"WHERE'S the room of Clyne?,"tanong ni Zyline ng makapasok siya sa loob.
Naiwan silang dalawa ni Niel sa may pintuan dahil si Nova ay agad sinugod sa loob si Aaron at pinaghahambalos ng bag ang kawawang binata.
"There, at the right side, come and i'll show you,"sabi ni Niel.
"Himala at hindi nakasimangot o di kaya'y nanigaw,"sa loob-loob ng dalaga habang nakasunod ito kay Niel.
"Baka nangangalay kana sa kakarga ng anak ko."
"Okay lang, kaya ko naman eh."
"Clyne is already four years old, turning five na yan, kaya alam kong mabigat na siya. Bakit mo kasi kinarga, puwede naman siyang maglakad,"sabi ni Niel at binuksan ang pintuan ng silid ng anak upang makapasok si Zyline.
"She fall asleep habang nasa kotse kami papunta rito. Kawawa naman kung gigisingin ko pa para lang maglakad papunta sa silid niya."
"Kay aga-aga kasi upang matulog siya."
"Eh sa inaantok ang anak mo, tumabi ka nga diyan at nang mailapag ko na si Clyne."
Umusog si Niel upang maibaba ni Zyline ang anak niya.
Clyne is peacefully sleeping na parang ilang araw itong hindi natutulog.
Ang hindi alam nina Zyline at Niel ay hindi natutulog ang bata kagabi sa takot nito na baka hindi makausap si Zyline sa oras na tatawag ito.
Kaya inaantok ang bata.
Nag-unat ang dalaga nang maibaba na niya ang bata.
Tama nga si Niel, dahil sobrang nangalay ang braso niya at sumasakit ang likod niya.
"Need some massage?"
"What?! Oh no, no, Sir Del Tierro."
"I owe you a lot Zyline."
"Forget everything, its okay."
Saglit na katahimikan.
"So how about being with your Dad again?"
"Fine,"tipid na sagot ng dalaga habang inaayos ang kumot nito kay Clyne.
"I can see how good mother you become to your kids someday,"out of the blue na sabi ni Niel.
"I can't tell,"sabi nito at akmang lalabas na.
"Since I owe you lot, then ask anything and I am so willing to give."
"Come again?,"si Zyline at napaharap sa binata.
Nakapamulsa si Niel habang titig na titig ito sa kanya na halos hindi na kumukurap pa.
Seryoso ang mukha na parang may ibig sabihin.
"Malaki ang utang na loob ko sa'yo para kay Clyne, so hingin mo kahit ano, ibibigay ko."
"Talaga Sir del Tierro? I can ask anything? What if hihilingin ko uli na magpanggap kang asawa ko at anak natin si Clyne, magagawa mo ba?"
"Yeah, this time I can."
"Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Akala ko ba ayaw mong malagay sa gulo ang anak mo, then why the sudden changed?"
"Akala ko ba gusto mong maging anak si Clyne at ako asawa mo, then what's the question for?"
"Tsk, sarcastic,"sabi ng dalaga at napaismid saka tumayo ng matuwid sa harapan ni Niel.
Ngayon lang niya napagtanto na hindi pala magkalayo ang agwat ng height nila sa binata.
At masasabi niyang real hunk talaga si Niel.
Those red lips na parang kay sarap halikan.
The pointed nose.
Ang jawline nito.
The most captivating eyes na nakikita niya sa tanang buhay niya.
"Pasado ba ako sa standard mo, Miss dela Cruz?"
Mabilisang namula ang kanyang mukha at naipilig ang kanyang ulo.
Pahiya siya sa binata.
Kung bakit ba naman kasi sa kabila ng kasungitan nito ay ang angking kaguwapuhan parin nito ang kanyang nakikita.
Love is blind ba talaga?
Kalokohan!
Na-inlove ba siya nito?
O nagaguwapuhan lang.
Iwan, di niya rin alam ang sagot.
"Pardon me?"
"Sabi ko, ang ganda mo! Mas maganda ka pa sa yumao kung girlfriend na si Cleo,"sabi ni Niel at nilapitan siya nito.
Napaatras siya ng bahagya.
Anong plano ng guwapong binata na ito?
Hahalikan siya uli?
Sana sa labi na at huwag na sa pisngi.
"Easy ka lang, ano bang nangyari sa'yo? Hindi naman kita hahalikan, kukunin ko lang yang smudge mo sa gilid ng labi mo."
"Smudge? Bakit may smudge ako?"
"Iwan ko sa'yo."
"Umayos ka nga! Ako na,"sansala ni Zyline at pinahid ang kanyang labi.
Napailing si Niel at napapangiti habang nakatingin sa dalaga.
"So ano, deal is deal?"
"Are you sure sa mga sinasabi mo? Actually, nakikita ko na kasi ang lalaking napipisil ng Daddy. Okay naman siya, saka kakilala ko na rin noong nagmomodelo pa ako, he is my photographer."
"And? You don't need any help from me anymore dahil nakilala mo na ang lalaking pakakasalan mo?"
"Sort of!"
"Tsk, then leave!,"nainis na sabi ni Niel.
"Hey you, ano bang mali sa nasabi ko ha? Ba't ang bilis mong magsabi ng leave, na akala mo aso ako. I thought you are wanting to pay those owe, owe,"si Zyline na iwan kong saan niya nakuha ang mga sinasabi niya.
"Forget about it. Let's talk another matter, there sa labas ng silid na ito,"sabi ni Niel at nagpatiuna itong lumabas ng silid.
Napasunod si Zyline na dikit ang mga kilay.
"AND just because of Kuya Nathaniel kaya andidito ka ngayon?,"mala-kulog na boses ni Nova habang nakaharap kay Aaron.
"Yes! Because he wants you to be in Japan!,"sigaw din ni Aaron.
"And why?!"
"Sa kanya ka magtanong, huwag sa akin."
"Baliw!"
"Mas baliw ka! Oh ano, aalis na ako, basta nasabi ko na sa'yo ang pinasabi ng kapatid mo."
"Salamat and yes, you can go now! At huwag ka nang bumalik, utang na loob."
"The flight is on Tuesday morning at 10am, so be there in my place at 6am sharp."
"Huh? Bakit sa place mo?!,"gulantang na tanong ni Nova na halos luluwa na ang mga nito sa inis kay Aaron.
"Because sasabay ka sa akin, papuntang Japan, little witch!"
"No! A big no!,"hesterikal sa sabi ni Nova.
"Bahala ka nga sa buhay mo."
"Ayaw kitang makasama sa flight ko, ayaw ko talaga."
"Pareho pala tayo, sino bang maysabi sa'yo na gusto rin kitang kasama? Iyang bunganga mo na dinaig pa ang machine gun! Huwag nalang."
"Aba ang kapal nito oh! Akala mo naman kagwapuhan na."
"Pero totoo 'yon, katunayan nga ay ang daming babaeng nahuhumaling sa akin dahil sa hitsura ko,"pakindat-kindat pa si Aaron habang nakatingin sa dalaga.
"What a confident!"
"Totoo naman ah, malay ko ba kung isa ka na roon."
"Hah! Ang sarap mo talagang ibitin patiwarik! Hoy! Hindi lahat ng babae ay naghahanap ng guwapong tulad mo. Aanhin mo ang 'yong kakisigan kung wala namang totoong nagmamahal sa'yo! Alam mo 'yong lust lang? Kawawa ka, kaya huwag kang magmayabang! May nagbenta ng kahumble-an sa katawan, bilhin mo na lahat, hitsura nito! Alis!"
"Be there in my place at 6am sharp!,"sabi ni Aaron at tinalikuran siya nito.
Naiwan si Nova na sobrang salubong ang dalawang kilay.
Inis na inis talaga siya sa kanyang Kuya Nathaniel.
Parang nananadya.
Nawala ang inis niya ng marinig niya ang malakas na boses ng kanyang Kuya Niel.
"My goodness, Zyline. Paano mo nasabi "yon?!"
"Diba sabi mo tutulungan mo ako at tutulungan din kita, so magtutulungan tayong dalawa para kay Clyne at sa akin na rin."
"You don't know what you are talking, Zyline,"sabi nito at napaupo.
"Sorry na, eh kasi 'yon lang naman ang naisip kong paraan para mai-dispatsa si Eric."
"Sinong Eric?"
"Iyong lalaking pakakasalan ko, and by now, i am so sure na alam na ni Dad ang tungkol sa atin. Tulungan mo naman ako, please? Promise, alagaan ko si Clyne, at higit sa lahat, ituring ko siyang totoong anak."
"Do i have any choice? Wala na diba? Inunahan mo ako eh."
"Eh di napapayag ka rin Kuya,"sabat ni Nova habang nakatayo di kalayuan sa dalawa.
"Kanina ka pa ba diyan?"---Niel.
"Hindi naman, mga walong taon lang,"pabiro nitong sagot.
"Oo nga pala Kuya, I need to visit Kuya Nathaniel."
"Sa anong dahilan? Puwede ba Nova, mamaya na tayo mag-usap at gulong-gulo ang isip ko ngayon."
"Ikaw lang naman ang nagpapagulo sa utak mo eh. Ano ba 'yong magpanggap kang boyfriend ni Zyline?"
"Pumayag na siya, Nov,"sabi ni Zyline sabay tawa.
"Akala nito! Hindi nakakatuwa ang ginawa mo, baka akala mo. Tsaka this is all about Clyne and not you."
"I know! This is all about myself, and not in you even."
"Nako ang ingay n'yong dalawa, bakit hindi nalang kayo mag-usap ng maayos, magplano kung paano n'yo harapin ang matandang tatay ni Zyline, excuse me."
Napabuntunghininga si Niel at napatitig sa dalaga.
Nakatingin din ito sa kanya at parang nagmamakaawang tulungan siya.
Nang tumunog ang telepono ni Zyline.
Daddy is calling.
Kinabahan na siya.
Alam niyang ito na, ito na ang walang katapusang katanungan at mag-umpisa na siyang magsinunggaling.
Nginig ang boses habang pinipindot ang answering button.
"Hello Dad?"
"Saan ka ngayon, Zyline?,"maawtoridad nitong tanong.
"I bet you already know everything, Dad?"
"Gaano ka totoo na may asawa't anak ka na? Kailan ba nangyari 'yan? Bakit hindi ko man lang alam! Zyline, ama mo ako, bakit hindi mo nasabi 'yan sa akin."
"Dad, mahirap mag-usap sa telepono, so papatayin ko na muna 'to at asahan mong iharap ko sa'yo ang asawa't anak ko, and I am so sorry Dad for hiding these things,"sabi ni Zyline at napakagat labi.
Kay hirap magsinunggaling sa ama.
Pero kinailangan ng panahon.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted
HumorHACIENDA del TIERRO BOOK2 (I'm Inlove With A Nanny) By: Ms. Undaunted