"I WANT NANNY MOMMY, i want Nanny Mommy, Dad,"sabi ni Clyne at nagpapadyak ito habang umiiyak.
"Princes, please listen to me okay? Nanny Zyline is gone, umalis na siya, bumalik na siya ng Maynila."
"I want her po, I want her,"patuloy sa pag-iyak ang bata habang gumulong-gulong ito sa kama.
"Princess, please stop crying, or i'll gonna spank you!,"banta ni Niel dito.
Naiirita na siya dahil sa tinis ng tinig ng kanyang anak.
Kanina pa ito umiiyak at idagdag pa si Chuck na kanina pa ito tawag nang tawag sa kanya at may client daw siya at gusto siya nitong kausapin.
Pero heto siya, pinapatahan ang anak na kanina pa nag-uumiyak.
Sa halip na tumigil ang bata sa pag-iyak ay mas lalo pa nitong nilakasan ang boses.
Nagsisigaw sa pangalan ng Nanny Zyline nito.
Kulang nalang matulig ang tainga ni Niel.
Kung hindi lang niya ito anak, malamang kanina pa niya ito tinakpan ng unan sa bibig at ng tumigil sa kangangawa.
"Kuya, what's wrong with Clyne ba? Abot sa baba ang boses niyan eh."
"She wants her Nanny Zyline."
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Kasi naman ikaw, siraulo! Patahanin mong mag-isa 'yang anak mo."
"Shut up! Nakakasakit ka ng ulo ko. Please do me a favour."
"Ano naman 'yan?"
"Please bring Clyne to Manila at puntahan n'yo si Zyline sa bahay niya. Here's the address,"sabi ni Niel sabay abot ng maliit na papel kay Nova.
"Paano mo nalaman ang address niya? Eh baka hindi totoo ang nakasaad dito, Kuya."
"101 % percent na 'yan ang address niya, andiyan siya nakatira kasama ang ama niya."
Tiningnan ni Nova ang hawak niyang papel.
"Bel Air Village Makati, City?"
"Yeah, dalhin mo roon si Clyne at nang tatahan 'yan. Susunod ako sa inyo sa weekend."
"Paano kung hindi tatahan?"
"Tatahan 'yan dahil gusto niya lang makita ang Nanny niya."
"Oh sige,"sabi nalang ni Nova at nagpunta ng kusina upang hanapin si Nanang Sima.
Nahilot ni Niel ang ulo niya habang nakatingin sa nakatulog niyang anak.
Malamang napagod ito sa kaiiyak at nakatulog.
Kawawa naman ang anak niya.
Peroa anong magagawa niya?
Zyline can't be with them forever kaya mas mabuti na 'yong habang maaga pa ay masanay ang anak niya na wala ito.
Hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak at hinalikan ito sa noo.
"I'm sorry anak, I am so sorry. As when you wake up, pangako, dadalhin ka ng Auntie Nova mo sa Nanny Zyline."
"Kuya? Naka-ready na ho ang mga gamit ko. Aayusin na rin daw ni Nanang Sima ang mga gamit ng bata,"bungad na sabi ni Nova sa kapatid.
"Nov, ikaw na ang bahala sa anak ko ha? Heto nga pala 'yong susi sa condo."
"Kuya naman oo, efic fail 'yang drama mo riyan, akin na nga 'yong susi."
"Rockwell, right?"---Nova.
Tumango si Niel at kinuha nito ang mga damit ni Clyne mula sa loob ng cabinet.
"Papasukin mo na rito si Nanang at nang maayos na niya ang mga gamit na dadalhin ni Clyne."
BINABASA MO ANG
HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted
ComédieHACIENDA del TIERRO BOOK2 (I'm Inlove With A Nanny) By: Ms. Undaunted