Please continue to support my stories. Thank you readers nd voters! Love love love :))
--
2nd
Nagulat nalang ako na katabi ko na pala sya. Hindi ako nakapagsalita agad. Seryoso? Siya pala ang may pakana ng lahat. Ayyy mali. Si Charlie Jade Lopez pala!
Sineryoso talaga ni Patrick yung pag-suggest ni bruha. Hay patay tayo dyan. Kakayanin ba yun ng powers ko? Nako po! Bala na si batman. Ay takte! Si batman na naman? Huhuhu.
"Bat hindi ka umattend ng meeting?" katabi ko sya and nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sa akin. Lumingon narin ako sakanya, "Ah. Eh..." wahh. Anong idadahilan ko?
"Ih. Oh. Uh?" Omigosh. did he just blurted out a joke? I heard him laugh. Tumawa narin ako. Hindi fake na laugh. Tunay to. Hahaha
"Corny mo. Ah kasi, wala lang. di ko alam na may meeting." Ganda ng dahilan ko guys! Haha. Wait. Nakikipag-usap sa akin ang mahal ko! Omigosh. Paki kurot ako guys!!!!!!
"Corny? natawa ka nga eh!" ngumiti nalang ako sakanya. "Pina-announce ko kaya. Tss. Hayaan na nga. Oh ano pala, okay ba sayo na ikaw na ang miss intrams?" napakamot na lang sya sa kanyang ulo.
Sa poging mong yan, makakatanggi ba ako? Hell no! Oh well papel. Yan ang dulot ng isang Buenviaje sa akin. "Okay naman. Makakatanggi pa ba ako?"
"Ayun! Sa wakas. Salamat Kate ah! Nabawasan din ang problema ko! Hayaan mo, partner mo naman si Blake e. di ka pababayaan nun." ngumiti sya after nung mga sinabi nya sakin.
Mas maganda sana kung ikaw ang partner ko, "Oo nga. Sana nga. Aba suporta ka rin ah!" sabay suntok ko ng mahina sa braso nya. Omigosh, the biceps! Harhar.
"Oo ba, makakaasa ka sakin! Osha sige, alis na ko ha. Aayusin ko pa yung tarp natin and yung jerseys. Salamat talaga ha. Bye!" tumayo na siya at nagwave. Nag-babye na rin ako sakanya.
Ang galing lang dahil nakausap ko siya. Dapat narin pala akong magpasalamat kay Bruha. Haha. Loves ko talaga yun. Mehehe.
One week nalang before intrams. Kausap ko ngayon yung isa pang member ng blue team. Sya daw bahala sa talent ko eh. Buti nalang. Im gonna sing. Ohkay, medyo di ko talaga to talent pero yan na lang ang magagawa ko eh. Hay.
"Kakanta ka. Kayo ni Patrick."
Say what?! Kami ni Patrick? Is she serious? Kalokaaaaa. "Ano, Pauline?"
"Kakanta kayo ni Patrick. Pumayag naman na siya. Payphone ang kakantahin nyo and medyo parang may drama." pageexplain sakin ni Pauline.
"Seryoso ka ba dyan? Kami talaga ni Patrick?" hindi naman sa ayaw ko. Syemps, gusto ko yan! Kaso nahihiya ako eh. Nako eto na na naman si hiya.
"Seryoso ako Kate! Ano, game ka na ba?" Nakapamewang na siya. Ohkay chil lang po, "Opo, I'm ready."
Hindi naman kaagad kami nakapagpractice dahil nga busy si Patrick. Ewan ko ba kung matutuloy pa to.
Busy halos lahat ng student dahil nga sa upcoming na intrams.
"Hoy bruha! Ako na miss intrams ng team." may halong lungkot sa muka. Kinakabahan na kasi ako.
"Oonga! Ikaw na nga. Galing ko no?" ngumiti pa ng nakakaloko si Charleh. "Oo na! Ikaw na magaling! Pinahihirapan mo talaga ako! Tamo, muka na kong ewan eh! Kaloka ka."
"Haler? Dapat nga mag-thank you ka sakin eh dahil nagkakausap kayo ng mahal mo!" tumaas naman ang isang kilay nya.
"Bruha ka talaga! Ona, salamat!" yumakap na ko sakanya.
She hugged me too. At kumalas na rin, "Matagal ko ng alam na bruha ako. Love you bru!" *laughs*
Hay. Nakakaloka talaga tong bespren ko. Parang sinapian eh. =))) pero mahal na mahal ko yan.
Friday na ngayon at ibig sabihin sa monday na ang opening ng intrams. Sa thursday naman ang mr&ms intrams. Hay anlapit na talaga. And guess what? Hindi parin kami nakakapag-practice ng song ni Patrick! Bala na ulit si batman.
Sa sunday pala ay may Amazing Race. Part yun ng mr&ms. 50% ng score namin ay galing dun. May iba't-ibang station at bawat station ay may challenge na dapat naming lagpasan at papaikutin kami sa loob ng buong University. Alam kong nakakapagod to dahil ginawa na to sa previous intrams ng school.
Saturday night.
Katext ko ngayon si bruha.
Ako: bukas na yung amazing race bru. Wat to do?
Charlie: anukaba? Kaya mo yan! Go girl! Ppunta ako ng maaga dun para suportahan ka! Galingan nyo ni Blake ha! Kampi ako sainyo ayoko nung sa amin. Hay.
Ako: bat sno b ung inyo?
Charlie: si ano... Si Ariza. Yung karibal mo na kaibigan mo.
Ako: shoot! Seryoso ka? Si Ariza? Patay tayo dyan.
Charlie: dahel! Kaya mo yan. Wag ka papatalo dun ha. Kering keri mo yan. Loveyou bru.
Ako: hay. Kakayanin. Ge bru, salamat ha! Seeyou tomorrow! Gdnyt!
*end of convo*
Hay! Si Ariza pala yung isa sa mga kalaban ko. Walang wala na ko!
Friend ko si Ariza. Actually, classmate ko sya lastyear eh. Nalink yan kay Patrick. Halos nababalitang MU sila. Close narin sila eh. Peri denial stage ang girlalu. Bestfriends lang daw sila. Ewan ko medyo malabo. Seryoso talaga akong friends kami nyan. Close nga kami e lalo na last year. Oh well papel. Ganun ang life!
Mukang babackout nako! Si Ariza ba naman kalaban ko, anyare na nyan sakin.
*phone rings*
1 mssg received
Akala ko si Patrick. Si Blake pala! Sinabi nya lang sa akin yung mga dapat dalhin! Hihi. Good job partner!
Nag-reply naman ako ng "thank you! Galingan natin bukas!"
Fact: magaling mag-swim si Blake. Humakot ng award yan last intrams namin. At dahil dun, binansagan syang, "sirena".
"Ako'y isang sirena..." Hahaha baliw na ko. Napakanta na eh. Pagbigyan, kabado ako!
*phone rings*
From: Patrick Buenviaje
Ready kana bukas?
Paki sabi kung nabubulag ako! He just texted me!!! *party* dejoke! Grabe lang! I thought si Blake! Haha medyo ang gulo ko. Rawr. Eh ganito ako kapag kinikilig ako. Sarreh guys.
Ako: medyo. Knkabahan lang.
Patrick: wag kabahan! Kaya yan! Tiwala lang!
Ako: salamat ah! Pupunta kaba dun bukas?
Patrick: oo, support ba. Haha
Ako: yey! Thanks! Suportahan mo kami ah.
Patrick: oo ba. Suportahan namin kayo!
Ako: salamat ulit! :)
Suportahan nya daw kami. Hay. Supportive captain! Buti nalang talaga. Kaya namin to! Pero wala eh, kabado parin ako! Help please?
Teka, antagal naman magreply ni mahal. Nakatulog na ata! Ohkay, sige matutulog narin ako. Maaga pa ko bukas! 6am.
Calling....
Patrick Buenviaje
Weh?! Totoo ba to? He's calling!!! Omigosh!!!!!
"H-Hello?" Shocks. Nagsta-stammer ako! Anyare!!!
"Ahmm. Distorbo ba? Sorry may ginagawa pa kasi ako eh. Ayun, pahinga kana! Goodnight Kate! Bye."
"Ahh-- sige. Salamat bye!"
and he ended the call.
Suddenly it's magic? Mwahaha.
---
Wanna here your opinions! Comment pls! Vote! Vote!
Sorry for all the typos. Sa cellphone lang po ako nag update.
-emery
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Pansin (Editing)
Любовные романыHindi mo pansin. Ang ano? Lahat. Ang wagas kong pag-ibig sayo.