Ninth.
Muka akong batang malapit na maiyak sa ginawa nila. Pero, napawi rin ang pagkatakot ko nung nakita kong nakangiti si Patrick. Ang sarap sa feeling na makitang nakangiti ang mahal mo lalo na't ikaw ang dahilan. Jackpot na ko!
Bumalik na rin kami sa sarili naming mga gawain. Si Pauline at Blake ay abala sa pag-paint ng props nya. Habang si Patrick naman ay nag-lalaptop, ineedit ata yung minus one ko. KILIG! Charot.
Ako naman, patuloy parin sa pag-kanta ko ng aking i-tatalent. Sana makabisado ko to. Bukas na to e! Ten oclock na ng gabi at buhay na buhay parin ang dugo namin.
"Kate, samahan mo ko. Punta tayo kila Luke. May hihiramin akong file para bukas." sabi ni Blake sakin. "Ah. Ok sige." pumayag na lang ako at tumayo na.
"Pat, peram ng motor!" Natatawang sabi ni Blake. Siguro mag-iisang buwan palang na nagmomotor si Blake kaya lagi yan syang inaasar. "Nak ng putcha, baka dumerecho kayo nyan sa clinic!" pabirong sabi ni Pat pero inabot nya naman yung susi kay Blake. "Trust me bro!" at ngumiti sya ng nakakaloko kay Pat. Yak landi ni Blake. Hahaha joke.
"Ingat kayo!" simpleng habilim nya samin, kinilig na agad ako.
Malapit lang naman dito yung bahay ni Luke. Kabarkada din yan ni Pat at Adrian. Luke Anderson, isang basketball player. Napaka-lakas ng apeal nyan. Lahat ng babae tumitili dyan kaso, wala talaga syang paki sa mga babae. Ok na yun, kesa nanlalandi? hahaha.
Sumakay na kami ng motor at pinaandar na ni Blake. "Hoy, dahan dahan lang ha. Baka mamatay tayo. Lalaban pa tayo bukas." sabay tawa ko. "Kate, wala ka bang tiwala sakin?" seryosong tanong nya.
"Meron naman, kaso basta." Nakalingon sya sakin. Symempre, back ride nga ako e. "Sabi ko naman sayo diba, iingatan kita." pagkatapos nyang sabihin yun, humarap na sya at pinatakbo yung motor. Super awkward tuloy. Naguguluhan na ako kay Blake. For the past few days, parang ayos lang naman kami. Anyare?
Andito na pala kami sa tapat ng Bahay ni Luke. Lagi yan tinatambayan ng barkada nila. "Gusto mo sumama?" yaya nya sa akin. "Loko ka ba? Wag na, nakakahiya kila Luke."
"Sige, wait for me. Mabilis lang ako." at naglakad na sya patungo sa bahay ni Luke. Napakalamig talaga sa loob ng campus. Medyo creepy din pag-gabi. Naka-upo ako sa motor ni Pat. Hay, sa haba ng panahon, ngayon lang ako nakasakay dito.
At talagang ang bilis ni Blake. "Sabi sayo e. tara na?" Sumakay na sya ng motor at umalis na kami. "Uy, nakakatakot dito pag-gabi." sabi ko sakanya. Umandar na naman ang pagkamatakutin ko. "Oo nga e." sabat nya naman.
"HOY ANO KA BA!!" Sigaw ko sakanya. Pano ba naman, pinatay nya yung head light ng motor. Ang dilim kaya ng daan! "Blake naman, baka ma-aksidente tayo!" nag-aalalang sabi ko sakanya. Naka shabu ba to? "Sabi ko sayo, magtiwala ka lang sakin." Ineenjoy nya pa talaga e! Mamaya ano na mangyari samin dito.
Malapit na kami sa bahay ni Pau. Di parin nya ino-on yung light. Takot na takot na ko e.
Omygosh. Biglang sumalubong samin si Patrick. "Gagi ka talaga Olivares! Buksan mo yung ilaw!" Sigaw nya kay Blake. "Chil dre! Para may thrill lang. KJ mo naman!" Uh-oh.. patay tayo dito.
"KJ? Mamaya mapahamak kayo dyan! Bago ka palang ganyan na iniisip mong trip?" Takte. ANG SERYOSO NG MUKA NI PAT! Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
"Sorry dre. Okay naman kami oh! Dont worry." At bumababa na kami sa motor ni Pat. "Wag mo alalahanin, di ko sisirain motor mo." natatawang sabi ni Blake. Tae tumawa pa sya? mamaya masapak to!
"Hindi naman yun yung inaalala ko! Aiishh! Tara na, hinahanap ka na kayo Pau." sabay na kaming umakyat at pumasok sa mala- Noli Me tangereng bahay ni Pauline. Buti kumalma na sya! HAY!
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Pansin (Editing)
RomanceHindi mo pansin. Ang ano? Lahat. Ang wagas kong pag-ibig sayo.