PALABAS si Zyline sa opisina ni Niel nang makasalubong niya ang isang babae.
Napakurap-kurap siya.
Naisip niyang baka ito ang asawa no'ng lalaking nag-hired sa kanya bilang nanny.
Napangiti ang babae habang nakatingin kay Zyline at mas lalong gumaganda ang babae.
Ang matangos nitong ilong at ang mamula-mulang kulay ng balat sa pisngi at braso.
Ang malalantik nitong mga pilik-mata.
At ang mas nakakaagaw ng pansin nito ay ang dimples nitong nasa magkabilang pisngi na kay lalim.
"Hi, who are you?,"tanong nito kay Zyline.
"I'm Zyline dela Cruz."
"Wow, nice name! Applicant?"
Tumango ang dalaga sabay yuko.
"I'm Nova del Tierro,"sabi nito sabay lahad sa palad kay Zyline na nakangiti pa rin.
Kiyimeng tinanggap kay Zyline ang palad nito upang makadaupang-palad ang babaeng si Nova.
"Does anyone told you that you are so beautiful? Yeah, beautiful like me,"pabiro nitong sabi.
Napangiti si Zyline at biglang naglaho ang kabang nadarama kani-kanina lang.
"Eh, ah, ikaw ho 'yong ina ng batang aalagaan ko?,"lakas-loob na tanong ni Zyline kay Nova.
Napahagikhik si Nova dahil sa narinig niya.
"I am just the aunt, but not a mom for Clyne. Come with me, sa balcony tayo mag-uusap,"sabi nito sabay hila sa braso ng dalaga na akala mo'y matagal na silang magkakakilala.
"Wait, 'yong mga gamit ko pala."
"Mang Tomas and Nanang Sima can take care of it, hali ka na,"sabi pa nito at sapilitang hinihila ni Nova ang kamay ni Zyline.
Walang nagawa si Zyline kundi ang sumama kay Nova papuntang balcony ng bahay.
Aminado si Zyline habang napatingin siya sa kanilang dinadaraanan na sobrang yaman ang pamilyang Del Tierro.
Kung mayaman sila, triple pa siguro ang kayamanan ng mga ito kumpara sa kanila.
Hindi alam ni Zyline kung paano magkakarinigan ang mga tao sa loob ng bahay. Sobrang laki kasi nito at parang aalog-alog ang mga nakatira dahil sa sobrang laki nga ng bahay.
Narinig niyang may kinausap si Nova sa telepono nito.
Maya-maya pa'y binalingan siya ni Nova na may ngiti parin sa labi.
"Diba naitanong mo kanina kung ako ba 'yong ina ng batang aalagaan mo? Eh diba sabi ko rin, auntie lang ako no'ng bata, which is totoo naman. Ganito kasi 'yon, ulila sa ina ang pamangkin ko, bale namatay 'yong nanay ng bata pagkasilang palang niya. Kaya 'yon, walang nanay 'yong pamangkin ko."
Napakunot-noo si Zyline habang nakatingin kay Nova.
"Ibig mong sa---"
"Ibig kong sabihin, binata si Kuya Niel ko, 'yong ama ng bata."
"Ah--eh,"walang maapuhap na sasabihin si Zyline habang nakatingin sa kapatid ng nasabing Niel.
"Gwapo ang Kuya Niel diba? Kaso, masungit 'yon, sana makayanan mo ang ugali niya. Alam mo, siguro pang labindaang nanny kana sa pamangkin ko. At baka nagtaka ka kung saan sila napunta? Well, umalis lang naman sila dahil hindi nila nakayanan ang pagiging masungit at strikto ng Kuya ko."
"Pero huwag kang matakot, this time, gagawin ko ang lahat, hindi ka lang mapaalis sa pamamahay na ito, because my senses saying na baka ikaw na ang babaeng papalit kay Ate Cleo sa puso ng Kuya."
"Ho?,"gulat na sabi ni Zyline at halos malag-lag pa siya sa kanyang kinauupuang silya.
"Basta! Promise me na kakayanin mo ang ugali ng Kuya Niel ko, when it comes to my niece Clyne, wala kang dapat poproblemahin sa kanya, sobrang napakabait na bata no'n."
"Teka lang, saglit, ano nga 'yong sinasabi mo? Papalit ng Ate Cleo sa puso ng Kuya mo? What do you mean?"
"Mismo! Alam ko, ramdam ko na may magbago sa pagdating mo rito sa bahay namin."
Napakunot noo si Zyline dahil sa sinabi ni Nova sa kanya.
Ano bang alam niya sa buhay ng Kuya Niel nito.
"AKALA ko ba'y nakabalik ka na ng Australia,"si Niel sabay hila ng isang upuan.
Nagkibit-balikat lang si Nova at hindi tinapunan ng tingin ang kapatid.
"How's Aaron?"
Nagkagitla ang noo ni Nova at salubong ang mga kilay habang tinitingnan ng masama ang kapatid.
"That brute?! And you are asking me if how is he? Aba malay ko sa kanya, Kuya."
Si Niel naman ang nagkibit-balikat habang nakatingin sa kapatid.
Nang mula sa itaas ng hagdan ay pababa sina Clyne at Zyline.
Bit-bit ni Clyne ang Dora the Explorer nitong stuff toy habang inalalayan ito ni Zyline.
"Daddy!,"masayang sigaw ni Clyne at nagmamadali itong bumaba ng hagdan.
Natutuwa ang bata dahil bihirang-bihira lang na maabutan nito ang ama sa hapag-kainan.
"Baby please careful! Dahan-dahan lang, hindi pa naman aalis si Daddy eh,"sabi ni Niel na nakangiti.
"Aba himala at mukhang hindi ka 'ata nagmamadali ngayon, Kuya."
