First.
"Malapit na intrams no? 2 weeks na lang. Excited na naman mga tao dito. Lalo na yung mga magagling sa sports." lunch break namin at kadaldal ko lang naman ang bespren ko.
"Oo nga eh. Nako aariba na naman si Adrian nyan!" medyo halatang kinilig si Charlie sa mga sinabi nya.
"Nako po, kilig na naman si Charleh! Akala mo ikaw lang masaya? Hmp, si Patrick rin kaya ay aariba!" pinagyabang ko naman ang mahal ko. Naks!
"Edi kwits lang tayo! Ansaya ng intrams neto. Wooooh!"
Ngarag na ang mga SG samin dahil sila ang gumawa ng teams. Andaming nag rereklamo atnagrereqest at isa na ako dun!
"Kimy! Pwede bang magkateam kami ni Patrick sa intrams?" siya ang SG president namin at sakto she's my friend and classmate.
"Try ko ha, i'll find ways." *laughs*
Oyeaaah sana talaga magkateam kami!
--
"Kate!!!!!!!!"
"Ay bakla tomboy!" halos atakihin ako sa puso sa sigaw nitong lokaret kong bespren.
"Ano ba Charlie? Sagad lang sa ka-hyperan?" I think may dalang good news ang bruha.
"Kasi... Lumabas na ang mga teams! Kyaaaah!" ginamit pa nya ang kamay nya sa pagpaypay.
Agad kaming tumakbo ni Charlie sa may office at nakitang andaming tao sa bulletin board.
Simingit talaga kami ni Charlie para makita ang list. Hanap hanap hanap!
Blue team. Team Captain: Ron Patrick Buenviaje
Alelele! Team captain si mahal! Hahaha.
"Bruha!!! Team captain ang mahal ko." Inuyog-uyog ko pa si Charlie.
"Dahel Kate! Si Adrian din kaya! Sa Red team sya! Ohaa!" balik tingin naman siya dun sa list.
Anong team kaya ako? Try kong tingnan dito sa team ni mahal.
Lorenzo, Kate Erin
"Kyaaah! Charleeeh! Kateam ko si mahal!" Yinugyug ko ulit ang bruha.
"Ako din Kate! Kateam ko si Adrian!" Nakahawak na rin siya sa shoulders ko.
"Waaaaaaahhh!!!!" sabay na kaming sumigaw ng bespren ko. Yeah, muka kaming baliw! Lahat na ng tao nakatingin samin! Who cares? Seniors kami no!
Si Patrick ay long time loves ko. Ngayon nalang ulit kami naging classmates. Pero siya, wala namang siya paki sakin. Kilala ksi sya eh. Magaling sa sports lalo na basketball. Captain ba naman! Matalino at malandi.
Oo, malandi yang lalaking yan! Lahat na ata ng babae nilandi nyan eh. Or sadyang mabait lang sia sa mga girls? Aynako. Pero eto ako, mahal parin siya.
Si Adrian naman ang long time loves ni Charlie. Oh diba mag bespren kami! Magaling din sa basketball yan. Co-captain naman siya and, mailap naman sa babae! Pero close sila dati ni bru eh. Medyo nagiba na nga lang ngayon.
Close si Charlie kay Patrick at ako naman ay close kay Adrian. Medyo weird diba? Ewan ko bat ganyan yan. Hindi naman kami nagkakagalit ni bruha dahil jan. sus! Alam naman naming mahal na mahal namin ang aming mga loves.
Hindi ako kinakausap nyan ni Patrick. Otis yan eh. Dejoke! Haha. Buti pa to si Adrian namamansin! Hmmp.
"Oy bru! Buti kapa nakakausap mo si Patrick!" bulong ko kay Charlie habang nag phy-Physics class kami.
"Eh ikaw nga dyan, kinukulit-kulit kapa ni Adrian! Nako ha, iba na yan Lorenzo!" Balik tingin naman siya sa whiteboard at nakinig ulit kay maam.
"Ikaw rin naman, nakakatext mo pa si Patrick!"
Hindi kami galit sa isa't-isa. Ganyan lang talaga kami.
"Oonga pala, sinuggest ko kay Patrick na ikaw ang maging miss intrams ng team nyo!" *laughs*
"Say whaat?!" Baliw talaga tong babaeng to! Anong nakain nito at ganito ang nangyayari?
"Yep! You heard me! Sabi nya pwede ka naman daw and he'll ask you daaaw." Kilig face ang nakita ko sa muka nya.
"Kahit ba! Bruha ka! Bat mo sinabi yun? Di ko kaya keri!" hindi na mapinta ang muka ko. Parang maiiyak ako eh. Seryoso.
"Keri mo yan bru! Ikaw pa! Nandito naman ako for you oh." hinug ako ni Charlie. Hay. Kinabahan naman tuloy ako!
--
Until now, hindi ko alam kung ako ba talaga ang representative ng team. Malapit an ang intrams. 1 week to go! Hindi parin confirm sakin.
May meeting daw ang mga teams ngayon. Hindi ako pumunta. Why? Trip ko lang. Baka kasi magkatotoo yung sinabi ni Charlie. Baka di ko kayanin pag nagkataon.
Nandito lang ako sa kubo, hinihintay ko ang bruha matapos sa meeting. Ang active nya lang dahil andun si Adrian Renzo Torres nya! Hmmp.
"Oy Kate!" agad naman akong napalingon sa tumawag sakin.
"Hi Blake! Ikaw pala!" si Blake Olivares. Ahmm. Swimmer yan and...dating nalink saakin. Ehem. Nanligaw sya pero rineject ko. Well, mas mag work out kung friends kami eh. Okay naman na kami ngayon. I guess?
"Bat di ka umattend ng meeting?" Pumasok na siya sa kubo and umupo sa tabi ko.
"Ahh nakakatamad! Wala naman akong maambag sa team. Basketball lang laro kodun."
"Anong wala? Ikaw kaya miss intrams ng team!" tumawa pa ng malakas si Blake.
"You kiddin' me ayt?" tinaasan ko siya ng kilay. Magkatingin kami sa isa't-isa.
"No. Ain't you the lucky one? Im your partner miss." i saw him smirk!
"Dahel Blake. Tigilan mo ko! Ihahampas ko sayo ang hawak kong physics module na kasing kapal ng muka mo!"
"Hey, chil! Hindi naman ako ang namili eh. Ako nga yung piniling mr intrams. Hindi na ko umangal, stress narin kasi sila eh." muka namang totoo yung sinasabi niya. Pero hindi parin ako satisfied.
"Eh kung ganon, sinong namili? Ipapasunog ko siya buhay! Arghhh!" Mas lalo ata akong nag-init! Sarap kalbuhin ni Blake!
"Ako..." pumasok siya sa kubo at tumabi saakin. Tumayo naman agad si Blake at nag "Bye Kate!" na siya saakin. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I can't speak. I can't utter any word.
"...ipapasunog mo ko ha?" Napalingon naman ako sakanya at nakita ko ang makalaglag panty na ngiti ni Patrick Buenviaje.
--
A/N: so, how's chap 1? I wanna hear your comments!
Comment and vote. Thanks!
-emery
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Pansin (Editing)
RomanceHindi mo pansin. Ang ano? Lahat. Ang wagas kong pag-ibig sayo.