I'm Inlove with A Nanny(HACIENDA del TIERRO BOOK2)By: Ms. UndauntedCHAPTER 7

9.7K 245 2
                                    

  "SINO 'yong kausap mo kanina, tol?,"tanong ni Chuck ng makapasok siya sa loob ng opisina ng kaibigan.

"Private detective."

"Bakit? May pina-iimbistigahan ka ba?"

"Oo."

"Sino?"

"Si Zyline."

"Zyline? Iyong yaya ng anak mo? Bakit tol, nagnakaw ba?"

"Hindi naman, may kakaiba lang talaga sa kanya na gusto kong tuklasin."

"Wow hanep, interesado ka talagang malaman ang totoong pagkatao ng yaya ng anak mo? Anong itawag natin diyan tol, lihim na pagtingin?"

"Tarantado ka talaga, Chuck."

"Hindi ka naman ganyan dati sa mga naging yaya ng anak mo, ah."

"Kasi nga walang kakaiba sa mga dating yaya ng anak ko."

"Paano mong nasabing walang kakaiba? Kasi hindi sila ganoon kaganda na kagaya ni Zyline?"

"Iwan ko sa'yo, alam mo minsan tol, kulang ka sa hulog."

"Ikaw naman, na-inlove ng wala sa oras. Ano nga ba ang apelyido ng Zyline na 'yon? Kasi tol, alam mo, may iniidolong modelo ang girlfriend kong si Asha dati."

"Zyline dela Cruz,"saad ni Niel.

"Zyline dela Cruz as in Zyline dela Cruz, the only heiress of Dela Cruz Company and the only daughter of Ricardo dela Cruz?"

"How did you know that, tol?"

"Tol, minsan kasi magbasa ka naman ng pahayagan. Nalagay kaya yan dati sa front cover ang larawan ng mag-ama at kay ganda niyang si Zyline. Patingin nga ng larawan ng yaya ng anak mo,"sabi ni Chuck.

"Wala akong larawan sa kanya, pero baka kapangalan lang."

"Anong kapangalan, kaya pati apilyido, kapareho? Part-time model yang anak ni Don Ricardo dela Cruz at siya ang iniidolo ni Mathesa. La Senza! If I just can see her picture, I can tell kung sino talaga siya tol."

"You can come with me sa bahay para makita mo siya."

"Ngayon na?"

"Why not kung okay lang sa'yo.

"Wow tol, bigatin ka talaga pagdating kay Zyline, bahala na si trabaho."

"Siraulo ka palang kausap eh. Hayop,"pabirong pagmumura ni Niel sa kaibigan.

"Okay let's go,"sabi ni Chuck at agad nitong kinuha ang susi ng sasakyan ni Niel.

Samantala

Naglalaro ng badminton sina Zyline at Clyne sa may hardin.

Tuwang-tuwa ang bata dahil sa ginagawa nila.

"Clyne, enough na. Baka mabinat ka pa, alam mo namang kagagaling mo lang sa lagnat mo."

"Mom, isa pa po. Last nalang talaga, promise,"sabi ng bata na nakatawa parin.

"Ito na 'yong merienda ninyong dalawa, hali na at magmerienda,"yaya ni Nanang Sima.

"Nanang, saglit lang po talaga."

"Masamang pinaghihintay ang grasya, anak."

"Ay sige po, magmerienda na po,"sabi ng bata at agad itong lumapit kay Zyline at hinila ang dalaga.

Habang nagmemerienda ay panay ang daldal ng bata.

Iniwanan na lang sila kay Nanang Sima at may gagawin pa raw ito.

"Mom, diba you know Tita Charie?"

Tumangon si Zyline.

"What about her?"

"I don't like her, she is bad."

"Why? Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Kasi lagi po niya akong kinukurot, kasi po ang kukulit ko raw,"nag-pout na sabi ng bata.

"Hindi ka naman makulit, at saka bata ka, hindi ka sana niya kinukurot. Alam ba ito ng Daddy mo?"

"Hindi po, kasi sabi ni Tita Charie, kukurutin niya po ako lagi kapag nagsusumbong ako kay Dad."

"Aba, impakta pala ang babaeng 'yon?"

"Mom, what is impakta po?"

"Iyong may sungay sa noo, saka malaki ang mata,"sabi ni Zyline at pinigilan lang ang huwag matawa.

"Po?"

"Princess!,"tawag ni Niel at ang lawak ng ngiti nito ng masilayan ang dalawa.

"Daddy! Tito Chuck!,"sigaw ng bata at namilog ang mga matang nakatingin sa dalawang papalapit.

Si Chuck naman ay naagaw ang pansin niya sa babaeng katabi ni Clyne.

"Zyline dela Cruz?,"anas niya.

"Hi,"bati ni Zyline sa dalawa.

