6th

73 4 2
                                        

Sixth.

"Ayaw ko na.. I quit." last sentence na sinend ko kay Pauline na dahilan para tawagan nya ako.

"Ano ka ba Kate? Ilang days na lang contest na. Ngayon ka pa mag-ganyan? Alam kong napilitan ka lang. Pero please, wag kang mag-quit. Nang dahil lang kay Pat, aayaw ka na? Tss. Di pwede yun!" pag-sesermon sakin ni Pau. Don't get her wrong. She's kind. Sadyang baliw lang talaga ako.

Natulo parin mga luha ko. Ewan ko? Sobra akong nasaktan. Feeling ko talaga ayaw nya sakin, ayaw nya ako makasama.

Napabuntong hininga na lang ako...

"Okay. Wala naman na ako magagawa diba?," Ganda ng sagot ko. Wala na ko sa mood.

"Just do it. Please? Para na lang sa buong team. Okay?" Muka syang command, hindi pakikiusap. 

"Sige, pahinga na ko ah. Bye, Pau."

"Sure. Thank you, good night." and she ended our call.

Ang tanga ko e. Bat ba kasi ako mag-quit! Tsk. Babaw mo talaga Kate! Hay nako. Marami pa namang susuporta sayo eh. I better rest. May pictorial pa bukas! Siguro naman, okay na jersey namin. I should return his clothes narin. Yung blue shirt at yung jersey ni Ate Roxx. Tama! Ibabalik ko na bukas, Walang malisya. Medyo galit parin ako sakanya. </3

TUESDAY

Umagang-umaga naka salubong ko si Bru at kinwento ko lahat ng nangyari kagabi. Ang again, umiyak na naman ako sa harapan nya. Halo halong emosyon narin siguro. Stress, sakit. Stess na ko dahil wala parin akong talent. BS na yan. Ano na ba gagawin ko? :(

"Kate!" napapunas agad ako ng luha.

"Ariza?" mygosh. Ngayon na lang ulit! She looks happy.. Told you before, may something sakanila ni Patrick. Bestfriends daw.. and madalas silang makita na magkasama. She's still my friend though.

"Umiyak ka. Kilala kita! Lalong lumiit mata mo oh. Anong nangyari sayo?" concerned ba talaga sya sakin? Ayaw ko naman sabhin sakanya yung dahilan pero I trust her. Kaibigan ko talaga to.

"Eh kasi, nag-back out si Patrick. Sya dapat partner ko sa talent eh.", Napayuko na lang ako. Feel ko tutulo na naman ang aking luha. Damnit eyes. Naramdaman ko namang ti-nap ni bru yung likod ko.

"Baliw talaga yung lalaking yun! Nako, hayaan mo na nga yun. Intindihin mo nalang.." Sabi ni Ariza sakin. Tapos nag smile sya

"Yun na nga eh. Intindihin ko siya." there.. Lumabas na ang luha. Crap.

She hugged me, "That's okay. Busy naman kasi siya eh. Captain na kasi sya ng team nyo. Siguro di nya lang kakayanin if gagawin nya pa yun."

Kumalas ako sa yakap nya. "Siguro nga, thank you ha?" I should thank her kahit papano. She smiled again and left us there.

"Bru, yung totoo? Plastic o plastic?" tanong sakin ni Charlie.

"Pinagsasabi mo? Pinapili mo ko sa iisang choice?" I asked her back. Ano ba kasi yun?

"Anak ng grasshopper Kate Erin! Di mo gets! Naalog na utak mo? Mukang plastic naman yung babaitang yun! Tsk!'

"Ha? Ano? Plastic? Pano mo nasabi?", nag-salubong ang dalawa kong kilay sa sinabi ni Charlie.

"Di ko alam kung concern ba talaga sya sayo. Mukang ang saya nya pa nuung sinabi mong nag-back out si Pat. Ano na ba nangyari sayo at di mo yun napansin?," Tinaasan nya ko ng isang kilay. Taray ha! Chos.

"I dont know. Basta bahala na, di ko na pro-problemahin yan. Mas madami pa akong dapat problemahin ngayon." After nun, pumunta na kami ng room para ayusan ako ni bru. Pictorial na for formal and sports wear.

Kasama parin namin ang Green at Yellow team sa pag-aayos. Remember, tapos na ang Red. After kong ayusan, nauna na ulit ang ibang team. Si Blake? Eto andito naman sya, namomoblema sya sa isusuot nya. haha nakakatawa nga eh. Kasi parang naging stylist namin si Charlie. :) 

Sakto ko namang nakita si Pauline. Yung tingin nya parang, okay-ka-na-ba?. Ayan ganyan. Nag-smile nalang din ako sakanya. "Paki bigay nalang to kay Buenviaje. Paki sabi thank you." Inabot ko na sakanya yung dalawang damit na hiniram ko. At the same time, binigay narin nya yung jersey namin.

"Sure ka ba akong magbabalik? Or gusto mo sya makausap?" tanong nya sakin. Nakatingin sya sa mata ko.

Umiwas ako ng tingin, "Nah. Ikaw na lang. Please? Ayaw ko muna sya makita e. Thank you."

Pauline hugged me. Awww. "Kaya mo yan! Mamaya pala pag-usapan na natin talent nyo. Dun ulit sa room na yun. After ng mga laro ha? Wag kana ma-down. Andito pa ako oh. At andyan pa naman si.."

"Kate, tara?" si Blake pala nasa likod ko na. Nag-bye na ako at sabay na kaming pumunta sa field ni Blake para mag-start na ng pictorial.

Hay sawakas tapos na yung pictorial. Nag-enjoy naman ako at nakalimutan ko yung mga problema ko. Ang sarap nila kasama. :) Hay, magiging memorable talaga tong intrams na to.

Habang pabalik kami sa room para magbihis, "Buti naman ngumiti kana." 

"Ngumiti naman talaga ako kanina ah?" sabay hampas ko sakanya. Mahina lang naman.

"Panget yung ngiti mo kaninang pictorial. Buti andun yung iba nating friends para kahit papano naka ngiti ka ng tunay." ngumiti naman sya sakin. Parang yung ngiti nayun ay puno ng pagmamalasakit.

Ewan ko feeeling ko iiyak na naman ako. Napayuko na naman ako. Tutulo na talaga sya anytime. "Di mo kelangan itago yan. Sabi ko naman sayo, andito ako para sayo. Bago pa magsimula 'tong intrams, sinabi ko na yan sayo." Huminto kami sandali. At hinarap nya ko sakanya at.. he hugged me.

"You'll be alright. Kakayanin natin 'tong dalawa. Tutulungan kita sa lahat ng problema mo. Promise."

--

MAIKSI! I know. HAHA. Sorry pooooo. :)

Hindi Mo Pansin (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon