I'm Inlove With A Nanny(HACIENDA del TIERRO BOOK2)By: Ms. Undaunted

11K 274 7
                                    

  CHAPTER 3

"STARING is rude, Kuya Niel,"sabi ni Nova sabay sundot sa tagiliran ng kanyang kapatid.

"Ano ba,"napaiktad na sabi ng binata sabay tingin sa kapatid.

"Staring is rude, sabi ko."

"Staring is rude? Paano naging rude, eh anak ko 'yong tinitingnan ko."

"Aminin! Eh halata namang si Zyline ang tinitingnan mo diyan, kakaila ka pa."

"I'm not staring at her, si Clyne ang tinitingnan ko."

"Speaking of Clyne, parang aliw na aliw siya sa bago niyang Yaya di ba, Kuya? Saka may napansin ako kay Zyline, ikaw Kuya, gano'n din?"

"Masungit siya na Nanny, buti nalang hindi niya sinasaktan si Clyne."

"Hindi naman masungit si Zyline, eh. Porke ba nagkasagutan kayong dalawa, eh masungit na siya? Hindi ba puwedeng sabihin na she is just defending herself? Eh kasi naman, kung makapagsalita ka, akala mo hindi na siya tao."

"I don't like her, but as you can see, Clyne's started to liked her, so i will allow her to stay."

"I like her for you, Kuya Niel, kidding aside."

"What?! You must be aint serious, right?"

"You're crazy, Kuya."

"You as well."

"Hindi! Ikaw lang! Palitan mo na kasi si Ate Cleo diyan sa puso mo, and Zyline is the perfect girl for you Kuya, and not those Charie na laging nakatikwas ang kilay, uso lang?"

"I don't like anyone but Cleo. You know naman na i am not capable of loving someone, dahil si Cleo lang ang mahal ko."

"A bloody lie!"

"Anong sabi mo?"

"You are a bloody liar, bakit hindi mo narinig?,"nakatawang sabi ni Nova at bahagyang lumayo sa kapatid.

"How could you say that? So you mean, na hindi ko totoong mahal si Cleo?"

"Ikaw ang may sabi niyan Kuya, at saka napansin ko lang, iba ka kung makatitig kay Zyline, pero I'm sure naman na hindi ka niya type,"nang-iinis na sabi ni Nova.

"Hah! Baliw ka pala eh."

"Mas baliw at sinunggaling ka."

Inumangan ng suntok ni Niel ang kapatid at nagtatakbo naman palayo si Nova at nagsisigaw na inlove raw siya.

"Ako inlove? At sa yaya pa ng anak ko? No way!,"bulalas niya at binigyan ng huling sulyap ang dalawa na masayang naglalaro sa may hardin.

"PROBLEMA mo?!,"tanong ni Zyline kay Niel ng mapansin niyang nakatingin ito sa kanyang damit at tsinelas.

"Victoria's Secret na blusa at nine west footwear?,"nakaarko ang kilay nitong tanong.

"Bakit? Anong mayroon sa brand na 'yan? Huwag kang mag-alala, local lang 'to."

"Tsk,"sabi ni Niel sabay talikod.

Zyline is lifted her eyebrow habang nakatingin sa nakatalikod na binata.

"Napansin kaya nilang puro signatured ang mga gamit ko?,"tanong niya sa kanyang sarili.

"SHE is really something,"sabi ni Niel sa kanyang personal assistant slash best buddy na si Chuck.

"Bakit? Dahil ba'y ginugulo niya ang isipan mo?,"pabiro nitong tanong.

Binato ito ni Niel ng isang parker pen at sinalo naman ito ni Chuck na tawa nang tawa.

HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon