Chapter 2 (Edited)

12K 237 2
                                    

"Alice, stop pulling your dress down and smile for me," sita ni Amanda habang nire-retouch nito ang make up. Malapit nang magsimula ang party pero hindi siya komportable sa suot niya.

"This is a top, Mandy."

"It's a dress. Come on, you'll survive."

"Ayokong maging sentro ng attention sa party na para sa iyo."

"You're exaggerating, couz. Hindi naman yan gaanong maikli. Tama lang. Hindi ka lang sanay. Hindi ba kayo nagpapalda sa tinuturuan mo? Ano'ng uniform nyo dun, baro't saya?"

Sinimangutan niya lang ito.

"Tara na. Baka hinihintay na tayo ni Mama sa lobby."

"Mauna ka na. Tingin ko hindi ko kayang lumabas suot to."

"Alice naman, it's okay. I think you look fabulous."

"Well that makes one of us."

Bumuntong-hininga ito. "Okay. Mauuna na ako, ha? Baka they need me downstairs. But please, come down soon. I need my maid of honor there, okay? Don't pass out on me. And by the way? Please smile. I don't want my visitors thinking na may kalahi akong grumpy troll."

Binato niya ito ng unan. Ngunit sa nakasarang pinto na lamang iyon tumama. Tumatawang umalis ang pinsan niya.

Wala naman siyang balak na hindi pumunta sa party. Baka hindi siya tigilan ni Amanda kung nagkataon. Alam niyang importante iyon sa kanyang pinsan at ayaw niyang maging malungkot ito.

She cast one last look at the mirror. And then she gathered herself and went out of the hotel suite where her cousin was staying.

Tinungo niya ang elevator at pinindot ang DOWN button. The party will be at full swing when she arrive. Pero okay na iyon para hindi siya mapansin.

Ilang segundo lang ay nakarating na siya sa lobby. Tinanguan at nginitian siya ng dalawang receptionist. Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at tinungo ang hall na pinagdarausan ng party. 

Huminga siya ng malalim bago buksan ang pinto. 

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now