Chapter 1

11 0 0
                                    

Chapter 1

Luke, Trey and Neon's photo

---------------------

Kate's POV

Kanina pa ko nakatayo dito sa labas ng gate ng bago kong school. Inaantay ko si Luke dahil sabi niya sabay kaming papasok pero hanggang ngayon wala pa din siya. malapit na tumunog yung bell na hudyat na magsisimula na ang klase.

"Lagot ka talaga sakin pag dating mo" kausap ko sa sarili ko habang tinitignan ang relo ko. 10 minutes na lang bago tumunog yung bell.

"Kate!" tinignan ko yung tumawag sakin at ayun si Luke na pawis na pawis at nagmamadaling tumatakbo papunta sakin. "tara na"

Sesermonan ko pa lang sana siya pero hinila niya na agad ako papasok.

Panay tingin nung mga estudyanteng nadadaanan namin sakanya kaya pagkahintong pagkahinto niya sa tapat ng classroom namen hinampas ko agad siya sa braso niya.

"Aray!" reklamo niya sabay himas dun sa brasong hinampas ko

"siraulo ka talaga. bakit ang tagal mo? tapos bigla mo ko kakaladkarin"

"hehehe tinanghali kasi ko ng gising. sorry na katyyyy" ngumuso pa ang walangya.

inirapan ko na lang siya at pumasok na sa classroom. uupo na sana ko sa bandang gitna pero hinila ko ng bakulaw na Luke na to sa may bandang likuran.

mag seseven na pero ngayon pa lang nag dadatingan yung ibang kaklase namen. ang iingay pa nila at parang parepareho lang yung pinag uusapan dahil parehong mga pangalan ang naririnig ko.

"grabe girl. napansin mo bang parang lalong gumwapo si Luke. tignan mo oh. Ihhhhh" Girl 1 na nagpipigil ng tili.

tinignan ko si Luke at mukang wala siyang pakealam dahil busy siya sa paglalaro ng clash of clan sa cellphone niya

"oo nga girl. pati si Trey at Neon nakita ko sila kanina. makalaglag panty. Ihhhhh" napangiwi na lang ako sa reaksyon nung dalawang kaklase ko na nag uusap

Nung una hindi ako naniniwala sa mga kayabangan na pinag sasasabi ng Luke na to na pantasya daw siya ng mga kababaihan sa school nila pero ngayon mukang hindi nga nagbibiro ang loko.

"hoy!" kinalabit ko ng malakas si Luke kaya inis siyang tumingin sakin haha "anong gayuma pinainom mo sa mga babae dito?"

"hoy grabe ka kate ha! wala kong pinainom sakanila. sadyang di lang nila ma-resist ang charm ko" sabay kindat niya sakin kaya tinignan ko siya ng nandidiri "ah ganon"

hinatak niya ko bigla tapos isiniksik niya yung muka ko sa kili kili niya.

"ah bwisit ka Luke! bitawan mo ko" kinukurot kurot ko pa siya sa tagiliran niya para lang bitawan niya ko.

Binitawan niya lang ako nung narinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

"Trey magpatawag ka ng nurse. Nilalagnat si Luke naunahan niya si ma'am sa pagpasok" exagge na sabi nung lalaki na palapit samin.

"Classmates magpapa-pizza daw si Neon dahil maagang pumasok si Luke" sigaw naman nung isang kasama niya sa mga kaklase namen.

Titig na titig yung mga kaklase kong babae dun sa dalawang bagong dating. mukang sila yung kanina pa pinag uusapan ng mga kaklase kong babae base dun sa mga tingin nila at itsura nung dalawang bagong dating. okay sige mga gwapo nga sila.

"mga siraulo. sinabayan ko kasi tong si Kate baka maligaw" sabay turo ni Luke sakin.

"ah ikaw pala si kate. mas maganda ka pala sa personal" awkward kong tinawanan yung sinabi nung kaibigan ni Luke.

"Kate eto nga pala si Neon." pagpapakilala ni Luke dun sa lalaking pumuri sakin. mas maliit siya ng konti kay Luke pero halatang mas malaki katawan niya kesa kay Luke. Sakanilang tatlo mukang siya ang pinaka-matino

"Neon Perez at your service" sabi nung Neon tapos nag salute pa siya.

"eto naman si Trey" inakbayan ni Luke yung Trey. siya pinakamatangkad at halatang meron din siyang ehem muscles na tinatago sa katawan dahil bumabakat sa suot niyang fitted na uniform.

hindi na ko magtataka kung bakit sila magkakasundo. pareparehas silang makukulit at madadaldal. dinaig pa nila babae sa kadaldalan puro kahanginan naman lumalabas sa bibig nila. haynako

maya maya pa dumating na yung teacher namen at oo late siya ng 20 mins. katabi ko sa kabilang side si Luke tapos sa kabila naman si Trey tapos katabi ni Trey si Neon.

Sinabi ko kay Luke na magpalit na lang kami ng pwesto para hindi siya mahirapan sa pakikipag usap sakanila pero ayaw niya dahil gusto niya daw sa tabi ng bintana kaya heto ako naiipit sa gitna ng tatlong madadaldal na lalake

hindi pa man nakakapagsimula sa pag sasalita yung teacher namin ay may kumatok na sa pintuan ng classroom

"yes miss? do you belong in this class?" tanong ni ma'am dun sa tao sa labas.

"y-yes ma'am. sorry i'm late." pumasok yung babae at tinuro ni ma'am na dun na siya maupo sa tabi ni Neon since kami yung nasa pinakadulong row at wala ng ibang upuan kundi dun.

"transferee din siya?" tanong ko kay Luke dahil mukang wala din siyang kaibigan o kakilala man lang.

"si yna? hindi siya transferee. matagal na yan nag aaral dito." sagot ni Luke sakin "wala lang lumalapit sakanya at gusto makipag kaibigan dahil masyado siyang simple."

ano!!? masyadong simple? anong klaseng dahilan yon? kung titignan mo yung mga babaeng nag aaral dito masyado silang kikay at puro naka-make up. para silang hindi mag aaral at pupunta lang sa school para rumampa. nag aayos din ako sa sarili ko pero hindi ako katulad nila na gumagamit pa ng make-up eh sa school lang naman punta.

pagka-dismiss na pagka-dismiss agad ako tumayo at lumapit kay Yna.

"Hi" naka-ngiti kong bati sakanya. mukang nagulat siya sa paglapit ko dahil hindi agad siya nakapag-react

"h-hi" nag aalangan niyang sagot sakin. yung tatlo naka-tingin lang samin dalawa

"ako nga pala si kate.ikaw si Yna diba?" tunango tango lang siya sakin. "may kasabay ka mag lunch? tara sabay tayo." nakangiti ko pa din na bati sakanya

"a-ako?" tumingin tingin pa siya sa paligid na parang tinitignan kung siya ba yung kausap ko. nung makumpirma niyang siya nga "w-wala ko k-kasabay."

"talaga? tara na kain na tayo" hindi ko na siya inantay na sumagot. hinila ko na agad siya papunta sa canteen. tinignan ko yung tatlo at nakasunod lang sila samin ng tahimik.

habang naglalakad papuntang canteen napahinto ako sa nakita ko.

anong ginagawa niya dito?

-----------------------------
to be continued

FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon