Chapter 11 (Edited)

8.1K 219 1
                                    

Thank you sa mga new readers! 'Hope you enjoy this. :D :D :D

***

Alice woke up with the sun's rays on her closed eyelids.

Dahan-dahan niyang ibinukas ang mga mata at nakita ang nakapatay na ilaw sa cream na kisame.

Bumangon siya, kakamot-kamot sa ulo. Napansin niyang nakabukas ang mga kurtina kaya naman tumatagos ang rays ng sunlight sa glass windows. Nakalimutan pala niyang isara ang mga kurtina bago siya matulog.

Unti-unting bumalik sa kanya ang mga nangyari nang nakaraang gabi.

Trent Gabriel De Santis.

Perfect height. Imposing posture. Broad shoulders. Inviting lips. Golden eyes...

She felt a blush slowly creeping up her face. Napasampal siya sa noo.

"My god..." she uttered, feeling out of breath.

She was still in shock, hindi niya iyon maitatanggi. Paano namang hindi, unexpected na na-meet niya ang lalaki sa likod ng boses sa telepono. They only communicated by phone for almost two weeks but it felt like there was something between them.

They did not know anything about each other except from the fact that she is the bride's cousin and he is the groom's brother. Ang honeymoon trip/gift lamang nila ang nag-uugnay sa kanilang dalawa.

She never expected a very handsome man with an intense personality. Hindi niya makalimutan ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Those golden eyes of him...

"Argh!" Sinabunutan niya ang sarili.

What was happening to her? She never reacted like that when she was with other men before. Umakto siyang parang tatanga-tanga at helpless kagabi and he was there to witness it.

Bigla ay nawala ang nararamdaman niyang embarassment at napalitan iyon ng matinding pagkainis at galit.

Kilala na naman pala siya nito pero hindi manlang nito binanggit iyon sa simula palang. They've been inside his office long enough. Nagagalit din siya sa sarili dahil hindi niya agad ito nakilala. His voice was more captivating in personal, and the phone calls paled in comparison.

He is a very very attractive man, to that she would definitely agree. Pero alam din niyang hindi lang siya ang nakapansin sa attractiveness nito. Sa party kagabi ay nakuha na nito ang atensiyon ng bawat babaeng guest. Pero kahit siguro tumayo lamang ito at hindi magsalita sa gitna ng napakaraming tao, mapapansin at mapapansin pa rin ito.

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. "Calm down, Alice. Calm down, for chrissake...!"

Huminga ulit siya ng malalim at tumayo mula sa kama.

Nakapag-isip na siya. From this day on, she would try to avoid Trent Gabriel De Santis. Walang maitutulong ang nararamdaman niyang attraction dito. Wala rin siyang oras para sa mga ganoong mga bagay. Those women could fawn over him for all they wanted, she didn't care.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin sa loob ng shower room. "Alice dela Cruz, that man have no place in your life. You don't need him. Iwasan mo siya, okay?"

She told that to her self several times. Matapos ay nagawa na rin niyang ngumiti sa sarili.

She set her agenda for the day para hindi siya ma-distract. She would fully help Amanda sa wedding preparations nito, keep herself busy and try to not be at the same place with the man with intense golden eyes.

She sighed at her reflection.

This is going to be a very long day.

---tbc---

OBSESSION trilogy: Hunger [NOT UPDATED]Where stories live. Discover now