Chapter 4
Kate's POV
ang bilis mag lakad ng walangyang Trey na 'to. halos lakad takbo na ginagawa ko maabutan lang siya.
"Hoy!" agad ko siya hinila nung naabutan ko siya "kasalanan mo kung bakit tayo napalabas tapos iiwanan mo ko"
"bilisan mo kasi mag lakad" aba talaga! bilisan ko daw mag lakad? eh kung pektusan ko kaya siya
"eh ang lalaki kaya ng hakbang mo 'no tsaka ano ba problema mo?" nag pamewang pa ko para mas effective ang pagtalak ko sakanya "alam mo ikaw ang bipolar mo. kanina kanta ka ng kanta tapos ngayon tignan mo yang kilay mo kulang na lang mag dikit"
agad naman nawala yung kunot noo niya sabay ngumiti ng nakakaloko. ano nanaman kaya naisip netong kalokohan
"bakit gusto mo ba ulit marinig yung kanta? o baka yung napaka-ganda kong boses yung gusto mo marinig" utang na loob ang hangin ng taong 'to.
"pwede ba. panira ka ng araw" bago pa siya sumagot inunahan ko na siya mag lakad. di bale ng maligaw, ang hangin ng kasama ko eh.
narinig ko siyang tumawa kasabay nung mga footsteps niya. malamang sumunod sakin. nagulat ako dahil bigla niya ko inakbayan
"tara na sa canteen. andun na sila Luke" sabi niya habang kinakaladkad ako tapos kinanta niya nanaman yung theme song ng barney. jusko akala ko nakalimutan niya na.
Trey's POV
Laughtrip talaga ko dun sa manliligaw ni Kate hahahaha ang lakas ng tama.
biruin mo nag suot na lang ng mascot, yung mascot pa ni barney hahahahahaha tapos yung mga bulaklak niya pa halatang pinitas niya lang dun sa garden ng school.
di ako maka-move on sa kabaliwan nung manliligaw ni Kate kaya hanggang sa magsimula yung klase kinakantahan ko siya nung theme song ng barney na may ibang lyrics na kinanta sakanya nung manliligaw niya kanina. Pinalabas tuloy kami nung teacher namin na terror pero okay lang dahil boring naman sa klase niya
Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. alangan lumabas kami ng campus. pag kasi kaming tatlo nila Luke at Neon nag-cucutting lumalabas kami ng campus tapos kakain kami sa labas. baka sabihin ko pa lang yung salitang cutting dito kay Kate ratratin nanaman ako ng mga sermon niya kaya maglalakad lakad na lang ako hahanap ako matatambayan namin.
pero agad ako nag sisi kung bakit pa kami lumabas. nakita ko siya. nakita ko sila. yung dalawang taong iniiwasan ko. alam kong magkikita kami dahil nasa iisang paaralan lang kami pero ang tagal na simula nung huli kong makita silang dalawa. iniiwasan ko yung mga lugar na alam kong makikita ko sila dun.
"aray naman! bakit bigla bigla ka humihinto jan" reklamo ni Kate. naramdaman kong nabunggo siya sa likod ko pero di ko na lang siya pinansin. agad na ko tumalikod at naglakad palayo bago pa ko may makitang hindi ko gusto.
naramdaman ko naman na nakasunod sakin si Kate dahil naririnig ko yung mga yapak niya. hinatak niya ko paharap sakanya at nagsimula na siyang mag reklamo.
"alam mo ikaw ang bipolar mo. kanina kanta ka ng kanta tapos ngayon tignan mo yang kilay mo kulang na lang mag dikit" reklamo niya habang naka-pamewang pa.
agad nawala yung pagkakunot ng noo ko dahil nakakatawa yung itsura niya. namumula na yung muka niya at halatang inis na inis na.
"bakit gusto mo ba ulit marinig yung kanta? o baka yung napaka-ganda kong boses yung gusto mo marinig" pang-aasar kong sagot sakanya
"ewan ko sayo. panira ka ng araw" sagot niya sakin tapos naglakad na at iniwan ako
sinundan ko siya at inakbayan tapos kinantahan ko ulit siya ng paborito niyang kanta. yung theme song sa barney hahahahaha