganito nalang talaga ka-handsome si Niel.

"Y-yes?"

"Bukas, babalik na ako ng hacienda at siyempre kasama ka at si Clyne. Nova is in Japan."

"I know, pero how about Daddy?"

"Alam naman 'yon ng Daddy mo, tawagan mo nalang mamaya, tsaka huwag kang mag-alala. Dadalawin naman natin siya."

"Can I stay in Bel-Air with Dad?"

"No, Zyline. You are my wife, right?"

Napangiwi si Zyline habang nakatingin sa binata.

Si Niel naman ay may pilyong ngiti sa labi.

"Nako mister del Tierro, dehado na ako. Ikaw type na type kita, at...at....I almost....."

"Hindi mo lang alam kung ano ang totoo kong nararamdaman sa'yo, huwag mo akong pangunahan, dahil darating tayo sa puntong 'yan,"sagot ni Niel at tumayo.

"Anong ibig mong sabihin?,"excited na tanong ng dalaga.

Waaah! Ito na! Ito na!

Mahal din kaya siya ni Niel?

Sana!

Sana!

Sana Lord!

"Ano'ng ibig kong sabihin? Eh di 'yon ang ibig kong sabihin,"pabirong sabi ni Niel sabay tawa.

Na-star struck si Zyline ng makita niyang tumawa si Niel.

Ang guwapo nalang nito.

Mas lalong gumuwapo pa ata.

At ang tawa nito ay kay sarap pakinggan.

Ano ba!

Nababaliw na talaga siya.

Marami namang guwapo na nakikita niya dati pa, pero hindi naman siya nagdo-drool na katulad ngayon.

Sasagot pa sana si Zyline ng may mag-door bell sa labas.

Pizza delivery na ata.

Si Niel na ang lumabas upang pagbuksan ang delivery boy.

Ilang minuto ang nakalipas ay nasa hapag na sila at pinagsaluhan ang pepperoni pizza.

Alagang-alaga ni Zyline si Clyne na ganadong-ganadong kumain at hindi sila nito kinukulit.

"Baby, are you that damn hungry?,"tanong ni Niel sa kanyang anak.

Tanging ungol lang ang isinagot ng bata sabay tango.

"I see,"nakatawang sabi ni Niel.

Si Zyline naman ay kain rin ng kain. Wala siyang pakialam kay Niel na laging nahuhuli niyang nakatingin sa kanya.

Ibig niyang ma-concious, pero bahala na. Gutom siya eh.

Nang biglang tumayo si Niel at lumapit ito sa kanya.

Yumuko upang magpantay ang kanilang mukha.

"Bakit?"----Zyline

"May ketchup na nagkalat sa bibig mo."

"Saan banda?"

"Sa right side."

Kumuha ng tissue paper ang dalaga upang pahiran ang kanyang bibig. Ngunit pinigilan ni Niel ang kanyang kamay.

"Let me do it, wife."

Sabi nito at pinahiran ang bibig niya sa pamamagitan ng hintuturo ng binata at pagkatapos.

Nagulat si Zyline.

Dinala sa bibig ni Niel ang sarili nitong kamay at dinilaan ang ketchup na galing sa gilid ng labi niya.

"What are you doing?,"tanong ni Zyline sabay tayo.

"Sarap,"nakangising sabi ni Niel.

Hindi makapagsalita si Zyline at napangiwi nalang siya.

This guy in front of her is so damn crazy and hard to explain.

Pero nagswo-swoon siya.

Oo, siya na ang head over heels inlove with Niel del Tierro.

Itutuloy......  


HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon