Chapter 8
Kate's POV
naglalakad na ko ngayon papasok ng school kasama ang dalawang pang asar. at talagang pinag tutulungan nila ko. literal na poker face ang itsura ko ngayon.
"bakit kasi di mo pa sagutin si Clark? tutal malakas naman tama niya sayo" sabay halakhak ng malakas ni Trey
"oo nga. sukat na ang pagmamahal niya sayo" tapos sabay na sila nagtawanan ni Luke.
Leche talaga. kanina kasi sa bahay nagulat ako na andun si Luke at kasabay ni mommy mag almusal. wala daw silang pagkain kaya makiki-almusal siya. nung naglalakad naman na kami may narinig kaming tumatawag samin. nung nakita ko'ng si Trey pala napag isip kong ang malas ko ngayong umaga.
"uy ano meron dun" napatingin kami sa tinuro ni Luke
may mga kumpol ng estudyante sa may lobby. lalapit na sana kami ng may narinig kaming nag salita. parang galing dun sa kumpol ng estudyante. naka-mic pa yung nagsasalita
"mic test. ehem ehem. Kate Nadine Estrella!! alam ko'ng naririnig mo ko ngayon dahil connected sa lahat ng speaker dito sa school 'tong mic ko." agad nanlaki yung mata ko sa sinabi nung nag sasalita.
sigurado ako. boses ni Clark yung nag sasalita. nakabalik na pala siya kung saan lupalop man siya galing
"para sayo 'tong kantang 'to katy baby!"
biglang may tumunog na pamilyar na kanta at nag simulang kumanta si Clark
"i wanna make you smile whenever your sad. carry you around when your athritis is bad. all i wanna do is grow old with you"
sweet na sana kung di lang sana wala sa tono at pumipiyok piyok si Clark. isama mo pa yung tawanan ng mga nanunuod. agad ako napakapit sa braso ni Luke at Trey
"itago niyo ko" hinila ko sila agad bago pa man kami makita nung kumpol ng mga tao
nag lalakad na kami ngayon sa corridor papuntang classroom. napapailing na lang ako sa bulungan ng mga schoolmate ko. eto naman dalawa tinatawanan lang ako. patapos pa lang kasi yung kanta ni Clark na rinig hanggang dito dahil sa mga speakers.
"siya yun diba? yung katy baby daw? pfft" rinig ko'ng bulong nung isang babae sa kasama niya
nakita ko naman yung mag totropang nakatambay na madadaanan namin na nag sisikuhan at halatang nag pipigil ng tawa
"peymus ang tropa naten" sabay tawa ng dalawang bwisit na katabi ko
pag dating ko sa room usap usapan pa din yung pag kanta ni Clark kahit kanina pa tapos yung kanta.
<<fast forward>>
lunch time at andito kami sa canteen para kumain. napaka-ingay netong tatlo. nag tatalo sila kung sino ang bibili ng pagkain. ang tatamad lang tumayo.
"leche kayo ang tatamad niyo. akin na. kami na ni Yna bibili" agad naman nila binigay yung pera nila at sinabi kung ano bibilin nila
"bakit ka nakangiti dyan?" tanong ko kay Yna nung nasa counter na kami. nakangiti kasi siya mag isa.
"wala. natutuwa lang ako" nakangiti pa din na sabi niya sakin
"natutuwa?" tumingin ako sa paligid at naghanap ng nakakatuwa "saan ka naman natutuwa?"
"sainyo. sayo. kasi may kaibigan na ko."
"hay nako Yna. baliw lang mga tao dito kaya di ka nila kinaibigan" nakangiti ko din na sabi sakanya.
"pero naalala ko, sabi sakin ni Luke kumain daw kayo ng ice cream nung isang araw? ang daya di niyo ko sinama" nagulat ako ng bigla siya mamula tapos di siya makatingin sakin ng maayos