Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6

mapayapa na sana ang araw ko ngayon dahil walang clark na nanggugulo. mukang totoong umalis nga si Clark kasama ang family niya dahil walang sumalubong sakin pagpasok ko na kakaiba. kung nasan man si Clark sana magtagal pa siya dun. okay na sana kung di lang sana dahil kay Trey na mapang asar.

art ang last subject namin kanina at may pinagawang activity samin. habang gumagawa ako kinalabit ako ni Trey

"Kate may extra pencil ka?" kinuha ko sa bag yung extra pencil ko at ibinigay sakanya tapos pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. after 5 minutes kinalabit nanaman niya ko

"Kate peram ako eraser" inabot ko sakanya yung eraser ko at bumalik na ulit sa ginagawa ko. after ulit ng ilang minutes kinalabit niya nanaman ako. okay timpi lang Kate

"Kate peram pantasa, naputol yung pencil mo eh" inabot ko naman sakanya yung sharpener ko. babalik pa lang sana ko sa ginagawa ko ng kalabitin niya nanaman ako

"ano ba?" medyo pabulong kong sigaw sakanya, kung pwede man sumigaw ng pabulong.

"peram ako gunting" dahil di ko matapos yung ginagawa ko kaka-kalabit niya at dahil bwisit siya binigay ko sakanya lahat ng laman ng bag ko na pwede niya pa hiramin. yung gunting na hinihiram niya, yung ruler, crayons, liquid eraser, pentel pen at art paper ko

"wag mo na ko kakalabitin sasapakin kita" pero dahil makulit siya kinalabit niya nanaman ako

"ano nanaman? nasayo na lahat ng gamit ko ah"

"ibabalik ko lang gamit mo" pinatong niya sa armchair ko yung mga hiniram niya na gamit ko at pumunta sa harap at nag pasa na ng papel.

kita niyo? okay na sana ko eh. hindi ko alam kung nananadya ba yung Trey na yun o ano eh.

uwian na ngayon at naglalakad na ko papuntang music room kung nasan yung bandang neutral. kaninang lunch nag text si ate Liza na may practice daw kami at pumunta kaming music room. hindi ko alam kung nasan si Trey dahil nauna siya lumabas sakin kanina.

pag dating ko sa music room, wala pa si Trey dun.

"oh Kate. nasan si Trey?" nagtaka naman ako dahil nauna siya lumabas pero wala pa siya dito. wag niyang sabihing i-indianin niya ko. nako! ewan ko na lang

"hindi ko alam ate Liza eh. nauna kasi siya umalis sakin pag tapos ng klase"

"baka may dinaanan lang antayin na lang muna natin" sabi ni miggy

umupo na ko sa may tabi ni ate liza. silang apat nag uusap tungkol sa music for a cause mini concert. tahimik lang akong nakikinig sakanila

nag paprint na sila ng mga poster para dun sa mini concert. bukas daw yun ididikit sa mga bulletin board. 100 pesos lang yung ticket fee. pinag-paplanuhan din nila yung mga kantang pwede nilang idagdag na kakantahin para sulit naman daw yung pera ng mga bibili ng ticket.

"ikaw Kate? may suggestion ka ba?" tanong sakin ni miggy

"hmm wala ko maisip eh" wala talaga ko'ng maisip dahil iniisip ko si Trey 20 mins na wala pa din siya dito. tumayo ako kaya napatingin silang apat sakin

"hahanapin ko lang si Trey" sabi ko at lumabas na ng pinto

wala ng masyadong tao sa hallway. malamang nag uwian na yung mga estudyante. umuwi na kaya yun?

nakasalubong ko si Neon na kasama yung mga varsity sa school. naka-jersey na sila at mukang may practice sila ng basketball

"oh Kate? tapos na practice? ang bilis ah"

"hindi pa. hinahanap ko kasi si Trey eh. nakita niyo ba?"

"parang nakita ko siya kanina kasama si Tiffany" sagot nung isang kasama ni Neon. napakunot naman yung noo ko. sino si Tiffany?

FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon