Chapter 3

14 0 0
                                    

Chapter 3

Kate's POV

Tamad na tamad akong bumangon kanina dahil ayoko pumasok sa school. natatakot ako na baka biglang pagpasok ko makita ko nanaman yung mukha ko na nasa malaking tarpaulin at nakasabit sa harap ng school.

Tinawagan ko si Luke kanina para sabihin na sabayan niya ko pumasok pero ang walangya hindi daw siya pwede dahil may dadaanan pa daw siya.

Nagulat ako paglabas ko ng bahay andun si Trey nakaupo at mukang nag tetext.

"ang tagal mo naman lumabas" bungad niya sakin

"ano ginagawa mo dyan?" takang taka kong tanong sakanya

"inaantay ka malamang" pilosopong sagot niya "binilin ka sakin ni Luke na isabay daw kita papasok dahil baka kung ano gawin nung stalker mo sayo"

"wow may silbi din pala si Luke kahit papano" kausap ko sa sarili ko. "pero teka pumunta ka pa talaga dito samin para sabayan ako? pano mo nalaman bahay ko?"

"syempre sinabi ni Luke sakin. dito lang din ako sa subdivision niyo nakatira pero dun ako sa kabilang phase." sabi niya sakin. naglalakad na kami ngayon. walking distance lang naman yung school

habang naglalakad kung ano ano lang napagkwentuhan namin. naging topic din naman si Clark at yung mga pinag gagawa niya noon dun sa dati naming school. tawa lang ng tawa si Trey sa mga kwento ko.

Hanggang sa makarating kami ng school at nakita kong may mga nakahilerang estudyante at pare-parehas silang may hawak na mga gumamela.

"sinasabi ko na nga ba" napailing iling na lang ako sa nakita ko. pakana nanaman siguro to ni Clark. "uuwi na ko"

"anong uuwi ka jan? tara na" tumatawa pa ang walangyang Trey habang hinihila ko para pumasok

"ayoko Trey! bitiwan mo ko. kahihiyan aabutin ko dyan sa mga alipores ni Clark" nagpupumiglas ako kay Trey pero sadyang malakas siya kaya hindi ako makaalis.

"tara na. ako bahala sayo" hatak hatak niya pa din ako at saktong pagtapat namin dun sa unang lalaki na may gumamela agad itong lumapit samin para iabot yung hawak niyang gumamela.

"para sakin ba yan 'tol? salamat." natatawang kinuha ni Trey yung bulaklak na para sakin

dirediretso lang kami sa paglalakad at lahat nung gumamela na para sana sakin ay siya ang kumukuha. napapakamot na lang sa ulo yung mga nag aabot nung bulaklak.

pag dating sa dulo meron kaming nakitang mascot ni barney. at may hawak na tatlong gumamela din. omaygahd don't tell me si Clark yung nasa loob niyan.

biglang sumayaw sa harap namin si barney. tawa ng tawa si Trey habang ako gusto ko na lang lumubog dito. inalis ni barney yung ulo nung mascot at tama nga ko si Clark nga ito. lumapit pa siya samin at huminto sa harapan ko.

"i love you. you love me let's go home and kill barney." pagkanta ni clark dun sa theme song ng barney at ewan ko kung san galing yung lyrics niya.

"pffffffffffffft hahahahahaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha" hindi na napigilan ni Trey yung tawa niya at halos mamula na siya sa sobrang pag tawa. hawak niya na din yung tyan niya sa sobrang tawa.

tinignan lang siya ni Clark tapos napatingin siya dun sa mga gumamela na nahulog na sa lupa dahil nga sa sobrang pag tawa ni Trey. gusto ko na tumakbo paalis dahil sobrang nakakahiya na to'ng eksena na ginagawa namin

"bakit nasayo yung mga gumamela ni katy baby?" hindi siya pinansin ni Trey dahil busy pa din ito sa pagtawa niya. maubusan ka sana ng hininga. isa isang pinulut ni Clark yung mga gumamela na nahulog at inabot sakin. "flowers for you katy baby"

aabutin ko na sana yung mga bulaklak ng matapos na to pero biglang may umakbay sakin at inilayo ako dun kay Clark.

"tara na Kate. mag ta-time na" nilingon ko kung sino to'ng may mabuting kalooban na iniligtas ako sa kahihiyan.

"Neon!" tuwang tuwa kong sigaw dahil he's my hero. nginitian niya lang ako ng pagkatamis tamis

"hoy Trey tara na." sigaw niya sa damuhong si trey dahil hindi pa ata 'to tapos tumawa

"syet Kate hahahahahaha sobrang benta sakin nung pakulo ng manliligaw mo" tawang tawa pa din ang loko. "i love you you love me let's go home and kill barney pffft hahahahaha"

hanggang makadating kami ng classroom kanta siya ng kanta nung theme song ng barney. lecheng to. akala ko kaya niya ko sinabayan para iiwas ako kay Clark tapos wala din pala.

ano pa nga bang aasahan ko sa ka-uri ni Luke. parehas silang malakas tama. buti na lang mejo matino pa pag iisip ni Neon.

Speaking of Luke asan na ba yun at ng mabigwasan ko. maling mali talaga na ipagkatiwala niya ko sa Trey na to. tsk very wrong

"kate narinig ko yung ginawa ni Clark. nako pasensya na talaga sa pinsan ko." pagkadating ni Yna yan agad ang salubong niya sakin

"okay nga yung pinsan mo Yna eh. ang galing kumanta at sumayaw hahahahaha" sabay ni Trey samin. binato ko sakanya yung notebook ko dahil sa sobrang bwisit.

Dumating yung teacher namin at kasunod niya lang din dumating si Luke. etong walangyang Trey na to pabulong akong kinakantahan ng paborito niyang barney theme song. leche talaga siya hindi ko maintindihan yung tinuturo ng teacher namin dahil sa pagkanta niya.

"pag hindi ka pa nanahimik ipapakain ko sayo tong notebook ko" banta ko kay trey dahil ayaw niya tantanan kakakanta

"i love you, you love-" hindi natuloy ni trey yung kanta niya dahil sinita na siya ni ma'am cruel. yung terror teacher namin

"Mr. Avila baka gusto mo'ng i-share samin yung pinaguusapan niyo ni miss estrella?" bwisit talaga na Trey to idadamay pa ko sa kadaldalan niya

"okay lang naman ma'am. gusto niyo po ba malaman?" sagot niya sa teacher namin. tinignan ko si Luke at Neon at tinawanan lang nila yung sinabi ni Trey

"kung ayaw niyo makinig sa klase ko get out!" sigaw ni ma'am cruel

"yes ma'am!" tumayo si Trey at kinuha yung bag niya sabay hinatak niya din ako. pinigilan ko siya sa paghatak sakin at pinandilatan ko siya ng mata "get out daw sabi ni ma'am"

bwisit talaga na Trey 'to at dahil ayoko gumawa ng eksena sa room nagpahatak na ko sakanya. tama na ang isang nakakahiyang eksena sa isang araw wag ng dagdagan pa.

naglalakad lang siya at ako naman sumusunod lang sakanya. hindi ko alam kung san kami pupunta. sinusundan ko lang siya dahil hindi ko pa kabisado to'ng school. masyadong malaki kasi.

"kasalanan mo 'to. ang ingay mo kase kaya tayo napalabas" paninisi ko sakanya

"may kasalanan ka din 'no. kung di ka sumagot sakin hindi ka madadamay hahahaha tsaka okay lang yan ang boring naman ng klase ni ma'am eh"

kanina pa kami palakad lakad hanggang sa huminto siya at mabangga ako sa matigas niyang likod.

"aray naman! bakit ba bigla bigla ka humihinto dyan" hinihimas ko pa yung noo ko dahil tumama sa likod niya. tinignan ko siya dahil hindi siya sumasagot diretso lang yung tingin niya at yung masyang aura niya kanina biglang nawala

tinignan ko yung tinitignan niya at dalawang taong mukang mag boyfriend/girlfriend yung nakita ko. pag tingin ko kay Trey naglalakad na palayo ang walangya. iwan daw ba ako.

sumunod ako sakanya na may tanong sa isipan. sino yung tinitignan niya at bakit ganun reaksyon niya?

------------------------
to be continued

FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon