Chapter 2
Kate's POV
lumipat ako sa school ng bestfriend kong si Luke dahil may iniiwasan akong tao dun sa dati kong school. sa tatlong taon ko sa dati kong school hindi ko na natiis yung kalokohan nung kaklase kong si Clark na araw araw may pakulo at gimik.
araw araw siya may ginagawang gimik para ipagtapat yung pag ibig niya sakin. siguro iniisip niyo na ang arte ko dahil ako na nga sinusuyo eh ayaw ko pa. okay lang sana kung normal na panliligaw ginagawa niya pero hindi.
kahit ilang beses ko na siyang binasted at tinaggihan mukang walang epekto sakanya dahil masyado siyang positive sa buhay na akala niya okay lang sakin yung ginagawa niya.
araw araw gumagawa siya ng mga bagay na nakakahiya. okay lang sana kung siya lang yung napapahiya pero ako din napapahiya. sikat na sikat ako sa school dahil sa mga pinag gagagawa niya.
katulad nung isang beses na pina-print niya yung naka-wacky kong picture sa napakalaking tarpaulin. hindi pa man ako nakakalapit sa school naririnig ko na yung tawanan at usapan ng mga schoolmates ko. yung tipong titingin sila sakin sabay matatawa. pagdating ko sa main gate ng school agad ko nakita yung muka ko na nakalagay sa tapat mismo ng school. mapapamura ka na lang talaga sa kahihiyan.
kaya ngayon gulantang ang buong pagkatao ko ng makita ko si Clark dito mismo sa harapan ko. pagkakita niya sakin agad din nanlaki ang mata niya at saka sumigaw at tumakbo papalapit sakin.
"Katy babyyyy!!!" sigaw niya at niyakap ako. hindi agad ako nakapag-react dahil hindi pa nag sisink in sakin na nasa harapan ko siya ngayon.
"hep hep. hindi na baby si kate bitaw na" inalis siya ni Luke sa pagkakayakap sakin. alam ni Luke kung bakit ako lumipat dito sa school nila at kilala niya din si Clark.
"sorry namiss lang talaga kita katy baby" ngiting ngiting sabi ni Clark sakin at hindi pinapansin si Luke.
"anong ginagawa mo dito Clark?" biglang singit ni Yna samin.
wait wat? kilala ni Yna si Clark? paano?
"magkakilala kayo?" tanong ko kay Yna
"oo. mag pinsan kami ni Clark" sagot ni Yna sakin. tama ba yung narinig ko magpinsan daw sila?
"yep pinsan ko si Yna. at dito na din ako mag aaral para maipagpatuloy ko na panliligaw ko sayo katy baby" ugh naiirita ko sa katy baby na yan. at pano ko nasundan netong Clark na to dito?
"pano mo nalaman na dito ko nag aaral?" tanong ko kay Clark
"sikreto ko na yun hihi sa ngayon aalis muna ko para asikasuhin tong mga ipapasa kong form. bye katy baby" akma pa siyang yayakap pero pinigilan na siya ni Luke.
"sabihin niyong nananaginip ako" stress na stress kong sabi sakanila. andito na kami ngayon sa canteen at kumakain
"hindi ka nananaginip Kate" tinapik tapik pa ni Trey yung balikat ko. close na ba kami? sinamaan ko lang siya ng tingin
"pero wait. totoo bang pinsan mo siya Yna?" tanong ko kay Yna
"oo. nagulat din ako na dito na siya mag aaral" sagot niya "ikaw pala yung lagi niyang kinukwento sakin na nililigawan niya"
"ano ba meron dun sa Clark na yon at problemadong problemado ka?" tanong ni Neon sakin
"oo nga bukod sa bigla siya nangyayakap" sabat naman ni Trey.
"siya yung dahilan kaya ko lumipat ng school" sabi ko sabay tingin kay Yna "sorry Yna pero kasi ang kulit talaga niyang pinsan mo"
"okay lang yun. kahit ako siguro makukulitan din sa pinag gagagawa ni Clark" mejo napatawa pa siya sa sinabi niya "lagi ka niyang kinukwento sakin. gustong gusto ka daw talaga niya"
"eh ano ba kasi pinag gagagawa nung Clark na yun sayo?" tanong ulit ni Trey
"wag ka na magtanong pre. abangan mo na lang. panigurado ipagpapatuloy niya dito yung kalokohan niya" iiling iling na sabi Luke.
Juskolord ano po bang kasalanan ko? bakit pinasunod niyo pa sakin si Clark? ㅠ^ㅠ