"HINDI ka rin ba makatulog?,"tanong ni Niel sa dalaga ng makita niya itong nakatayo at nakatingin sa kalawakan.
Muntikan pang mapalundag si Zyline dahil sa sobrang pagkagulat.
Paano, biglang nagsalita ang binata sa kanyang likuran at may hawak itong isang bote ng beer.
"Nagpapahangin lang, sige maiwan na kita, matutulog na ako,"paalam ng dalaga.
Nakaisang hakbang pa siya ng pigilan ni Niel ang kanyang bisig.
"Please stay in a minute, Zyline."
Nakaramdam ng kaba ang dalaga.
Kaba...
Excitement...
At takot...
"Ang bisig ko, puwedeng huwag mo nalang hawakan?"
"Sorry,"sabi nito sabay bitaw.
Pareho silang natahimik at si Niel ay muling tumungga ng beer mula sa hawak nitong bote.
Maya-maya pa'y nagsalita si Niel at naglakad papunta sa gilid ng veranda di kalayuan sa kanya.
"Alam kong may itinatago ka tungkol sa pagkatao mo. Ano ba 'yon? Puwedeng malaman, kung hindi mo masasamain?,"tanong nito habang nakatalikod sa dalaga.
"W-wala akong itinatago sa'yo, sa pamilya mo o kanino man."
"Zyline, alam kong meron. Alam kong ikaw ang anak ni Don Ricardo dela Cruz, a part-time model of La Senza, the sole heiress of Dela Cruz Group of Company."
Parang natuka ng ahas ang dalaga dahil sa mga naririnig niya mula kay Niel.
Paano nito nalaman ang pagkatao niya?
Sinong nagsabi nito?
Ito na kaya ang panahon na sapilitan siyang bumalik ng Maynila?
"Iisipin ko bang tama ako dahil sa pananahimik mo?,"tanong ng binata at nilingon siya nito.
Napatikhim si Zyline at hinagilap ang sariling boses.
"Ako nga ang anak ni Ricardo dela Cruz at oo, naging modelo ako dati ng La Senza, pero that was 4 years ago, wala na ngayon dahil part-time lang 'yon."
"What's your reason behind upang pumasok kang Yaya ng anak ko? Alam mo, masasaktan si Clyne oras na aalis ka, dahil alam kong sooner or later, you'll need to leave this house and face your real world."
"Hindi ako aalis, hindi ko iiwan ang anak mo dahil sa totoo lang, napamahal na rin sa akin si Clyne."
"How can you stand by your words kung alam mo sa sarili mo mismo na hindi matutupad 'yang mga sinasabi mo?"
"If i say it, i meant it."
"No, you can't! Dahil may sarili kang pamilya na naghihintay sa'yo, or shall I say, baka pinahanap ka na ng ama mo sa mga oras na 'to. Ano bang dahilan mo upang maglayas? Tumakas?"
"Naglayas ako hindi dahil suwail ako na anak, nagawa ko lang 'yon dahil sa ayaw kong magpakasal sa lalaking napipisil ng Daddy na maging asawa ko. I am not yet ready at mas lalong hindi ako ready na matali sa isang kasal na walang love na nag-uugnay. I never meet the guy yet."
"So iyan ang dahilan kaya ka naglayas?"
"Yes!"
"Paano kong pipilitin ka talagang makasal sa lalaking napipili ng ama mo, anong gagawin mo?"
"Hindi ako papayag! I still believe in love na kaya dapat magpakasal ang dalawang tao at hindi dahil sa arrange marriage na 'yon."
"Zyline, Daddy mo siya, wala kang magagawa pa do'n."
"Hindi nga ako papayag! Hindi!,"sigaw ng dalaga dahil sa inis.
"Hey, hey, please calm down."
"Sorry, nakakainis ka lang naman kasi. Tumatakas na nga ako sa amin upang hindi ako tuluyang matali, tapos uulit-ulitin mo pa?"
"I'm sorry, hindi na ako magsasalita pa,"sabi ni Niel at muling tumingin sa kalawakan.
"Matutulungan mo ba ako?,"maya-maya'y sabi ni Zyline.
"Tulong saan?"
"Act as my boyfriend at kunwari nagkaroon ako ng anak sa'yo, si Clyne 'yon at sabay nating haharapin si Dad."
