Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

Kate's POV

Lunch na ngayon at kaming dalawa lang ni Yna ang magkasama dahil ewan ko kung saan nag punta yung tatlo.

kagabi sinubukan ko tawagan si Trey pagkauwi ko pero di niya pa din sinasagot yung phone niya. okay medyo nag alala ako sakanya dahil baka napano na yun. broken hearted pa naman ang loko. pero kanina mukhang okay naman siya dahil balik nanaman sa pangungulit sakin.

"hindi kayo nakapag practice dahil broken hearted si Trey?"

"shh hinaan mo boses mo Yna" sabi ko dahil ang dami tao dito sa canteen baka may makarinig

"siguro. hula ko lang yun dahil nga dun sa narinig ko na pag uusap nila nung babae" kinukwento ko kay Yna yung nakita ko kahapon.

"si Tiffany ba yung nakita mo na kasama ni Trey kahapon?" napakanot naman yun noo ko sa tanong ni Yna.

"sino naman si Tiffany?" tiffany din ba yung binanggit na pangalan nung ka-teammate ni Neon? hindi ko maalala

"si Tiffany yung ex ni Trey. siya yung first love ni Trey. sa pagkakaalam ko mag wa-one year na sana sila pero nag loko daw si Trey"

may pagkachismosa din pala to'ng si Yna hahahaha pero wait si Trey ang nag loko? pero yung narinig ko kahapon mukhang si Trey ang niloko.

PE ang next class namin kaya pagtapos namin kumain ni Yna dumiretso na kami sa locker room para makapag palit ng damit. volley ball ang PE namin ngayon kaya yung suot namin ay maiksing itim na shorts at itim na t-shirt na may surname namin sa likod at maliit na logo ng school sa harap

"nakalimutan ko yung id ko sa bag Yna. babalikan ko lang sa room."

"samahan na kita?"

"hindi na. mauna ka na sa gym. baka ma-late ka pa"

dahil medyo malayo ang locker room sa class room namin lakad takbo na ang ginawa ko. bago ko makadating sa building namin, madadaanan ko muna yung building na mga senior. nagulat ako dahil ang daming nakatambay sa labas na mga lalaki. bigla ko nahiya kaya binilisan ko na lang yung paglalakad ko. ramdam na ramdam ko yung tingin nila sakin kaya mas lalo ko pa binilisan ang lakad.

pagkadating ko sa tapat ng classroom napahinga ako ng malalim.

"ang tanga mo kasi Kate. iniwan mo pa yung ID mo" pagkausap ko sa sarili ko

pumasok na ko sa room at kinuha na agad yung ID ko. ganun na lang ulit gagawin ko kung sakali man na nandun pa yung mga nakatambay na senior bibilisan ko na lang ulit lakad ko.

pag dating ko sa may building ng senior andun pa din sila pero mas kumonti na. sinimulan ko na maglakad ng mabilis pero sa kalagitnaan naramdaman ko na may nakasunod sakin. naririnig ko pa yung bulungan at tawanan nila. agad ako kinabahan at mas binilisan ko pa yung lakad ko

"pssst" narinig ko na tawag nila sabay nag tawanan. ang higpit na ng kapit ko sa ID ko dahil sobrang kinakabahan na ko.

"miss"

"pssst junior na naka PE uniform"

patuloy pa din sila sa pagtawag at pagtatawanan. nanginginig na yung tuhod ko sa sobrang kaba. hindi ko sila pinapansin ng maramdaman ko na may umakbay sa akin. agad nanlaki yung mata ko at agad ko nilingon kung sino yung umakbay sakin.

gusto ko maiyak ng makita ko siya. nawala na yung mga tawag at tawanan sa likod ko.

"oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Trey sakin. nakasuot na din siya ng PE uniform niya.

FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon