Chapter 13 (Edited)

7K 220 1
                                    

Alice tried to concentrate on annihilating the piece of chicken breast on her plate while the people around her chatted and laughed.

Hindi niya magawang makitawa o makipag-usap. Ni hindi nga niya magawang tumingala at nanatiling nakatuon ang tingin sa kanyang plato.

She was scared to raise her head, lalo na at alam niya kung kaninong mukha ang una niyang makikita.

Intense golden eyes...

She cursed silently. Parang nang-aasar pa ang tadhana dahil kung kailan napagdesisyunan niyang iwasan ang dapat iwasan ay saka pa sila pinaglalapit. Kaya naman ngayon ay para siyang tangang nakatunganga sa kanyang plato at malapit na ring madurog ang in-order niya dahil pira-piraso na iyon.

"... diba, couz?"

"Hmm?" Blangko ang mukhang nilingon niya si Amanda na katabi niya.

Sa kamalasan, bilog ang mga table sa restaurant sa The Penthouse kaya naman magkakaharap sila. Apat ang kasamang best friends ni Jake: sina Zac, Phil, Blake at Lui. At syempre, kasama sa circle of friends nila si Trent dahil mas nauna nitong naging kaibigan at business partners ang mga binata.

Jake's friends were nice, pero malakas mang-asar at mang-trip ang mga ito. Pero kahit ganoon ay kita pa rin niyang their friendship was deeper than one can see.

"Alice..."

"B-bakit?" tanong niya kay Amanda nang tawagin siya nito ulit.

"Okay ka lang?" worried ang mukha na sabi nito. "Nag-aalala na 'ko. Kaninang umaga ka pa ganyan. Just tell me if you're not feeling well."

Pinilit niyang iangat ang ulo, bitawan ang hawak na tinidor at idampi ang table napkin sa labi. "I'm okay. Kulang lang siguro ako ng tulog kagabi kaya medyo nahihilo ako."

"Ah," sambit ni Zac. "Hang-over?"

Nakangiti siyang umiling dito. "Hindi ako umiinom."

"Except for the two flutes of champagne last night."

Sumemplang ang ngiti niya sa mga salitang iyon. Pinilit niyang hindi tingnan si Trent na nakaupo sa tabi ni Zac. Napakamalas talaga niya dahil ito pa ang nasa direct line of sight niya.

Ibinalik niya ang ngiti kay Zac para walang makapansin sa tensiyon. "Hindi ako umiinom," mariing ulit niya. "Kaya hindi pa 'ko nagha-hangover."

Saglit na tinitigan ni Zac ang mukha niya, tila malalim ang iniisip, pagkatapos ay nakangiting tumango ito sa kanya. "Impressive."

"Baka uncomfortable ka lang sa kuwarto mo. Sabihin mo lang ililipat kita sa suite na mas komportable ka," offer ni Jake.

She smiled at his sweet gesture. Tama si Amanda ng piniling pakakasalan. "I'm okay. Hindi lang siguro ako sanay sa paligid ko. But I'll adjust quickly. Salamat na rin sa offer."

Amanda tapped her hand gently. Mukhang na-pacify na niya ang worry nito kanina. Bumuntong-hininga siya. She was unexpectedly causing her cousin more stress. Sobra na ang worry nito para sa nalalapit na kasal kaya dapat ay hindi na niya ito bigyan pa ng poproblemahin.

Oh, well. If only her problem would just disappear like a popped bubble. But that wish will never happen because her very big problem is staring at her right in the face.

Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang baso ng tubig at uminom. How would she get out of that tight situation?

"Geez. How could I overlook such a small detail?"

Nilingon niya ang kanyang pinsan na nakakunot na naman ang noo sa pagkabahala. "'Problem?" tanong niya rito.

It was Jake who answered instead. "We were supposed to meet with the wedding organizer today to discuss the final touches for our wedding. Unfortunately, nakalimutan iyon ni Mandy at nagpa-schedule rin siya na makikipag-meet sa may-ari ng jewelry store where we ordered our wedding rings."

"I'm so stupid," sabi ni Amanda habang mahinang sinasampal ang pisngi.

"No, you're not," Jake reassured her. Hinawakan nito ang kamay ng fiancée at ginagap iyon. "You're just preoccupied. Masyado kang maraming inaalala."

Amanda visibly relaxed under the soft reassurances of her partner.

"Ako nalang ang makikipagkita sa may-ari ng jewelry store if you like," mabilis na offer niya. Maybe she could use that excuse to get away from Trent.

"Sure ka, Alice?" nagwo-worry na tanong ng kanyang pinsan.

Ngumiti siya rito. "Of course! That's my job as a maid of honor."

"Thank you, couz!" masayang niyakap siya nito.

"Thank you, Alice," sabi ni Jake. "And sorry for this. You're our guest."

"Wala 'yun," she tapped his arm. "I'm happy to help."

He smiled amiably. "Then I'll have someone accompany you. The store's deep inside the city. You might get lost if you go by yourself."

"Ha? H-hindi na! Okay lang na akong mag-isa ang pupunta–"

"I'll go with her."

Para siyang yelong nanigas sa narinig.

"Perfect!" Amanda exclaimed. She didn't even notice the evil stare Alice was giving her.

"Take good care of her, Kuya."

"I will."

Shit, nasabi nalang ni Alice sa sarili.

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now