"What?!,"halos lumuwa ang mga mata ni Niel dahil sa sinabi ni Zyline.
"I'm serious, tulungan mo naman ako, please?"
"No, I can't Zyline, sorry. Mahirap umakto sa harapan ng ibang tao na girlfriend kita kung alam ko sa sarili ko na hindi kita gusto."
"Ganoon ba?,"sambit ni Zyline at nasasaktan siya sa kanyang naririnig.
Siya masasaktan?
Para saan?
Hindi naman siya girlfriend ni Niel.
Yaya lang siya ng anak nito.
At kahit nalaman nito ang totoo niyang pagkatao, mananatili siyang Yaya sa paningin ng binata.
"Gusto ko, bukas na bukas ay bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Ayaw na kitang makita pa dahil ayaw kong mas mapalapit ka ng husto sa anak ko at masasaktan siyang lalo oras na aalis ka. Mabuti na 'yong maaga pa, eh alam ko na ang lahat."
"Ayaw kong umalis, hindi pa ako handa. Puwede bang dumito na muna ako pansamantala?"
"Hindi bahay-ampunan ang bahay ko para kupkupin kita at mas lalong hindi bahay-taguan itong bahay ko para dito ka magtago. Ayaw kong madamay sa gulo ng buhay mo. Makatulog ka na, at sana bukas pagising ko, wala kana rito sa hacienda."
"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Hayaan mo, aalis ako rito."
Pigil-pigil ni Zyline ang huwag umiyak sa harapan ni Niel. Ngunit bigo siya dahil tuluyang nalaglag ang mga luha niya.
"Walang utang na loob. Nakiusap ka sa akin para sa anak mo, samantalang hindi mo ako matutulungan?"
"Hindi tayo magkadugo, Zyline. At isa pa, mayaman ang pamilya mo. Ayaw kong magkagulo ang buhay ko dahil sayo. At ang kahilingan mo ay hindi madaling gawin. Hindi pa ako tuluyang naka-recover sa pagkawala ni Cleo kaya ayaw kong dagdagan ang mga iniisip ko."
"To act as my boyfriend lang naman ang gawin mo dahil ayaw ko ngang makasal sa lalaking napili ng Dad. Maybe kapag nakita niya at nalaman niyang may anak ako sa'yo, tayong dalawa pa ang ikakasal,"wala sa sariling sabi ni Zyline.
Desperada na siyang huwag makasal sa lalaking napipili ng kanyang ama.
"Zyline wake up! Hindi madali ang hinihiling mo! Buhay ng anak ko, guguluhin mo pa? Leave!"
Walang lingon-likod si Zyline habang nagtatakbo ito palayo kay Niel.
Naibato ni Niel ang bote ng beer na hawak-hawak niya dahil sa sobrang inis.
"KUYA, ano ba ang mga pinagsasabi mo laban kay Zyline?,"iritadong tanong ni Nova sa kapatid.
"Nagsumbong?"
"Hindi, pero nakita kong nagbabalot ng mga gamit."
"Mabuti na 'yong aalis siya, sinunggaling."
"Bakit mo naman nasabi 'yon? May nadiskubre ka ba sa pagkatao niya, Kuya Niel?"
"Oo, anak pala siya ni Don Ricardo dela Cruz, ka-business associate ko, a part-time model of La Senza and the sole heiress of Dela Cruz Group of Company."
"That's what I told you since then."
"Sinasabi mo ba sa akin 'yan dati? wala naman ah."
"Sabi kong tingnan mo 'yong magazine na dala-dala ko sa opisina mo nitong nakaraang araw, eh ayaw mong tingnan eh."
"Naglayas siya sa kanila dahil ayaw niyang makasal sa lalaking napipili ng ama niya para sa kanya."
"And?"
"She is asking my help, iyong sasabihin ko raw sa ama niya na may anak kaming dalawa at 'yon nga si Clyne, nang sa gano'n ay hindi na siya nito kukulitin pa tungkol sa arrange marriage na 'yon."
"And you are saying yes?,"excited na tanong ng dalaga.
"I am not losing my mind yet Nova."
"What the fuck! Kuya, you should say yes! Alam ko namang may gusto ka kay Zyline, ayaw mo lang aminin. I can see it in your eyes since the first day na nandito siya."
"You must be kidding."
"I am not! Halata naman eh. Tsaka ano bang mali kung papayag ka sa kahilingan niya?"