"Walang masyadong importanteng gawain sa opisina, kaya I am not in a hurry today."
Napatikhim si Nova at parang may naglalarong kalokohan sa isipan nito.
Napatingin siya sa kanyang Kuya Niel.
Hindi naman ito nakatingin sa anak, kundi sa nanny nito.
Eye catcher din naman ang nanny na nakuha nila.
Maganda, matangkad, maputi at halatang galing sa may kayang pamilya.
Pero naisip ni Nova na ano kaya ang dahilan nito para mag-apply as a nanny kung may kaya naman sa buhay.
Pero sabi nila, may mga tao na kung titingnan mo ay parang may kaya, pero ordinaryo lang din naman ang pamumuhay nito.
Depende na daw 'yon sa beholder kung paano niya dalhin ang kanyang sarili.
"Daddy,"sabi ni Clyne sabay nanakbo papunta sa ama at nagpakandong agad ito kay Niel.
"Ang bigat-bigat na man ng princess ko,"sabi ni Niel at hinalikan sa pisngi ang anak.
Napangiti si Nova habang nakatingin sa mag-ama, samantalang si Zyline naman ay nakatayo lang di-kalayuan sa kanilang tatlo.
"How's your day with your Nanny, princess?"
"Nanny Mommy is so good, ang bait-bait niya po sa akin Dad. She is not like Tita Charie na laging nangungurot sa akin kapag nagpupunta siya rito,"naka-pout na sabi ni Clyne.
Napakunot-noo ang magkapatid at sabay na nagkatinginan.
"Nanny Mommy and Tita Charie is always nipping you, when she's here around?,"gagad ni Niel sabay tingin kay Zyline.
Expressionless ang mukha ni Zyline dahil pati rin siya ay nagulat sa tawag ng kanyang alaga sa kanya.
Tatlong araw pa naman simula ng maging Nanny siya ng bata at aminado siyang napaka-bibo nito. Sobrang tuwid ang dila kung magsalita na akala mo'y matanda na kung magsalita gayung apat na taon lang naman ito. Mukhang matalino, may pinagmanahan yata.
"Yes Dad! Nanny Mommy because I want her as my Mommy, pareho kasi kaming pretty at ang bait nga niya po. Di ba Nanny Mommy? Payag ho kayong maging Mommy ko?,"tanong ni Clyne sabay tingin kay Zyline.
Napalunok ng sunod-sunod ang dalaga at mukhang naumid ang kanyang dila.
"Sus maryosep, saan ba nito nakuha ng batang ito ang mga sinasabi ngayon lang,"sa loob-loob ni Zyline at pinilit na kino-compose ang sarili sa harapan ng magkapatid.
Si Nova napangiti samantalang si Niel ay sobrang magkadikit ang kilay at halatang hindi nagustuhan ang mga naririnig nito mula sa anak.
"Nov, please take Clyne into your room, may pag-uusapan lang kami ng Nanny niya, importante,"sabi ni Niel sabay tingin sa anak.
"Pero Dad, hindi pa ho ako nakakain ng breakfast,"reklamo ng bata sabay padyak.
"In a minute princess, kakain din tayo ng breakfast at kasabay mo si Daddy, pero in the meantime, sumama kana muna sa Auntie Nova mo dahil may pag-uusapan lang kami ng Nanny Mo--- yes, Nanny Mommy mo."
Namilog ang mga mata ng bata at nagpakandong ito kay Nova.
"Yeheey! Pumayag na si Daddy!,"natutuwa nitong sigaw.
Napailing si Niel ng mapalayo na sa kanila ang dalawa, pero si Nova ay tinapunan siya ng nagwa-warning look na huwag saktan o sigawan si Zyline.
"Ikaw, have a seat,"sabi ni Niel sabay turo sa upuan na medyo malayo sa kinauupuan nito.
Dagli namang napaupo si Zyline at nakayuko sabay kagat ng kanyang labi.
"Patay na talaga ako nito, promise, I swear to God, hope to die, wala akong sinabi sa bata na tawagin niya akong Nanny Mommy,"sa loob-loob niya.
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong turuan mo ng kung anu-ano ang anak ko dahil in the first place ay hindi kana man niya tutor, para gawin mo 'yon, pangalawa, hindi ko binalak na gawing Nanay ka ng anak ko, Nanny lang ang papel mo sa buhay ni Clyne, and you will always be like that, hindi porke't gusto ka ng anak ko'y gusto na rin kita, so don't flatter yourself, naintindihan mo ba ako?"
Napaangat ang kaliwang kilay ni Zyline at napatayo siya ng biglaan.
Pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay 'yong pagsalitaan siya ng masasakit na akala mo'y itong taong ito ang naglaan ng buhay, masilayan lang niya ang mundo at nag-alaga sa kanya hanggang sa lumaki siya.
"Sorry Sir del Tierro? Ano nga ho 'yong sinasabi n'yo, kamakailan lang? Don't flatter myself? Aba Sir, excuse me ho ulit, pero I won't never ever flatter myself dahil lang sa nagustuhan akong maging nanay ng inaalagaan ko. Besides, dalaga ako ano! Ayaw ko namang magkaroon ng instant child hello? Sorry, for my harsh word, but you are pushing me to the limit Sir. Nanny lang ako, oo nanny nga lang naman, pero it doesnt mean na puwede mo na akong pagsalitaan ng ganyan. One more thing Sir, wala akong itinuro ng kung anu-ano man sa anak mo. Pinapatulog ko lang 'yan, pinapakain at inaalagaan habang wala ho kayo rito."
Iyon lang ang sinabi ng dalaga at tuluyan na niyang tinalikuran ang binata.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted
HumorHACIENDA del TIERRO BOOK2 (I'm Inlove With A Nanny) By: Ms. Undaunted