Chapter 5
simula nung nangyari nung isang araw nakakuha ko ng iba't ibang atensyon. hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano eh. hindi kasi ako sanay sa atensyon katulad ng sinabi ko dati ayoko ng atensyon. kaya nga lumipat ako ng school dahil sa binibigay na atensyon ni Clark sakin at ng mga ka-schoolmate ko dati
"siya yung kumanta nung isang araw diba? ang ganda ng boses niya" rinig kong sabi nung lalaking nadaanan ko
"oo pre kaso back off tayo dyan. balita ko bestfriend ni Luke yan eh" napailing na lang ako sa pag uusap nila.
madami pa kong naririnig na ganyan. nakakatuwa dahil kadalasan compliment pero bwisit na bwisit ako kay Trey dahil kasalanan niya kung bakit bigla ako nakakuha ng atensyon. gusto niyo ba malaman kung bakit? heto
flashback
nag simula ng kumanta yung bandang neutral. naalala ko na kung bakit familiar yung bandang neutral sakin. kapatid ni Luke ang vocalist ng banda. si ate Liza. siya lang nag iisang babae sa banda. 4th year na si ate Liza at close din kami pero mas close kami ni Luke dahil siguro magka-edad kami
habang kumakanta sila tutok na tutok yung mga nakikinig sakanila. tadhana ng up dharma down yung kinakanta nila kaya siguro pamilyar sa karamihan. sobrang ganda ng boses ni ate Liza. buo at nakakapanindig balahibo. maganda at matangkad si ate kaya panigurado madami nagkakagusto sakanya. matalino din siya sa pagkakaalam ko. mukang sikat din ang banda nila dito sa school dahil sa dami ng estudyanteng nanunuod pati ibang teacher nanunuod din
"thank you" sabi ni ate Liza pagkatapos ng kanta at sabay sabay sila nag bow nung mga kabanda niya
"pero hindi pa po dyan nag tatapos ang music for a cause dahil pipili kami ng dalawang audience na kakanta at boboto kayo kung sino ang mas nagustuhan niyo" biglang nag ingay yung mga estudyante. yung iba gusto sumali pero mukang nahihiya at yung iba naman mukang hindi interesado ng biglang may isang malaking epal ang nag salita
"siya!" malakas na sigaw ni Trey habang nakaturo sakin kaya napatingin samin sila ate Liza tapos mukang nagulat siyang makita ako. gusto kong sapakin si Trey dahil sa katangahan niya kaso ang daming tao baka kuyugin ako ng fans niya
"oooh kate! kate! kate!" pag chi-cheer ni Luke habang tumatawa pa para umakyat ako sa stage. nakisabay na yung ibang nanunuod kahit siguradong kong hindi naman nila ko kilala
"please come up to the stage, kate" nakangiting sabi ni Ate Liza sakin pero todo iling ako sakanya. tinulak ako ni Neon at Trey para umakyat na sa stage. masasapak ko talaga yung tatlong yun mamaya.
bago ko tuluyang makaakyat narinig ko pa si Yna na nag 'go kate' at si Clark na nag 'go katy baby' okay na si Yna eh bat pa nag salita si Clark. andito din pala siya.
"one more. anyone?" binigay ni ate Liza yung mike dun sa isa niyang kabanda para siguro yun na yung maghanap
"dito ka na nga pala nag aaral. hindi kita nakamusta medyo busy kasi eh alam mo na graduating" sabi ni ate Liza habang nag hahanap pa din ng isa pang lalaban yung ka-banda niya
"okay lang ate pero uhh pwede ba'ng umatras? hehe dito. kasi ano nakakahiya eh" nahihiya kong sabi kay ate Liza
"ano ka ba Kate! kaya mo yan nainig na kita kumanta once and it's okay naman tsaka para din to dun sa feeding program kaya sige na ha? go ka na"
matapos makahanap ng isa pang kakanta sinabi samin yung gagawin. voting ang gagawin at boboto gamit ang five pesos. yung five pesos na maiipon para pa din sa feeding program. hindi namin alam kung ano yung kakantahin dahil bubunutin namin yung title at swerte ko pa din dahil alam ko yung kanta. the show ni lenka yung nabunot ko.