"Nova, hindi mo ako naintindihan. Magugulo ang buhay ni Clyne kapag papayag ako. Siyempre, maraming tanong na matatanggap ang bata dahil halos lahat ng tao ay nakakaalam kung kanino at sino ang nanay ng anak ko. I don't want to make things complicated."
"Tsk!"
"Hindi ko sinasabing intindihin mo ako, selfish na kung selfish."
"Haist! Bakit naman gano'n, sana pumayag ka nalang."
"Tuturuan mo pa akong makipagplastikan sa harap ng maraming tao? Nova, baka nakalimutan mo, ka-business associate ko ang tatay ni Zyline, sa tingin mo ba ay hindi maaapektuhan ang negosyo natin? Think a million times bago ka magdabog."
"Pero Kuya---"
"Shut your mouth up, will you?"
"Asar!"
"Makaasar ka kung gusto mo, I don't care the hell."
"Kapag hahanapin ni Clyne si Zyline, ikaw na ang bahalang sumagot sa anak mo."
"I can handle it Nova, so don't worry."
"Let us see kung hindi mag-iiyak ang anak mo. And I know, hahanap ka na naman ng panibagong Yaya."
"Ikaw nalang kaya ang mag-alaga ng anak ko, tutal, wala ka namang ginawang matino sa buhay mo, kaysa manlalaki ka lagi."
"Huh! Kuya naman eh."
Nag-angat ng kilay si Niel at tinalikuran niya ang kapatid.
"Mahal mo nga si Zyline ayaw mo lang aminin! Ano bang dahilan for holding your back, Kuya Niel?,"sigaw tanong ni Nova at namaywang.
Napalingon bigla si Niel at binalikan ang kapatid.
"Alam mo ikaw, ang sarap mong pilipitin sa leeg. Kanina ka pa ah! Ano bang dahilan at ipinagtulakan mo ako kay Zyline?"
"Because I like her for you."
"Sorry, she is not my type. Alam mo 'yong feeling na makikita siya lagi? Nakamamatay!"
"Sorry? Come again?! Ang makita ako ay nakamamatay? Wow, the feeling is mutual Mister Del Tierro,"sabat ni Zyline ng hindi nila namalayang nakalapit na pala ito sa kanila bit-bit ang bag.
"If I am not your type, mas lalong hindi kita type! Gwapo ka nga, pero hanggang doon ka lang sa paningin ko. And maybe to fall for you one day is a horrible thing happen to me. Aalis ako at nang hahaba pa ang buhay mo. Baka kasi mamatay ka lang diyan bigla."
"Then leave, dahil sa tuwing nakikita kita, unti-unti mo akong pinapatay."
"Anong relasyon, Kuya?,"si Nova.
"Aalis naman talaga ako, pero sana sa pag-alis ko, hinding-hindi ko na muling makikita pa ang pagmumukha mo, dahil kung nakakamatay ang hitsura ko, binabangungot naman ako sa napakasama mong ugali. Nagsisi ako kung ba't dito pa ako napadpad sa hacienda ninyo."
"Wow! Nagsisi ka na ngayon?"
"Talaga lang! And I am hoping na hinding-hindi na muling magku-krus pa ang mga landas natin. Nova, sorry sa mga nasabi ko, ang sama lang kasi ng ugali nitong kapatid mo, paano mo ba ito naging kapatid? Sayang at ikaw ang naging ama ni Clyne, irresponsible father ka."
"Ano?! Ulitin mo nga 'yang mga pinagsasabi mo?"
"You are an irresponsible father of Clyne."
"How dare you saying that to me,"sabi ni Niel at nagtatagis ang mga bagang nito at sinaklit ang braso ni Zyline.
"Hey Kuya Niel, ano ba,"awat ni Nova sa dalawa.
"You Miss Dela Cruz, you don't have any idea what sacrifices I've done for my sole daughter, so don't talk to me that way!"
"Aray, ang bisig ko, masakit! Bitawan mo nga ako."
"Kung hindi lang ako makukulong, kanina pa kita binalian ng mga bisig! Bitch!,"sabi ni Niel at pasalya nitong binitiwan ang dalaga.
Nagpupuyos sa galit si Niel habang nagmamadaling umalis.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted
HumorHACIENDA del TIERRO BOOK2 (I'm Inlove With A Nanny) By: Ms. Undaunted