4

9.6K 124 2
                                    

 

John’s

Natigilan ako sa narinig mula kay Jefion. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso sa mga sinabi nito.

Tila naman nataranta ang ina ng mga ito at natatakot na tumingin sa akin. "Jefion... D-dada is.."

"Dada is here." Mariin kong putol sa sasabihin nito. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ng along along ko na bata na unahin mula sa aking balikat at hinawakan ang aking mag kabilang mukha na tila nasisiyahan na pinagmamasdan ako. May humaplos sa puso ko ng dahil sa ginawa nito.

"Miss ko po kayo, Dada." Bulong nito

"Jelia miss Dada too!" bibong anunsyo ni Jelia na nagpapakuha mula sa kanyang ina. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag nila sa aking balikat bago siya kinuha mula sa ina na tila nagulat sa ginawa ko. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya.

"Really?" mababa ang boses kong tanong sa dalawa.

Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang dalawang batang ito na nagsasabi na ako ang Dada nila. Which I feel so proud of.

Kanina... Ng marinig ko ang pangalan ni Ivoh na iyon hindi ko alam pero makaramdam ako ng galit sa ideyang kakausapin nya ang mag-iina. Kaya I acted without thinking further. I insisted to have them here with me...

"Totoo po! Si mimie din po miss ka po!" Ani Jelia kaya napatingin ako sa kanilang ina na gulat na gulat at namumula sa hiya dahil sa narinig mula sa anak na nakapagpangisi na lamang sa akin.

"Miss rin kayo ni Dada, sure yun" mababa ang boses kong saad.

Napapikit ako ng biglang pumasok na alaala sa isipan ko. Hinigpitan ko ang hawak sa da lang bata...

"Yes, John... I am so in love with you... That's why It's a yes... I'll marry you..."

Napamulat ako...that voice... It's Belinda...

"Are you okay, John?" she asked

Tumango naman ako at sabay niyon ang pagbukas na ng elevator... Nauna na kaming lumabas ng mga bata at alam kong kasunod namin ito.

"Twins... Baba na muna kayo... Baka nangangalay na ang - -"

"Okay lang..." saad ko. Tumango ito at umiwas ng tingin.

"Yung bag aking na..."

Huminga ako ng malalim at umiling. Bago nagpatuloy na sa paglalakad. Pagpasok namin sa kwarto ni nanay ay sabik na nagpababa ang kambal tsaka tumakbo pa tungo sa aking mga magulang. Na tuwang tuwang yumakap sa dalawang bata.

"Lolo, lola, namiss po namin kayo!" sabay na saad ng kambal.

Buong galak namang tumawa ang nanay at tatay sa kanila.

"Namiss rin namin kayo... Mga apo. Hali kayo at pa kiss si lolo..." Ani tatay.

Humalik naman ang kambal sa mga pisngi nito at sumunod sila Humalik kay nanay.

Tila natural na lumapit, nagmamo at yumakap si Belinda sa mga magulang ko na buong pusong tumugon naman sa kanya. Tila ba mahal na mahal nila ito bilang kanilang anak.

"Kumusta kayo nak? Namiss namin kayo ng mga bata..." Ani nanay rito.

"Maayos naman po kami nay. Pasensya na ho at ngayon lang ho kami nakadalaw muli. Naging abala po kasi sa trabaho at... Nagkasakit din po si Jelia nong isang linggo... Nilagnat po." Ani Belinda.

Napansin ko ang tuwa at gulat sa mukha ng mga magulang ko ng napansin nila ako. Nagmano at yumakap ako sa mga ito.

" John, anak! Nakakaalala ka na uli? Naaalala mo na ang asawa at mga anak mo?! "masayang tanong ni tatay.

Hotbreakers'Series2 : Belinda Garyo (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon