Chapter 12 (Edited)

7.2K 207 3
                                    

"Oh, my god. These shoes look gorgeous!"

Blangko ang mukhang tinitigan ni Alice si Amanda. "Those look like a torture contraption for me. In short, hell."

Tinapik nito ang balikat niya. "Ano ka ba, Alice. They're gorgeous. Actually, you should buy a pair."

"No, thank you," mabilis niyang tanggi. Ayaw na niyang maulit pa ang naranasan nang nakaraang gabi habang suot-suot ang matataas na heels na ipinahiram nito.

Umupo siya sa isang padded bench na provided ng shoe store na iyon. Sumasakit na ang mga paa at binti niya habang kinakaladkad ng pinsan papasok sa iba't ibang stores and boutiques sa loob ng hotel.

Amanda was on a shopping spree. Ganoon ito kapag kinakabahan ito o nag-wo-worry sa isang bagay. Alam niya iyon dahil sa lahat ng magpipinsan, sila ang pinaka-close. Madalas nga silang mapagkamalang magkapatid.

And yes, they were alike in some physical features, but they were completely polar personalities. Amanda was the outspoken, professional chic while she was the unnoticed silent one.

"Ohmygod, these shoes are so cuuute!"

Bumuntong-hininga siya. "Mandy, could we go somewhere else? We've been here for two hours now. Napuri mo na lahat ng naka-display na paninda nila."

"Ano ka ba, couz. You're exaggerating." Tumawa ito. "Hindi pa nga ako nakakabili ng gusto ko."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Eh ano'ng tawag mo riyan sa mga bag na hawak mo? Display?" Sabay turo niya sa bitbit nitong mga paperbags na laman ang p-in-urchase nitong mga sapatos.

Tahimik lamang nitong tinitigan ang mga pinamili. Her poor cousin looked dumbfounded and somewhat lost. Mukhang tama ang hula niyang kinakabahan at nagwo-worry ito sa nalalapit nitong kasal.

"Mandy, are you having cold feet? Kung hindi ka pa handa sa kasal ninyo ni Jake eh pwede naman kayong mag-reschedule."

"W-what? Of course, I'm ready!"

"Sa napapansin ko kasi parang tarantang-taranta ka ngayon, hindi ka mapakali. Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin, ha?"

Nginitian siya nito kasabay ng isang mahigpit na yakap. "Thank you, Alice. You're the best cousin ever!"

Tumawa siya. "Syempre. Ako pa? Now, can we find a nice restaurant and eat? It's almost lunch at ginutom ako sa shopping marathon mo, grabe."

"Perfect timing! Jake called a while ago and he said sabay-sabay na lang tayong mag-lunch. Hihintayin na lang daw nila tayo sa The Penthouse. Nasa top-most floor ng building yung restaurant."

"Nila? Hindi lang si Jake ang kasama?" Parang biglang kumabog ang dibdib niya. Sana mali ang iniisip niya.

"Yup. He's with his best friends." Nakahinga siya ng maluwag. "And his brother."

She stilled. "Brother...?" Nilingon niya ito.

Amanda shrugged. "You know. The older De Santis brother, Trent."

Shit, she thought, heart pounding. Paano na ang plano niyang iwasan ito hanggang matapos ang kasal?

"Alice?"

"H-huh?" gulat na tiningnan niya si Amanda nang tawagin siya nito. "Bakit?"

"Are you okay? Nakatulala ka na dyan. Gutom ka na, 'no."

"Ah, eh, pwede bang---"

Hinatak siya nito sa braso niya papunta sa malapit na elevator. "Tara na! Alam ko namang hindi ka nagpapalipas ng pagkain. Saka nandon na daw sila Jake."

"T-teka lang, Mandy!"

She's in so much trouble. Hindi manlang siya binigyan ng pinsan ng pagkakataon para makapag-isip ng excuse.

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now