"A WONDER of nature, Yaya marunong mag-drive?,"nagugulat na sabi ni Niel habang karga-karga nito ang natutulog na anak.
Napagod siguro sa pamamasyal kaya ayon, nakatulog ng mahimbing.
"Akin na 'yong susi, kaysa magulat ka pa riyan, nakapag-aral naman ako ng driving, vocational course,"sabi ni Zyline sa binata.
"Sigurado ka ba? Baka mamaya eh mabangga pa tayo."
"Trust me, marunong akong mag-drive,"nakangiting sabi ni Zyline kay Niel.
"Akin na 'yong susi, saan ba?"
"Sa loob ng pocket ko, right side, pakikuha nalang,"sabi ni Niel at ngumiti rin pabalik.
"What?!"
"Pakikuha nalang, hindi ko kaya dahil karga ko ang anak ko."
"Okay, pero huwag kang gagalaw ha? Right side diba?"
"Yeah,"sabi ni Niel at pinigilan ang huwag bumunghalit ng tawa.
Kahit kinabahan si Zyline na baka iba ang makapa niya, pero ginawa pa rin niya. Wala siyang choice, dahil nga mabigat ang bata at baka mangangalay lang daw siya, so nagpresinta ang ama nito na ito nalang ang magkakarga sa sariling anak.
After 100 years ay nakuha rin ni Zyline ang susi sa loob ng pocket ni Niel na hindi nadunggol ang private part nito....lol...
"Okay, pasok na,"sabi ni Zyline at agad nitong pinagbuksan ang binata upang makapasok sa loob ng kotse.
Pagkatapos makaupo ng maayos ni Niel ay agad siyang lumingid sa kabilang pinto at umupo sa driver's seat.
In-insert niya ang susi sa start engine sabay sulyap kay Niel.
She mouthed a trust-me-look sa binata.
Tumango lang ang binata kahit halatang kinabahan ito.
Ilang segundo ang nakalipas ay binaybay na nila ang kalsada pabalik sa hacienda.
Maayos naman ang kanilang takbo, hindi rin kaskasera ang dalaga habang nagmamaneho.
Lihim lang na nagmamasid si Niel sa dalaga.
Tingin niya ay sanay itong magmaneho.
Naitanong tuloy niya sa kanyang sarili kong sino at ano ba talaga si Zyline.
Mula sa mga kasuotan nitong hindi pangkaraniwang tao lang ang nagsusuot.
Marunong magmaneho ng sasakyan which is so rare lang para sa isang Yaya.
Marunong magdala sa sarili.
Maganda.
Mabait.
Mukhang modelo kung maglakad at laging may self composure.
"Staring is rude,"mahinang sabi ng dalaga.
Sapat na upang marinig ito kay Niel.
"Are you hiding something about yourself? Bakit may pakiramdam ako na you are not just an ordinary girl."
"Iyan ba ang epekto ng pagiging unsatisfied mo kay Charie? Nababaliw?,"pabirong sabi ni Zyline.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Zyline."
"Me either."
"Are you related to Ricardo dela Cruz?"
Sa narinig ay biglang nag-brake ang dalaga. Naapakan niyang bigla ang preno dahil sa sobrang pagkagulat.
Kung mamalasin nga naman oo.
Pangalan pa ng ama niya ang binanggit nito.
Kay liit nga naman ng mundo para sa kanilang mag-ama.
BINABASA MO ANG
HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. Undaunted
HumorHACIENDA del TIERRO BOOK2 (I'm Inlove With A Nanny) By: Ms. Undaunted