"Zy, ito nga pala ang babaero kong kaibigan, si Chuck, Chuck tol, ito si Zyline, yaya ni Clyne,"sabi ni Niel at kinarga ang anak.

"Ah, hi Zyline, kamusta? Tama nga pala ang best buddy ko, sobrang ganda mo pala,"sabi ni Chuck at nakipag-shake hands kay Zyline.

"Okay lang, salamat,"keyimeng sabi ni Zyline.

Matagal bago binitiwan ni Chuck ang kamay ng dalaga dahilan upang mapatikhim si Niel.

"Tol, bitawan mo na 'yang kamay ni Zyline, baka nakalimutan mong Mathesa kana."

"Sira! Sapakin kita diyan. Faithful ako kay Mathesa ko, sadyang nagagandahan lang ako sa yaya ng anak mo, di na ako magtataka tol."

"Umayos ka, tara sa loob ng bahay."

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng bahay at si Clyne ay panay naman ang tawa.

"TOL, walang duda. Iyong yaya ng anak mo at ang Zyline dela Cruz na anak ni Don Ricardo dela Cruz na ka-business associate mo ay iisa. A part-time model of La Senza na labis na hinahangaan ng girlfriend kong si Mathesa. You should see her in magazines tol. Ang gaganda niya!"

"What? Sigurado ka ba?"

"Oo tol, hindi ako nagbibiro sa'yo. Siya at si Zyline na anak ni Don Ricardo ay iisa lang."

"Anong dahilan niya para magpunta rito sa probinsiya at pumasok bilang yaya?"

"That I don't know, bakit hindi mo sa kanya itanong?"

"Naunahan ako ng hiya."

"May hiya ka pala tol."

"Sikmuraan kaya kita diyan."

"Huwag naman, kawawa si ako."

"Siraulo ka eh."

Tawa nang tawa si Chuck habang nakatingin kay Niel.

"Tol, she is drop dead beautiful."

"I know."

"Ayan inaamin mo ring nagagandahan sa kanya."

"Oo naman."

"Plano natin."

"Anong plano?"

"Ligawan mo kaya tol."

"Ayaw ko."

"Bakit?"

"Wala lang. Baka may asawa na 'yon o boyfriend, mahulog pa na mang-aagaw ako. Kaya siguro tumakas 'yan sa kanila ay baka inaabuso."

"Tanungin mo kasi."

"Huwag na, may private detective naman."

"Iyan oh, kumikilos talaga ng palihim. Ligawan mo agad tol kapag oras na malaman mong single pa siya. Sayang eh, nag-uumapaw ang kagandahan."

"Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Ang dami mong kuwento eh."

"Oo na, oo na."

Napayuko si Niel at hinimas-himas niya ang kanyang ulo.

Sumasakit ang ulo niya dahil sa mga pinagsasabi ni Chuck.

Naging palaisipan sa kanya kung ano ba talaga ang totoong dahilan ni Zyline para pumasok itong Yaya.

Hanggang sa makapagdesisyon siyang umuwi nalang sa bahay.

Balak niyang tanungin si Zyline tungkol sa pagkatao nito.

Habang nagbiyahe siya pauwi ay tinawagan niya ang kanyang Kuya Nathaniel at sinasabi niya rito ang nagpapagulo sa isipan niya.

"And finally, mukhang nain-love kana uli bro,"nakatawang sabi nito ng matapos marinig ang mga sinasabi ng nakababatang kapatid.

"Kuya, I'm not inlove."

"Niel, diyan na rin papunta ang lahat. Sooner or later, ma-realize mo nalang na tama ako and there's nothing wrong to fall in love again. Its the right time Niel."

"Kuya, hindi nga ako inlove, ikaw naman."

"Parang hindi kita kilala ah, inlove ka nga siguro, hindi mo lang alam."

"Iwan ko Kuya."

"Masaya ako para sa'yo. Gawin mo kung ano ang makabubuti sa'yo at sa pamangkin kong si Clyne. Anyway, best regards from Fresha."

"Thanks Kuya, pakikamusta mo nalang ako sa kanya at sa mga pamangkin ko."

"Sure, oh paano ba, usap nalang tayo mamaya?"

"Sige."

Naguguluhan si Niel sa nararamdaman niya para kay Zyline.

Hindi niya kayang pangalanan ang nararamdaman niya para rito.

Oo, masaya siya kapag nakikita ang dalaga.

Natutuwa siya na mahal nito ang kanyang anak.

Pero may patutunguhan kaya ang lahat?

Matatanggap naman kaya nito ang kanyang anak ng buong-buo kung sakali man?

Naisip pa niya dati ng sabihin ng dalaga na dalaga siya at ayaw nitong magkaroon ng instant child.

So ibig sabihin, ayaw niya sa lalaking may anak na.

Nalulungkot siya sa isiping 'yon.

Itutuloy......  


HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon