Chapter 7 (Edited)

8.5K 235 1
                                    

Napangiti si Alice nang magbitiw ulit ng joke si Ryan. Ngayon niya lang ito nakita pero napag-alaman niyang kaibigan ito ng isa sa mga pinsan ni Jake. In-approach siya kanina nito sa may buffet table at nagpakilala. Nakapalagayan niya agad ito ng loob at marami na silang napag-usapan. Masaya at kuwela itong magkwento kaya naman hindi siya nabo-bored sa company nito.

Mahinang napasinghap ito nang maapakan niya ang dulo ng sapatos nito. She winced and smiled at him apologetically. "I'm sorry. Sabi ko sa'yo hindi ako marunong sumayaw ng ganito, eh."

He smiled at her instead of getting annoyed. "It's okay. Kaya nga kita tinuturuan, diba? And I won't pass the chance to dance with a beautiful woman like you."

Bahagya siyang napayuko. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. Bihira siyang makatanggap ng compliment kaya naman hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Mahinang nagpasalamat na lamang siya rito.

They danced throughout the whole song. Masayang nagku-kwento siya tungkol kay Amanda at sa pamilya nila nang maramdaman niya ang palad nito na dumadausdos pababa sa likod niya. She stiffened.

"Ryan...?"

"You're so beautiful, Alice," he whispered near her ear.

Kinabahan siya nang mas lalo pa siya nitong hapitin palapit rito. His palm was now boldly cupping her rear. Malakas na itinulak niya ito sa dibdib. "Ryan, no."

He reached for her. "What? I know you also like this, honey," nakangising sabi nito at hinablot ng mariin ang braso niya.

"Ano? Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo. Bitawan mo ako." Pilit niyang hinihila ang braso mula rito. Nakakatawag-pansin na sila sa ilang pares na malapit sa kanila. Hindi naman siya sumigaw para hindi makaabala sa party. Ayaw niyang ma-disappoint si Amanda. Kaya niyang ilabas ang sarili sa sitwasyong ito.

Marahas na hinila siya ni Ryan sa dibdib nito. Gulat na napasinghap siya at nag-aalinlangang tumitig dito. He had that disgusting look on his face while he lewdly looked down at her body. Akala niya ay mabait ito. Iyon pala ay itinatago lang pala nito ang pagkademonyo.

"Bitawan mo 'ko, Ryan. Or I'll call security."

"Come on, Alice. Don't be such a tease."

"I don't play the games you play so leave me alone, you jerk."

Napadaing siya nang higpitan nito lalo ang hawak sa braso niya. She knew she'd be having a bruise after this encounter.

Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "What did you just call me?" nanggigigil na tanong nito.

Napapikit siya.

"Is there a problem here?"

Napadilat siya nang marinig ang mababang boses na iyon.

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now